Chapter 8

32 3 0
                                    

Ricie's POV

Nagising ang diwa ko dahil sa mga boses na naririnig ko.

"Pwede na po ba syang makaalis dito sa clinic pag kagising nya?" tanong nung boses.

"Pwede na iho, pero kung hindi pa sya okay bukas sabihin mo nalang na hindi na muna sya pumasok. Alam ba to ni Dean Alcantara?" tanong naman nung isang boses.

"Hindi po eh. Wag nyo nalang po sabihin para hindi na po magalala ang mom nya." sabi naman ni Nath.

"Sige iho. Maiwan na muna kita dito iho dahil may kailangan pa akong gawin sa opisina ko." sabi naman nung isang boses.

Bumukas ang pinto at sumara ulit, nagmulat na ako ng mata at tinawag ko si Nath.

"Nath." mahinang tawag ko sakanya.

"Ricie? Ricie gising ka na rin sa wakas." sabi nya at niyakap ako.

"Nasan tayo?" tanong ko na nagpalinga linga pa sa paligid

"Nasa clinic tayo." sabi nya.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko naman

"Nahimatay ka kanina at ang taas ng lagnat mo kaya ipinunta ka namin dito." sabi nya naman.

"Awwwww!" sigaw ko dahil sumakit ang ulo ko ng bumangon ako.

"Bakit? Bakit anong masakit sayo? Saan? Saan?" tanong nya.

"Sobrang sakit ng ulo ko. Grabeee! Sumakit bigla ng bumangon ako." sabi ko na hawak parin ang masakit kong ulo.

"Ito oh, uminom ka ng gamot." abot nya ng gamot at tubig sakin kaya ininom ko naman yung gamot.

"Salamat at ikaw ang nag-bantay sakin dito. Nagskip ka pa tuloy nang mga class para lang bantayan ako. Salamat talaga ng marami." sabi ko ng nakatingin sakanya.

"Ano ka ba naman, syempre gagawin ko yun, anong klaseng manliligaw ako kung papabayaan kitang magisa dito sa Clinic? Syempre hindi ah." sabi nya at tumabi sakin.

"Anong kaylangan kong gawin para makabawi ako sayo?" nakangiting tanong ko.

"Wala kang dapat na gawin Ricie. Basta nandito ka lang lagi sa tabi ko, sobrang bawi na yun." nakangiting sabi nya.

"Makakahintay ka ba pag sinabi kong sasagutin kita?" tanong ko.

"Oo naman. Gusto kita, kaya maghintay ako kahit gano katagal pa yan." nakangiting sabi nya.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko na niyakap ko sya. Pagkatapos ng mahigit limang minuto humiwalay na ako sa yakap.

"What's that for?" nakangiting tanong nya.

"Nothing. Bigla nalang pumasok sa isip ko eh." nahihiyang sabi ko.

* * K A T A H I M I K A N * *

"Pwede ka na daw lumabas dito sa clinic. Sabay na tayong pumunta ng room." sabi nya.

"Sige tara." sabi ko sabay tayo sa kama kaso...

Nagkasabay kaming tumayo kaya naout of balance kami and the next thing is nasa sahig na kami, nakapatong ako sakanya.

"Ahh sorry sorry." sabi ko sabay tayo, tumayo rin sya agad.

Pumunta na kami ng room at tanong sila ng tanong kung ok lang daw ba ako, syempre sabi ko oo. At natapos ang klase, nang nakauwi na ako ng bahay umakyat agad ako sa kwarto ko. Nahiga muna ako at nagonline sa messenger, nang may nagchat.

Nathan Dela Rosa

Nathan: Hi Ricie!
Me: Hello Nath
Nathan: Kakamustahin lang kita, okay ka na ba?
Me: Oo, okay naman na ako.
Nathan: Mabuti naman, magpahinga ka na jan ha.
Me: Sige ikaw rin.

I think si Toni na ang crush ko, niligtas nya kasi ako dun kila Kyle. Aamin agad ako, now na kaya ichachat ko na si Toni

Toni Maiquez

Me: Hi Toni. Thanks nga pala
kanina ha.
Toni: Ahh ok lang yun.
Me: May sasabihin sana ako
Toni:Ano yun?
Me: Crush kita!
Toni: Ahhh sorry Ricie eh pero may gusto na kasi ako eh, yung bestfriend mong si Krysha. Sorry ha
Me: Ahh hehe sige ok lang byee.
Toni: Sige bye

Ang swerte naman ni Krysha at may gusto sakanya si Toni. Makaligo na nga lang ako. Pagkatapos maligo nagbihis na ako. Nagpatugtog ako ng What is love, habang natugtog ang kanta nagsasayaw ako.


Hindi ako magsisunungaling ngayon ha, pero marami na akong naging MU. Ang pinaka mabilis ay 1 day lang at ang pinaka matagal si 10 months lang.

Pagkatapos naman ng What is love, nagpatugtog naman ako ng boom boom nang Seventeen. Nagsayaw lang ako ng nagsayaw. Nandito nga pala ako sa music room na nasa loob lang din ng kwarto ko, pero may pintuan muna bago makapasok dito. Meron kasing malaking salamin dito, minsan dito kami nagpapractice mag sayaw. Pagkatapos kong magsayaw sayaw lumabas na ako ng music room at natulog nalang ako.

Toni's POV

She likes me but I don't like her, mas gusto ko si Krysha. Pero siguro kung wala si Krysha, niligawan ko na siguro itong si Ricie. Tsaka ayaw kong maging kami dahil gusto kong magkaibigan lang kami ni Ricie, dahil masarap syang kasama. Malalagot din ako kay Nathan pag niligawan ko pa si Ricie. Nakita nyo naman yung ginawa nya kay Jm diba? Ayakong masuntok ni Nathan.

Kung mahal mo ipaglaban mo! - Ms. Author

Hindi ko naman sya mahal eh

So ang balak mo lang is kaibigan lang? - Ms. Author

Ganun na nga Ms. Author.

Edi akin ka nalang yieeeee. Char HAHAHAHA. - Ms. Author

HAHAHAHA Sorry Ms. Author pero loyal to kay Krysha.

Edi Nathan nalang ako HAHA. - Ms. Author

Sige wait lang Ms. Author ha, sasabihin ko lang kay Nathan na gusto mo sya.

Hoooooyyy!!! Joke lang naman yun eh - Ms. Author.

Hahahah sige na nga. Sige byeee Ms. Author, matutulog na ako.

Sige bye. - Ms. Author

Nahiga na ako at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

---------------------------------------------------------

Hello po readers. Sorry nanaman po kung hindi ako nakapagupdate kahapon. May pinuntahan po kasi ako eh. Maguupdate ko ako bukas or mamayang madaling araw. Medyo malapit lapit na ang birthday ko😊. May surprise ako sainyo readers, Abangan nyo nalang yung birthday ko😊😂.

Pavote kung nagandahan kayo HEHE.

Always Falling Inlove With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon