Chapter 28

18 1 0
                                    


Kien's POV

Nandito kami ngayon sa loob nang bahay nila Ricie. Napagisipan ko kasi na ipakilala kina mommy at daddy si Ricie.

Nakita ko sila mommy kasama ang mommy ni Ricie.

"Oh ayan na pala sila." sabi ni tita kay mommy.

"Nak bat di mo sinabi na girlfriend mo na pala si Ricie." sabi ni mommy at tinignan ako nang nakakalokong tingin.

"Ahh hehe yun nga po yungsasabihin ko kaya kasama ko po si Ricie eh, pero naunahan na pala ako ni Tita." sabi ko.

"Mommy papayagan nyo po ba ako na pumunta ulit sa Boracay sa 27? May pupuntahan po kasi kaming debut, so baka po 26 ang alis namin." sabi ko kay mom.

"Oo naman anak okay lang. Sino sino bang kasama mo?" tanong ni mommy.

"Kung sino pong kasama ko nung pumunta rin kaming boracay." sabi ko.

"Ahh kasama ba ang baby namin?" tanong naman nang mommy ni Ricie.

"Yes po tita." sabi ko naman.

"Ricie mauna ka na muna dun kila Nathan, may gagawin lang ako." sabi ko kaya tumango naman si Ricie at umalis na.

Tinawagan ko sya.

"Nasan ka na ba?" I asked.

"Bat ba nagmamadali ka haha. Malapit na ako wag kang magalala." sabi nya naman.

"Bilisan mo." sabi ko naman saka inend yung call.

Nang matapos kong iend yung call sumunod na rin ako kay Ricie.

Ricie's POV

Nang pumunta na ako sa mga kaibigan ko, napansin kong mas rumami yung tao.

Nang tumingin ako sa paligid, may nahagip yung mata ko. Is that? What?! Bat sila nandito?! WAHH

"Hi Ricie, Hi guys." she said sabay ngiti.

"WAHHHHHHH ATE BAT KAYO NANDITO??" sabi ko sakanila dahil hindi ko iexpect na pupunta sya dito.

"Masama ba?" tanong nya at tumawa.

"Hehehehe your boyfriend said it." sabi nya at tumingin sa likod ko. Tumingin rin naman ako.

"Babe why didn't you say na pupunta pala dito sila Ate Van and Blythe?" tanong ko sakanya.

"Well... surprised? hehehe." tanong nya.

"Pano kayo nakapunta dito ate Van?" Shen asked.

"Nung time na umalis na kayo sa isla, sinabi nang mommy namin na pumunta daw kami sa manila dahil gusto daw kami makita nang mga pinsan namin. So nung sinabi ni mommy yun, gusto namin kayong puntahan dito sa manila, sinabi namin sa boyfriend mo na pupunta kami sa manila tapos sabi naman nya may party daw dito sa bahay nyo kaya pumunta kami." paliwanag ni ate van.

"Grabe di ko inakala na pupunta po kayo dito ate Van at Ate Blythe." sabi ni Emi.

"Hey don't call me ate, okay na nga yung blythe." sabi ni ate blythe este blythe at tumawa.

Habang nagkwekwentohan kami biglang may kumalabit sakin, kaya tumingin naman ako sa likod ko.

"Ma'am Ricie, pinapatawag ko kayo sa loob ni Ma'am." sabi ni Manang.

"Ahh okay sige po Manang, sunod po ako." sabi ko kaya tumango naman sya.

"Guys wait lang ha, tinatawag ako ni mommy eh." sabi ko sakanila at tumango sila then umalis na ako.

Always Falling Inlove With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon