Daniel's POVNandito ako ngayon sa court ko, nakaupo kasama ang mga kaibigan ko. Iniistalk ko si Ricie, nalaman ko rin na anak pala sya nang may-ari nang Hillton Academy.
"Pre ang lalim yata nang isip mo, di naman maabot eh." sabi nang isa kong kaibigan na si Jacob. Talto kaming magkakaibigan, ako, si Jacob at si Jiro.
"May nakilala kasi ako kanina sa Mall na babae, magandang masungit." sabi ko.
"Nako naman Daniel, sobrang play boy mo talaga. Kakabreak nyo lang nang girlfriend mo nung isang araw ah." sabi naman ni Jiro.
"Kaibigan ko ba talaga kayo? Wala manlang kayong tiwala sakin eh." sabi ko naman sakanila.
"Eh lagi mo namang sinasabi na hindi mo lolokohin pero ano? Niloko mo parin." seryosong sabi ni Jacob
"Tiwala lang kayo pre. Hanap ko pa kayo nang girlfriend." nanghahamong sabi ko.
"Sige. Pagniloko mo sya, wala nang pansinan." seryosong sabi ni Jiro.
"Sige, deal." sabi ko naman.
Ricie's POV
Kanina nung kakaalis lang ni Daniel at dumating yung mga kaibigan ko, nararamdaman kong may nakatingin sakin. Di ko alam kung guni-guni ko lang ba yun or meron talaga.
Matapos naming kumain, nagshopping muna kaming magkakaibigan then umuwi na rin kami agad dahil maghahanda pa kami dahil christmas na bukas, aalis ulit kami sa 26 dahil pupunta kami sa boracay para sa debut ni Blythe at sabay sabay na kaming pupunta sa boracay sa 26.
--FAST FORWARD--
December 26 na ng 7am ngayon at mamayang hapon na ang alis namin. Maaga akong nagising dahil siguro excited hehe. Pupunta daw dito sila kambal, Krysha, Ate Van, Blythe at boys nang 1pm dahil 1:30 aalis na kami sa bahay then 4:00 ang flight namin.
Sobrang saya kahapon dahil maraming natanggap na regalo na kung ano ano.
Nandito ako ngayon sa baba at nakain nang breakfast.
"Anak magiingat kayo sa Boracay ha." my mom said.
"Opo naman po mommy." sabi ko naman.
"Naka-impake ka na ba?" tanong ni dad.
"Yes po." I asked with a smile on my face.
"Kailan ang uwi nyo anak?" tanong nj mommy.
"Sa 29 daw po." sabi ko naman.
Nang matapos naman akong kumain, umakyat na ako. Sa totoo lang ay hindi pa talaga ako tapos magimpake nang gamit, yung regalo ko nalang kay Blythe ang hindi ko pa naiimpake.
Nagtext ako kay Ate Van at tinanong ko kung anong gustong regalo ni Blythe, ang sabi naman ni Ate Van ay kahit ano naman daw ang regalo sa ate nya ay tinatanggap nya. So napagisip kong magbigay nalang nang letter.
10am na ako natapos gumawa nung letter dahil sobrang haba talaga. Nang matapos ako dun sa letter ko, naligo na rin ako para magready na.
1 hr. akong naligo dahil nagbabad ako sa bath tub. Nagbihis na ako nang pang alis.
Nang mag 12nn, kumain na kami dahil maaga pa daw ang alis ko. Nagbigay rin sakin si mommy nang pera ko, para daw kung may gusto akong bilhin ay mabibili ko.
--ONE HOUR LATER--
1pm na at malapit na daw sila dito sa bahay. Nang dumating sila, kagaya rin nang dati na dalawang van ang gamit, isa para samin at isa para sa gamit. Pero mas malaki yung van ngayon dahil nandito sila ate Van at Blythe.
Blythe's POV
Birthday ko na bukas pero feeling ko magiging bad birthday to dahil pupunta ang EX ko WITH HIS GF. Bitter kasi talaga ako eh, pero di ko naman na sya mahal, it's just that I don't want to see his and her NEW girlfriend's face. Papanget kasi hahahahhaa.
Nagtataka siguro kayo kung bakit sya pupunta sa birthday ko with her gf. Well, kaibigan lang naman ng mommy ko ang mommy nilang dalawa. Di pala kaibigan, BESTFRIEND pala.
"Ate." kulbit sakin ng kapatid ko na nasa tabi ko lang.
"Yes?" sabi ko at tumingin sakanya.
"Why you look sad? Birthday mo na tomorrow and yet sad ka." she said.
"Pupunta si Patrick at Jullianna bukas." I whisper.
"YUNG MANLOLOKO MONG EX?!!?" malakas na sigaw nya, kaya tumingin sila Ricie samin.
"Don't shout." I whispered again.
"Opss sorry sorry." She said while bowing.
"Why are they coming?" she asked.
"Remember, our parents at ang parents nila ay magkakaibigan." sabi ko naman.
"Nga pala Ate, nagchat si Michelle na pupunta daw sya bukas sa birthday mo." my sister said.
"That b*tch?!?! Hell no! Pigilan mo sya!" I said.
"Ginawa ko na ate, pero sa ayaw at gusto natin, pupunta daw talaga sya." sabi naman nya.
Hindi nalang ako sumagot dahil ayaw ko na munang magisip.
Kien's POV
Nandito na kami sa Van at katabi ko ngayon si Ricie na nakasandal sa balikat ko at natutulog.
Malapit lapit na rin kami sa Airport kaya ginising ko na si Ricie.
"Ricie, gising na, malapit na tayo." I said while poking her.
"Hmm?" sabi nya nang nakapikit pa.
"Lapit na tayo." sabi ko ulit.
Nag inat muna sya bago dumilat.
"Sarap yata nang tulog mo ah." I said ang slightly laugh.
"Oo naman, syepre katabi kita hihi." sabi nya nang nakangisi. Nginitian ko nalang din sya.
Ilang minuto lang, nasa airport na kami.
It's already 3:30pm kaya nagmadali kaming pumasok sa airport dahil 4pm ang flight namin.
-----------------------------------------------------------------------------
Hi readers:)) Ito na po chapter 30 hehehe sorry kung onti lang ha. Yung isang reader ko kasi nagmamadali, ipost ko na daw yung chapter na to kaya hindi ko nahabaan HAHA. Next month yung chapter 31.
Vote❤
BINABASA MO ANG
Always Falling Inlove With The Wrong Person
RomantizmAUTHOR'S POV Ricie Mae Alcantara, a girl who have everything. Nice, beautiful, rich, and everything that boy wants, in short PERFECT. Pero bakit ang malas nya sa pag-ibig? She don't deserve to be hurt all the time. But one day, nakilala nya ang lala...