Chapter 11

21 3 0
                                    

Ricie's POV

Nang makarating ako sa bahay ay kumain na ako at umakyat sa kwarto ko.

Hindi ko makalimutan yung hug na yun. Lalo na yung boses ni Matty.

"Ricie, hindi ka pwedeng mainlove kay Matty." bulong ko.

*ting*

Napatingin ako sa phone kong nag vibrate. Si Nath, nagtext.

From Nath:
Hindi ka talaga nagenjoy ha.

To Nath:
Hindi eh.

From Nath:
Nga pala maganda ba yung boses ko kanina?

To Nath:
Syempre... hindi HAHA, mas maganda boses ni Matty.

From Nath:
Mas maganda ang boses ng pinsan ko? Hindi kaya maganda boses nun, mas maganda boses ko dun.

To Nath:
Oo nalang. Sige bye matutulog na ako. Byee Good night na Panget.

From Nath:
Sige my Princess good night aking mahal. Magpray ka ha sweet dreams Love you.

To Nath:
Sige byee.

Maaga akong matutulog ngayon dahil pagod talaga ako nung maglaro kami kanina. Nahiga lang ako at natulog na rin.

ZzzzZZZzzzzzzzzzz...

Kinabukasan...

Maaga akong nagising kaya naligo na ako, plano ko kasing papuntahin dito sila Kambal at Krysha dahil nabobored ako.

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos maligo tinawagan ko si Ashen.

*RINGING*

"Hello?" Ashen

"Beshie punta kayo dito sa bahay nabobored ako eh." ako

"Itext mo na rin si Krysha na pumunta rin dito." dagdag ko at pinatay na ang linya.

Mga 40 minutes nandito na rin sila.

"Anong plano nyong gawin ngayon?" tanong ni Emianna.

"Tara punta tayo sa Park." sabi naman ni Krysha.

"Sige. " sabi ko naman.

Medyo malapit lapit lang naman ang park, kaya hindi na kami nagpahatid sa driver. Nang makarating kami sa park umupo muna kami sa isang tabi.

"Guys? Anong gusto nyong pagkain bibili kami ni Ashen." sabi ni Emi.

"Softdrinks nalang ako." sabi ni Krysha.

"Ikaw Ricie?" tanong ni Emi at tumingin sakin.

"Ahhh wag na, hindi naman ako gutom eh." sabi ko.

"Ahh sige wait lang kayo dito ha." sabi ni Emi.

Pagdating nila nagkwentuhan muna kami ng mga about sa crushes namin.

"Nakakainlove talaga si Jm kahapon nung kumanta sya." kinikilig na sabi ni Ashen.

"Lalo na si Matty." natatawang sabi naman ni Emianna.

"Eh ikaw Ricie? Nakita kong nakatingin si Nath habang nakanta sya." sabi naman ni Ashen.

"Wala lang yun, ano ka ba." sabi ko.

"Ohhh look who's here again." boses ng babae sa likuran ko.

"Bakit kayo nandito?" parang galit na tanong ni Ashen.

"Bakit sainyo ba itong Park para pagbawalan kami?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Kyle.

"Wag na wag kang magpapakita sakin baka pagsisihan mong nagaral ka sa school na pinagaaralan ko." nanggigigil na sabi ni Ashen.

"Dapat na ba akong matakot? Huhuhu natatakot ako tulungan nyo ako." sabi nya at tumawa silang apat.

"Ashen tama na please." sabi ko kay Ashen.

"Hindi pwedeng pabayaan ko lang tong mga babaeng ito." nangigigil na talagang sabi ni Ashen.

"Bat ba nakikisungbat ka ha Ashen. Baka punitin ko yang bunganga mong malaki." iritang sabi naman ni Blu.

"Matatakot narin ba ako?" nakangising tanong ni Ashen.

Nakita kong kumuha ng bato si Blu at dapat naipupukpok kay Ashen kaya tumayo ako para pigilan yung kamay nya.

"Wag na wag mong idadamay ang kaibigan ko kung ayaw mong masaktan." sabi ko at itinulak sya sa sahig.

"Ouch!" sigaw ni Blu.

"Sumusobra ka na ah." sabi ni Kyle at lumapit sakin at sinabunutan ako. Hindi at nagpatalo at sinabunutan ko rin.

Ashen's POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nangyayari.

"Tama na yan, ano ba kayo!" sigaw ni Krysha.

Pero walang narinig ang dalawa nagsabunutan sila ng nagsabunutan.

Itinulak ni Kyle si Ricie at tumama ang ulo nya sa bato.

"Ricieeeee!" sigaw ko at lumapit sakanila.

Pagkalapit ko ginising ko sya pero ayaw nyang gumising.

"Ricie? Ricie gumising ka pleasee." mangiyak ngiyak na sabi ko. Nadugo ang ulo nya.

"Ricie!?" sigaw nila Ate Emi at Krysha.

"OMG!" sabi ni Kyle

"Ricie? Ricie I'm so sorry huhuhu." sabi ni Kyle at lumapit. Pero pinigilan ko

"Wag na wag kang lalapit dito!!!" sigaw ko sakanya.

"Sorry talaga!" sabi nya at umiyak na.

"Ate itext mo si Kuya Aaron, sabihin mo pumunta sya dito sa Park." sabi ko kay Ate.

"Papunta na daw sya."

"Ricie please gumising ka." naiiyak na sabi ko.

"Anong nangyari kay Ricie?" tanong ni Kuya Aaron at kinarga si Ricie.

"Mamaya na po kuya."

"Pag may nangyaring masama kay Ricie, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!!" nangigigil nasabi ko kay Kyle.

"I'm so sorry talaga Ashen." sabi nya at umiyak ulit.

At sumakay na kami sa sasakyan nila Ricie.

"Kuya paki bilis po." sabi ko dahil naagos parin ang dugo sa ulo nya. Nang makarating kami sa ospital inasikaso agad nila si Ricie.

"Ricie please kaya mo yan. Do-don't give up." sabi ko at umiyak nanaman.

"Ma'am hanggang dito nalang po kayo. Hindi po kayo pwede sa loob." sabi ng Nurse.

Umupo kami sa upuan.

"Natext ko na sila Nath, sinabi ko ang nangyari. Parating na daw sila." sabi ni Krysha.

"NASAN SI RICIE!"

"Nath nasa loob pa sya." sabi ko.

Kasama nya sila Kien at iba pa.

"SINONG GAGONG GUMAWA NUN SAKANYA, MAPAPATAY KO TALAGA!" sigaw nya.

"Sila Kyle." sabi ko at umiyak ulit.

"Ok lang ba sya?" nag aalalang tanong ni Jm.

"Ewan ko, pero sana ok lang sya." sabi ko at nagpunas ng luha.

Naghintay lang kami dito sa labas. At maya maya dumating ang doctor.

"Doc ok lang po ba sya?" naluluhang tanong ni Nath.

-------------------------------------------------------------------

Sorry po kung ngayon lang ako nakaupdate busy na po kasi ako. Maguupdate po ako bukas. Saan po may nagbabasa pa ng story ko.

Kung nagandahan ka pavote na po. Muah Muah😊

Always Falling Inlove With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon