Kien's POVNang matapos kaming kumain, napagdesisyonan ko na yayain muna si Ricie sa may dalampasigan.
Lumapit ako sakanya para yayain sya.
"Ricie, dun muna tayo sa may dalampasigan." sabi ko at ngumiti.
"Sige." sabi nya at ngumiti rin.
Nang papalabas na kami biglang nagsalita si Ashen.
"San naman ang punta nyo?" tanong nya at nagtaas ng kilay.
"Sa may dalampasigan lang, maguusap." sabi ko.
"Bilisan nyo lang ha." sabi naman ni Vanessa.
"Sige." sabay na sabi namin ni Ricie at lumabas na ng room.
Tahimik naming tinahak ang daan papuntang dalampasigan, wala ni isa samin ang nagsalita dahil hindi alam ang paguusapan.
Nang binasag nya na ang katahimikan ng nasa lobby na kami ng hotel.
"Ano nga pala ang ating paguusapan?" tanong nya.
"Dahilan ko lang yun para makasama kita ng matagal." nakangiting sabi ko.
"Ahh hahaha okay." yun nalang ang kanyang nasabi.
Nang makarating kami sa may dalampasigan, umupo muna kami sa puting buhangin.
"Naalala mo ba yung usapan nila Nathan at Jm? Yung about kay Michelle, yung narinig mo." tanong ko.
"Ahh oo naalala ko nga yun." sabi nya naman.
"Gusto mo bang malaman ang kwento na yun?" tanong ko sakanya.
"Oo, gusto kong malaman yun." nasasabik na sabi nya.
"Ganito kasi yun..."
*FLASHBACK*
Nathan's POV
Nandito kami sa gym ngayon, tretraining kami ng basketball.
"Nathan, samahan mo naman akong bumili ng pagkain." sabi sakin ni Jm.
"Sige." sabi ko naman.
"Sama ako jan." rinig kong sigaw ni Kien.
Pumunta kami sa Canteen upang bumili ng mga pagkain namin.
Sa hindi inasahan, may nakabangga akong babae, morena, maganda. Nahulog ang mga libro nya, tinulungan ko naman syang pulutin ito. Hindi ko alam kung bakit ko ito pinulot, di naman ako mabait. Nang nabalik ko na sakanya yung pinulot kong libro, nagpasalamat sya.
"Salamat po." sabi nung babae.
Hindi ako nakapagsalita dahil natulala ako sa ganda nya. Nang nakalagpas na sya sakin, hindi ko alam kung bakit ko sya tinanong.
Humarap sya at sabing...
"Ako si Michelle." sabi nya at sabay takbo.
Hindi ko naman napansin na nauna na pala sakin sila Kien at Jm, kaya humabol nalang ako.
"Nako Insan, bat tinanong mo pangalan? Damoves mo par." sabi ni Kien nang mahabol ko sila.
"Hindi ko tinanong, sinabi nya lang." sabi ko at nauna nalang na pumasok ng canteen.
Syempre may mga nagsisigawan nanaman dahil nandito kami. Sikat kasi kaming sampu dito dahil nga gwapo at matatalino HAHAHAHA. Pero ako pinakagwapo eh, kaya pag malayo palang sigawan na ang mga babaeng tagahanga ko.
Bumili lang kami ng mga pagkain namin at bumalik na sa gym. Nang matapos ang training namin, umuwi na rin kami agad.
Pagdating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko. Nagsearch ako ng pangalan na Michelle sa Facebook, ang daming lumabas.
BINABASA MO ANG
Always Falling Inlove With The Wrong Person
RomanceAUTHOR'S POV Ricie Mae Alcantara, a girl who have everything. Nice, beautiful, rich, and everything that boy wants, in short PERFECT. Pero bakit ang malas nya sa pag-ibig? She don't deserve to be hurt all the time. But one day, nakilala nya ang lala...