Nath's POV4:30 na, medyo hindi na nainit kaya napagdesisyonan na naming bumaba. Simula nung bumaba si Jermaine kanina hindi na sya umakyat pa. Bumaba na kami sa lobby at pumunta sa dalampasigan.
Naglalakad kami ng makita namin si Jermaine na may kasamang babae at nakaupo, umupo kami malapit sakanila. May kausap yung babae sa phone, tapos bigla nalang tumakbo yung babae. Nang wala ng kasama si Jermaine, pinuntahan namin sya.
"Sino yung babae Jermaine?" tanong ni Matt ng nakangiti.
"Wala yun." sabi naman ni Jermaine.
"Guys yung dare ni Carl." sigaw ni Ricie.
"Videohan natin yan." sigaw naman ni Kien.
"Sino may speaker?" tanong ni Ricie.
"Meron ako." sabi ko naman.
Nagpatugtog kami Bboom Bboom, nagsimula namang sumayaw si Carl.
"Hahahahaha memorize mo Carl?" tanong ni Levan.
"Oo." sabi nya at nagsayaw nalang.
Nang matapos si Carl magsayaw, nagsayaw sayaw naman sila ng mga kpop songs.
Matt's POV
Habang nagsasayaw sila, lumapit naman ako kay Kien.
"Kien baka naman matunaw si Ricie kakatitig mo?"
"Matt, may plano kasi ako. Tulungan mo ko Couz." sabi nya at tumingin na sakin.
"Anong plano naman yan?" tanong ko naman sakanya.
"May ibibigay kasi akong letter kay Ricie kaso nahihiya ako. At ayaw ko rin kasing malaman nya na ako yung nagbigay ng letter." mahabang sabi nya.
"Edi ilagay mo sa kama nya." sabi ko naman.
"Oo nga no. Samahan moko." sabi nya.
"Tara!" sabi ko. Tumayo naman kami.
"Guys may kukunin lang kami sa room." sabi ni Kien.
"Bumalik kayo agad! Ipapakilala ko pa si Vanessa!" sigaw naman ni Jermaine.
"Sige." sabi ko at pumunta na kami sa room.
Sumakay kami sa Elevator.
Kien's POV
Sumakay kami ng Elevator at pinindut ang floor namin.
"Bat na kasi hindi ka pa umamin?" biglang tanong ni Matt.
"Alam mo namang magagalit si Nathan eh." sabi ko naman.
"Oo nga noh." sabi ni Matt.
Tumunog na ang elevator. Lumabas kami at naglakad papuntang room namin.
Nangmakadating kami sa room namin, kinuha ko sa maleta mo yung mga letters para sakanya. Simula nung makausap ko sya na wag na syang makialam sa pagsusuntukan nila Jm at Nath, simula ng araw na yun gumagawa na ako ng letter sakanya.
Nilabas ko yung isang box na puno ng letters.
"Ang dami naman yata nan." sabi ni Matt.
"Oo nga eh." sabi ko naman.
Nang makuha ko na yung letters lumabas na kami ng room naming boys. Pumasok kami sa room ng girls. Ilagay ko ang letter sa may kama ni Ricie para makita nya agad.
Lumabas na kami sa may Hotel room at bumalik na sa beach. 6:30 na rin pala.
Nang makalabas kami sa Hotel, naglakad na kami papunta sa mga kaibigan namin. Nagulat kami dahil may Bonfire sa gitna at nakaupo naman ang mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Always Falling Inlove With The Wrong Person
RomanceAUTHOR'S POV Ricie Mae Alcantara, a girl who have everything. Nice, beautiful, rich, and everything that boy wants, in short PERFECT. Pero bakit ang malas nya sa pag-ibig? She don't deserve to be hurt all the time. But one day, nakilala nya ang lala...