Chapter 12

31 4 0
                                    

Jm's POV

Lumabas na ang doctor galing sa loob.

"Doc ok lang po ba sya?" naluluhang tanong ni Nath kay Doc. Helen.

"She had a minor head injury. But she's now stable." sabi naman ni Doc. Helen. Hindi ko nasabi sainyo na pagmamay-ari nga pala nila Carl itong hospital, ang Meralda Hospital.

"Can we go inside already?" tanong naman ni Carl.

"Not yet, we will transfer her to a private room first." sabi naman ni Doc.

"Ahh ok po." sabi naman ni Carl.

"Kain muna kaya tayo ng lunch sa canteen dito." sabi ni Carl.

"Oo nga naman hindi pa tayo nakakapaglunch." sabi ko naman.

Pumunta muna kami sa canteen at kumain. Nagusap usap muna kami about sa nangyari.

"Bakit ba nangyari to kay Ricie?" tanong ni Kien.

Kwinento naman ni Ashen ang buong pangyayari.

"Hindi ba talaga titigil yang mga yan? Nakakadalawa na sila ah." sabi naman ni Nathan.

At ng matapos kaming kumain pumunta ulit kami sa emergency para itanong kung nasa room na ba si Ricie.

"Nurse, nasa room na po ba ang kaibigan namin?" tanong ni Carl sa nurse.

"Yes po Sir Carl, sa room 1531 po." sabi ng nurse kaya pumunta naman kami sa sinabi nyang room.

Pagpasok namin sa loob, walang kasama si Ricie doon. Mahimbing syang natutulog, nakabenda na ang kanyang ulo.

"Tawagan ko lang ang Mom nya." sabi ni Nathan at lumabas muna ng room.

Kien's POV

Lumapit ako sa kama nya.

"Sana maging ok ka na Ricie." bulong ko sakanya.

"Hindi ko kayang patawarin ang mga gumawa sayo pag hindi ka pa nagigising jan." bulong ko ulit.

"Bro naririnig ka nan." sabi naman ni Matt sa tabi ko.

"Sana magising na sya." sabi ko kay Matt.

"May gusto ka ba kay Ricie?" tanong ni Matt sakin.

"Ewan ko couz eh." sabi ko nalang.

"Pano kung magalit si Nathan sayo?" tanong ni Matt.

"Hindi ako papayag dun." sabi ko naman.

Biglang pumasok si Nathan kaya tumayo agad ako sa kama ni Ricie.

"Papunta na daw ang Mommy ni Ricie dito." sabi ni Nathan.

"Anong dahilan ang sinabi mo?" tanong ni Emianna.

"Hindi ko pa sinabi ang dahilan. Ang sabi ko lang nandito sa ospital si Ricie." sabi ni Nathan.

"Sasabihin ba natin ang totoo?" tanong ko naman.

"Hindi na siguro, I'm sure kung si Ricie ang tatanungin hindi rin sya papayag." sabi naman ni Toni.

"Huh? Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi nung binuhusan ni Kyle si Ricie ng tubig noon, biglang dumating yung mommy nya at tinanong kung bakit basang basa sya. Nagsinungaling sya na natapon yung hawak nyang tubig non. Kaya siguro wag na nating sabihin ang totoo, dahil baka ayaw nya lang magalala ang parents nya." mahabang kwento ni Toni.

"Kailangan din siguro nating sabihin sa magulang nya. Kasi that's her parents, may karapatan parin nilang malaman ang nangyari." sabi naman ni Krysha.

Always Falling Inlove With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon