Ricie's POVNang magising kami, hindi muna kami bumaba dahil nagkwentuhan muna kami at pinakita ko sakanila yung collections ko nang mga kpop merch, hindi pa nakita nila kambal at krysha to dahil hindi ko talaga to pinakita dati hahahahah.
Nandito kami sa isang room kung nasan ang mga merch ko.
"Grabe Ricie hindi pa kami nakapunta dito ah, ang dami pala." sabi ni Krysha.
Nakita kong biglang naging malungkot yung mukha ni Emi.
"May problema ba Emi? Bakit parang bigla kang naging malungkot?" sabi ko kaya tumingin rin sila kay Emianna.
"Nalulungkot lang ako sa Wanna one." sabi nya.
"Oo nga pala wannable ka rin." sabi ko naman.
"Kelan ka naging wannable Ricie?" she asked.
"Noong November nga lang eh." sabi ko.
"Grabe kumpleto mo lahat nang mga merch nila, as in lahat meron ka talaga. Ako may kulang pa akong dalawa lang, di ko alam kung san ako bibili dahil ubos na talaga yung ganung album. " sabi ni Emi.
Tinanong ko sya kung anong album ba yung kulang nya, dahil lahat nang album na meron ako ay may mga sobrang album dahil malay mo mawala kaya may isa pa.
"Anong album ba yung kulang mo?" tanong ko kay Emianna.
"I Promise U day and night version." sabi nya, kaya pumunta ako dun sa shelf kung nasan yung mga merch ko nang wanna one. Nang nakita ko naman yung album na yun, binigay ko sakanya.
"Sakin nalang?" tanong nya na gulat na gulat.
"Hahaha yep." sabi ko naman.
"Edi kulang na yung collection mo pagbinigay mo sakin to." sabi nya naman. Pumunta ako sa isang drawer at nilabas yung ganun din na album.
"I have pa naman eh." sabi ko at pinakita yung album.
"Grabe ang yaman nyo talaga Ricie." sabi ni Ate Van at Blythe.
May 20 sigurong malalaking shelf dito, puro kpop merch ang laman.
Binigyan ko rin yung iba nang merch. Kay Blythe at Ate Van ay lightstick, kay Ashen naman ay Album nang blackpink at kay krysha ay yung signature perfume ni Jeonghan. Kung carat ka, for sure alam mo yung signature perfume nang seventeen. Kumpleto ko yun at sobra sobra kasi ang binili ni mommy kaya binigay ko kay dasha yung kay jeonghan, siguro 3 signature perf kada member ang meron ako. Meron din ako ditong LG phone nang BTS but ayakong gamitin hahaha baka mahulog ko lang, clumsy pa man din ako hahahaha.
Nang matapos namin sa room bumaba na kami para kumain, 6 kasi kami nagising then 8 na ngayon.
Then umuwi muna sila sa mga bahay nila, gagala daw kami mamaya at kasama yung boys.
Naligo muna ako dahil sobrang init.
Hours later, nandito na ako sa mall at hinihintay nalang sila. Malayo layo pa daw sila, traffic rin daw kasi.
Habang naghihintay sakanila, naggala gala muna ko.
While walking, nagphophone ako kaya di ko napansin na may nakabangga na pala ako.
"Aray!" sabi ko.
"I'm so sorry miss." sabi nung lalake habang pinupunasan yung damit nya.
"Argggg!! Nabasa pa tuloy ako." sabi ko naman. May hawak kasi syang juice, then nung nabangga nya ako natapunan kami pareho.
"I'm really sorry." sabi nung guy.
"Di ka naman kasi natingin sa dinadaanan mo!" sabi ko sakanya.
"Bakit? Di ka rin naman nakatingin sa dinadaanan mo ah." sabi nya pabalik.
Inirapan ko nalang sya at tumalikod, pero bigla nya akong hinila paharap.
"Hoy! You need to buy me clothes because it's your fault kaya tayo nabasa pareho." sabi nya at masama ang tingin sakin.
"Okay." sabi ko naman at tumalikod na sakanya at naglakad na uli.
"Woi san ka pupunta? Bibilhan mo pa akong damit ah." sigaw nya dahil medyo malayo na ako. Humarap ako sakanya.
"San pa ba? Malamang sa bilihan nang damit." sabi ko at inirapan sya.
"Ayy sorry." sabi nya naman at sumabay maglakad sakin.
"San tayo?" tanong ko at tumingin sakanya.
"Anong san tayo?" tanong naman nya.
"San tayo bibili nang damit mo?" tanong ko ulit.
"Gucci." sabi nya kaya naglakad ako papunta sa gucci.
"San ka nanaman pupunta?" tanong naman nya ulit. Takte yan, tanong nang tanong e. Di nalang sumunod.
"Edi gucci." sabi ko.
"Ehh??! Nagbibiro lang naman ako eh." sabi nya.
"Sabi mo dun eh, kaya pupunta tayo dun." sabi ko at derederetsong pumasok sa loob nang gucci.
"Pumili ka na." sabi ko at tumingin sakanya.
"Ok-okay" sabi nya at namili.
Namili rin ako ng damit na bagay sakin. After kong makapili, pinuntahan ko sya sa may labas nang fitting room.
"Tapos ka na?" tanong ko at kumatok sa fitting room.
"Ahh oo tapos na." sabi nya naman at lumabas na.
"Bagay ba?" sabi nya sabay tingin sakin.
"Ang alin?" nakakunot ang ulo na tanong ko.
"Itong damit malamang." sabi nya naman at tinignan ang sarili sa salamin.
"Ewan ko sayo." sabi ko at naglibot libot nalang
"Thanks nga pala sa damit. Grabe akala ko talaga di mo tototohin pero nagulat ako nung talagang pumasok ka dun." sabi nya naman.
"Welcome." sabi ko nalang.
"Sa susunod, ako naman ang magtretreat sayo." sabi nya naman.
"Ano nga palang pangalan mo?" He asked.
"I'm Ricie Mae Alcantara. And you?"
"I'm Daniel, Daniel Mendoza. Nice meeting you, beautiful." he said and smiled. So weirddd.
Nagulat ako nang may pumalo sa ulo ko.
"Hiii Ricieeee." bungad ni Shen sa mukha ko.
"Oh bat basa yang damit mo?" Emianna asked.
"Ahh wala" sabi ko nalang. Nandito na sila Ate Van, Blythe, Kambal, Krysha at boys.
"Tara kain tayooo." sigaw ni Kien kaya pinagtinginan kami nang ibang tayo.
"Oy ang ingay eh." sabi ni Blythe.
"San tayo kakain?" tanong ko.
"Max's" sigaw nang lahat.
"Guys palit lang ako nang damit." sabi ko sakanila.
"Sige."
Nauna na sila sa Max's.
Daniel's POV
Hi! I'm Daniel Mendoza, yung nakabungo ni Ricie. I'm 16 years old, grade 10. Nagaaral sa Brent na pagmamay-ari namin.
Nandito ako ngayon sa isang sulok at pinagmamasdan si Ricie na kasama ang mga kaibigan nya yata.
Matapos nung magpaalam ako kanina kay Ricie, nagtago muna ako dito para titigan sya. Maganda kaso masungit.
Nang umalis na sila dun sa pwesto nila, naglakad na ako palabas nang mall at pumunta sa sasakyan ko at umuwi.
---------------------------------------------------------------------------------------
Finally! NakapagUD na rin sa wakas!! Sorry kung ngayon lang ako nakapagUD, sobrang busy na rin kasi sa school namin kaya wala akong time na makapagUD. So ito na nga ang pinakahihintay nang mga readers ko, ang aking UPDATE❤ May nakilala nanaman kayong bagong character hahaha. Next Chapter nyo malalaman kung sino sya😏.
Vote and Comment❤
BINABASA MO ANG
Always Falling Inlove With The Wrong Person
RomanceAUTHOR'S POV Ricie Mae Alcantara, a girl who have everything. Nice, beautiful, rich, and everything that boy wants, in short PERFECT. Pero bakit ang malas nya sa pag-ibig? She don't deserve to be hurt all the time. But one day, nakilala nya ang lala...