Chapter 1

190 22 31
                                    

Angelica's POV

"Bestiee! Ano? Sasama ka ba sa Homecoming ha?" tanong sakin ni Claire.

"Ayoko nga. Nakakatamad kaya. Atsaka baka magpasurprise exam ang prof. natin tas di ako nakapagreview, baka bumaba ang grades ko." sabi ko

"Aba aba! Hoy Angelica Isabelle Cortes! Baka nakakalimutan mo na may pinangakuan ka sa tropa natin" sabi sakin ni Claire nang pasigaw. Napataas na lang ako ng kilay ko.

"Remember Kurt Justin Monteverde?" tanong sakin ni Claire habang nakangiti pa.

Nagflashback sakin lahat... lahat ng nangyari nung High School pa kami.

~•~•~FLASHBACK~•~•~

"Hi. I'm Claire Reyes" pagpapakilala niya sabay abot ng kamay sakin. "Ikaw? Ano name mo?" tanong niya sakin.

"Angelica Isabelle Cortes" sagot ko sakanya at inabot ang kamay niya.

"By the way, Meet my bestfriend Christian Neil Mendez and his friend Kurt Justin Monteverde" pagpapakilala niya sa dalawang lalaking kasama niya. Napangiti na lang ako.

"Ahmmm. Hi" sabay abot ng kamay ko sa kanila "Angelica Isabelle Cortes nga pla." Inabot ni Christian yung kamay ko at nakipagshakehands, ganun din naman si Kurt kaso nga lang itong si Kurt, ngiting-ngiti.

~•~•~•~•~•~•~

Simula nung araw na yun, naging magto-tropa na kami. Lagi kaming magkasama sa pagpasok, pagkain, pag-uwi, pagtambay,paggala at higit sa lahat sa paggawa ng assignments at kalokohan.

2 months na ang lumipas simula nung naging magkakaibigan kami. August na ngayon at malapit na ang birthday ni Claire.

"Hi Guys! Tumatanggap na ako ng regalo!" masayang sabi ni Claire. Nagpaparinig ang gaga kong kaibigan. Haha.

"Ano ba gusto mong gift ha?" tanong ko sakanya. Nag-isip siya bigla kung ano ang gusto niya.

"Hmmm. Bahala kayo. Basta galing sa puso niyo." sagot niya.

"Ahh. Okay." yun na lang nasagot ko sakanya.

Nagsitahimik ang lahat nang biglang pumasok ang aming guro.

"Goodmorning Class. Magkakaroon ng mini concert ang ating school and every section dapat may representative tayo. Pwedeng solo, duo or group kayo." pagpapaliwanag saamin ni Ma'am Hernandez. "Sinong interested? Or sino ang kilala niyong may talent dyan, sabihin niyo na." sabi ulit ni Ma'am.

Napansin kong nagbubulungan si Christian at Claire. Nang mapansin ni Claire na nakatingin ako sa kanila tinitigan nita ako at ngumiti sakin.

"Ma'am! Ma'am! May kilala ako Ma'am!" sabi ni Claire at nagtataas ng kamay. Napatingin ako sakanya at tumingin din ako kay Christian. Nginitian lang nila ako. 'Hmmm. Mukhang may binabalak ang dalawag ito ah.' yan na lang ang nasabi ko sa isip ko.

"Okay sige Claire. Sino?" tanong sakanya ni Ma'am.

"Ma'am, magaling pong kumanta sila Angelica at Kurt, so I suggest po na sila na lang po ang magpresent ng section natin para sa Mini Concert na gaganapin." nakangiting sabi ni Claire. Tumingin ako kay Christian at saktong nakatingin siya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama. Natawa na lang siya dahil sa tingin ko sakanya.

"Ahmm. Kurt and Angelica, stand up." utos sa amin ni Ma'am. Sabay naman kaming tumayo ni Kurt.

"Okay lang ba sa inyong dalawa na kayo ang maging representative ng section natin?" tanong sa amin ni Ma'am Hernandez. Tumingin ako kay Christian, nag-thumbs up lang siya. Tumingin naman ako kay Claire, nag-thumbs up lang din siya. Lastly, tumingin ako kay Kurt, saktong nakatingin din siya sakin. Tinignan ko siya ng 'ano-isasagot-mo?' look pero di niya ako sinagot, tumingin lang ulit siya kay Ma'am Hernandez kaya tumingin na lang din ako kay Ma'am.

"Ahmm. Yes Ma'am. Okay lang po sakin." sabi ni Kurt. Nagulat ako dahil dun.

"Eh, ikaw Angelica?" tanong sa akin ni Ma'am. 'Hayys! Bahala na nga!' yan lang ang nasabi ko sa sarili ko.

"Okay lang po, Ma'am." sagot ko kay Ma'am. Tinignan ko si Kurt, nakangiti siya. Hayas! Kasabwat ata 'to nila Claire.

"Ayieeeeee!!" magkasabay na sigaw ni Claire at Christian. Kaya nagsigaya na din yung iba namin kaklase.

"Ayieee!! May loveteam na ang klase!" sigaw ng mga kaklase ko.

Di ko alam kung bakit ako kinilig dun. Di ko alam kung bakit imbes na mainis o mabadtrip ako, eh kinilig pa ako. Bakit ganun? Hayss.

"Okay! Class Dismissed! Short period lang tayo for this day. Halos lahat kasi busy para sa preparation para sa Mini Concert." sabi ni Ma'am dahil dun, nagsihiyawan ang mga classmates ko. Tuwang-tuwa dahil makakapagpahinga sila.

"Ahh. Tsaka nga pala, Angelica and Kurt, pumunta kayo sa Mapeh Department. Sila ang nag-oorganize ng Mini Concert na gaganapin. So magpalista kayo since kayong dalawa ang representatives ng section natin." sabi ulit ni Ma'am at lumabas na siya.

"Angelica. Halika na. Punta na tayo sa Mapeh Department." sabi sa akin ni Kurt. Di ko alam pero bakit parang kinilig ako nung niyaya niya ako na pumunta na sa Mapeh Department. Nababaliw na ata ako.

Nasa hallway kami ngayon papuntang Mapeh Department. Unti na lang ang tao sa hallway, nagsiuwian na siguro dahil short period naman ngayon. Ang tahimik ngayon ni Kurt. Bakit kaya? May problema ba siya?

"Bakit tulala ka dyan?" tanong niya sakin. Nagulat ako dahil dun sa tanong niya.

"Huh? Ikaw pa nagtanong ha. Haha. Ako nga dapat magtanong sa'yo kung bakit kanina ka pa walang imik dyan." sagot ko.

"Wala lang. Bakit ha? May angal ka?" sabi niya habang tumatawa. Maya-maya, bigla niya akong inakbayan. Nagulat ako pero di ko na lang pinahalata. Nakarating na kami sa Mapeh Department. 12 na pala. Hayss. Gutom na ako.

"Goodafternoon po. Ahmm. Saan po kami magpapalista para sa Mini Concert?" magalang na tanong ni Kurt.

"Ito oh." inabot saamin ng teacher yung registration form. Kinuha namin ito at sinimulan na naming i-fill up ito.

Pagkatapos naming fill up-an yung form, pinasa na namin ito at lumabas na ng Dept.

"Gusto mo kumain?" tanong niya sakin.

"Sige ba! Libre mo ha?" pagbibiro ko.

"Okay" sabi niya sabay kindat.

Napangiti na lang ako. Pumunta kami sa pinakamalapit na Jollibee dito sa school. Umorder siya ng dalawang Spaghetti.

"Kailan tayo magsisimulang magpractice?" tanong niya.

"Bukas na lang." sabi ko.

"Sige" sagot niya sa akin.

Pagkatapos naming kumain, hinatid niya ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, nagsearch agad ako ng love song na pwedeng pang-duet. Bukas na din kami magpa-practice ni Kurt. Bahala na si batman.

Kumain na ako at naligo. After ko maligo, natulog na ako.

~•~•~•~•~•~

Author's Note:
»Sorry po sa mga words na di kaaya-aya.

ps: Kung napangitan na po kayo sa chapter 1, alis na po kayo. Don't expect too much sa story ko. I told you po sa Author's Note ko na hindi ito katulad ng ibang story na halos mahimatay na kayo sa sobrang kilig.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon