Angelica's POV
"Oo na, sasama na ako" sagot ko kay Claire.
"Okay! Great! Ehh paano na si fafi Kurt ha?" tanong nito sa akin. Nag-isip ako saglit at nagkibit-balikat lang.
"I have a plan..." sabi ni Claire at ngumiti nang nakakaloko.
━━━━━━༻❁༺━━━━━━
Grand Alumni Homecoming Party
Nandito kami ni Claire sa kwarto ngayon. Nag-aayos para sa Homecoming mamaya. Alam na ni Christian na kasama ako ni Claire, tanging si Kurt na lang ang hindi pa nakakaalam. Simula nung nawala ako at hanggang ngayon. Wala na rin akong balita kay Kenneth. Siguro naman hindi na ako hinintay nun diba? Hahaha. Sa ilang taon akong hindi nagpakita sa kanila at sa ilang taon kong pananatili sa Paris, siguro naman nakalimutan na niya na may girlfriend siya at siguro naman may girlfriend na yun ngayon.
"Gurl! Ano mas maganda? Red o pink?" tanong ni Claire. Tinuro ko naman ang isang white elegant ball gown. Hinagis niya ito sa akin. "Iyan ang susuotin mo" sabi niya sabay kindat sakin.
Minake-upan din kami ng kinuha niyang make-up artist. Hinihintay na lang namin yung kotse ni Christian na susundo sa amin dito sa dorm.
*beep**beep*
"Ano Ysabelle? Halika na?" tanong nito. Tumango naman ako at bumaba na. Pagdating ko sa baba nakita ko si Christian na nakasandal sa kotse niya.
"Gwapo natin ngayon ha" saad ko. Ngumisi lang siya at akmang itatap niya ang ulo ko kaya hinarangan ko ang kamay niya at tinignan siya nang masaya. "Ohh okay. Haha. Sorry" sabi niya. Pinagbuksan niya kami ng pinto at sumakay na kami dito.
Ilang oras ang lumipas at nakarating na kami sa venue ng Homecoming namin.
"Ysabelle, dito ka lang muna ha. Baka makita ni Kurt, mabulilyaso pa plano natin." sabi ni Claire. Ngumiti na lang ako bilang sagot. "Text ka na lang namin kapag pwede ka nang pumasok sa hall ha." dagdag ni Ian. Bumaba na sila ng kotse at pumasok na sa hall, samantalang ako heto tamang tingin lang sa mga pictures naming apat dati.
From: Ian
Ysabelle, pasok ka na dito sa venue habang di pa namin kasama si Kurt. Suotin mo yung maskara mo para hindi niya makita na ikaw yan at walang makakilala sayo dito.
Sinuot ko na ang maskara ko at bumaba na ako ng kotse. Agaran akong pumasok sa venue ng Alumni Homecoming namin at pasimpleng nagmasid sa paligid kung nandyan si Kurt. Napanatag naman ako nang makita kong wala.
Third Person's POV
"Pre nandito na siya. Tama ka dumating siya pero nakamaskara siya" sabi ng lalaki habang may kausap sa cellphone.
"Anong kulay na suot niya?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya.
"Nakawhite elegant ballgown siya at nakasuot ng isang maskara." sagot ng lalaki.
"Sige salamat, ihahanda ko na yung plano ko." sagot ng lalaki sa kabilang linya at binaba na ang telepono.
Angelica's POV
Naglalakad ako ngayon papalapit sa isang table sa medyo sulok ng silid na ito. Sila Claire ang pumili ng pwestong ito para raw di ako masyadong mapansin ng tao at di raw ako makita ni Kurt.
*kring* *kring*
Sinagot ko kaagad ang cellphone ko nang marinig ko itong tumutunog. Si Claire, tumatawag sakin.
"Hello?" pagbati ko kay Claire nang may halong pagtataka.
"Beb, di na namin makita si Kurt, malapit na magsimula yung program kayo pa naman 1st special number dun." kabadong sabi sakin ni Claire.
"Paano na yan? Saan ma kasi nagsususuot yung lalaking yon?" nanghihinayang kong tanong kay Claire. Kinakabahan ako, baka hindi matuloy at magfailed yung plano namin na isurprise si Kurt sa pagbalik ko. Haysss.
"Basta Ysabelle, patuloy naming hahanapin si Kurt. Di kami papayag na magfailed tong surprise natin para kay Kurt." biglang sabi ni Ian, siguro inagaw nito kay Claire yung phone.
"Sige" sabi ko nang may malungkot na tono. Binaba ko na ang cellphone at nagmasid sa kapaligiran.
Hayss. Nasaan na ba kasi si Kurt? Kung saan-saan kasi nagpupunta eh. Sana makita na nila Claire si Kurt bago magsimula yung program or kahit bago yung special number namin.
Maya-maya may isang lalaking lumapit sakin. Sa tingin ko, waiter siya base sa suot niya ngayon.
"Miss, may nagpapaabot po" sabay abot sakin ng isang maliit na pink envelope. Binuksan ko ito.
'I miss you. See you later :)"
iyan ang nakasulat sa loob ng envelope. Nagulat ako at nagtaka sa nabasa.
"Ahm. Sir, sino nagpaabot nito?" tanong ko sa lalaking nag-abot sakin ng envelope na ito.
"Miss, sorry. Sabi kasi sakin ng nagpapaabot, wag ko raw sasabihin kung sino siya." sagot nito sa akin. Bigla akong kinabahan kung sino ba talaga yung nagpaabot nito. Umalis na yung lalaking nag-abit sakin ng envelope. Sino ba 'to? Wala namang nakakaalam na nandito ako, si Claire at Ian lang naman. Di rin naman mahahalata na ako 'to kasi simula pagkapasok ko hanggang ngayon, di ko pa rin tinatanggal tong maskara na pinasuot sakin nila Claire. Kinakabahan akooooo. Myghaddd sino ba kasi tong taong ito?
Napagpasiyahan ko na tawagan sila Claire at sabihin yung tungkol sa nagpaabot sakin ng isang maliit na pink envelope na may naka nakalagay sa loob na "I miss you. See you later :)"
"Hello? Claire" bungad ko nang masagot na ni Claire yung tawag ko.
"Oh? Bakit? Di pa rin namin nahahanap si Kurt." sagot niya sa akin.
"Beb kasi may lumapit sakin kanina na lalaki, waiter ata yun tapos may inabot siya sakin na isang maliit na pink envelope tapos sa loob may nakalagay na "I miss you. See you later" with smiley pa. Beb, kinakabahan ako kung sino yun." mabilis kong sabi kay Claire.
"Wait lang beb. Kalma tayo ha. Chill. So may nagbigay sayo ng maliit na pink envelope na may writtings sa loob na 'I miss you. See you later' with smiley face? Huh?" kalmadong tanong nito sa akin. "Oo" maikling sagot ko.
"Eh, baka naman tinanggal mo yang maskara mo at may nakakilala sayo dyan ha!" mausisang tanong ni Claire sa akin.
"Noo! Hindi ko tinatanggal yung maskara ko simula pa kaninang pagkadating ko dito sa venue no." depensa ko.
"Hayss! Wait sige pabalik na kami dyan ni Christian." sagot nito.
Hindi ko pa nabababa ang telepono ko nang biglang mamatay lahat ng ilaw sa loob ng hall.
"Waaaaaaaaaaah!" sigaw ng mga tao pagkatapos mamatay ng lahat ng ilaw sa loob ng hall.
"Beb, anong nangyari dyan?" mausisang tanong ni Claire sa akin.
"Namatay lahat ng ilaw beb." sagot ko nang medyo kinakabahan.
"Huh? Anong namatay? Paano mamamatay yun eh hindi naman brown-out?" nagtatakang tanong ni Claire.
"Hindi ko al---" and everything went black.
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...