Claire's POV
Habang kumakain kami, pasimple akong tumitingin kila Angelica. Masaya naman sila. Madaming kinain si Angelica. Kahit kailan talaga ang takaw nun.
"Sure ka ba na hindi sumunod yung epal sa eksenang Kenneth na yun sa inyo ni Angelica?" tanong ni Christian. Tumango naman ako at ngumiti pero nginisihan lang niya ako. "Talaga ba? Eh sino yun? Si Kenneth yun diba?" tanong niya sa akin at pasimpleng tumuro sa isang lalaki na nagtatago dun sa isang haligi ng building ng school namin. Tatayo na sana ako para lapitan siya kaso pinigilan ako ni Cristian. Hasyt! Epal talaga yung Kenneth na yun sa love story ni Kurt at Angelica. Ano ba yan!! Hayss..
"Hayaan mo lang siya. Pakiramdam ko naman na hindi niya talaga gusto si Angelica eh. Di niya ako maloloko." sabi ni Christian. Nagtaka naman ako dahil dun. Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"What do you mean?" nagtataka kong tanong.
"Basta. Pakiramdam ko lang talaga." sabi niya. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. To be honest, matakaw din ako pero mas matakaw naman si Angelica noh. Malala yung babaeng yun. Malawak yung space ng tiyan nun di nga lang halata dahil slim siya.
"Claire..." tawag sa akin ni Christian. Agad naman akong tumingin sa kanya.
"Hmmm? Bakit?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain.
"May icing ka sa gilid ng lips mo." sabi niya. Agad ko namang pinunasan yung kanang bahagi ng lips ko.
"Di dyan. Ako na nga." sabi niya at kumuha ng tissue at nag-lean palapit sa akin. Pinunasan niya yung kaliwang bahagi ng lips ko.
"Yan. Wala na. Takaw takaw kasi eh. Hinawaan ka ata ni Angelica sa katakawan niya eh." sabi niya. Di ko na lang siya sinagot at itinuloy ko na lang ang pagsubo sa pagkain ko.
Hindi na rin siya umimik. Nagsi-uwian na yung ibang SSG Officers. Yung iba naman pupunta daw sa SSG Office para ayusin yung ibang papers. Kaya ayun, ang naiwan na lang ay ako at si Christian dito sa table namin.
"Claire.. Alam kong matagal pa yung JS Prom natin pero pwede bang ikaw na lang kapartner ko dun ha?" tanong niya.
"Tsk. Aga mo naman mangyaya. Haha. Pero.. Oo pwedeng-pwede. Gusto mo hanggang simbahan pa eh ako na maging partner mo." sabi ko nang pabiro.
"Huh? Anong sabi mo?" nagtataka niyang tanong sa akin.
"Wala sabi ko, kung gusto mo hanggang sa dulo na." sabi ko.
"Ano?" tanong niya. Tsk. Ang slow naman ng lalaking 'to.
"Slow mo." pang-aasar ko.
"Ano nga?" pagpupumilit niya.
"Mahal kita..."
Kenneth's POV
Sabi ko na nga ba may pa-surprise birthday party/date itong Kurt na 'to para sa birthday ni Angelica eh. Tsk. Dadamoves na nga lang yung may makakabuking pa sa kanya. Dapat di ganyan tol! Tularan mo ako, may masamang plano pero walang nakakabuking sa akin.
12:30 pm
From: Kuya AngeloKenneth nasaan ka? Kanina ka pa wala dito ha.
12:31 pm
To: Kuya AngeloNandito ako sa school kuya.
12:32 pm
From: Kuya AngeloSchool? Anong ginagawa mo dyan ha? Sabado ngayon tol! Walang pasok. Wag excited ha.
12:33 pm
To: Kuya AngeloMay pa-birthday surprise kasi si Kurt para kay Angelica kaya ayun, pinapanood ko.
12:34 pm
From: Kuya AngeloAhh talaga ba? Sige, panoorin mo lang para alam mo na.. Para may bala ka pa para sa napakagandang plano natin.
12:35 pm
To: Kuya AngeloSyempre naman kuya. Ako pa ba? Tsk. Remember kuya, maskara ko lang ang pagiginv mabait at sweet.. At mas lalong maskara ko lang ang pagiging mabait sa kanila, most especially dun sa tropa ni Angelica, lalo na dun sa Kurt na yun. Akala mo naman kung sinong pogi, mas pogi naman. Feeling knight in shinning armor ni Angelica eh.
12:36 pm
From: Kuya AngeloHoyy hoyy hoyy! Ano yan Kenneth Montemayor ha? Parang nagseselos ka ha. Hahahaha. Naiimagine tuloy kita habang sinasabi mo yan. Hahahaha. Laught trip ka tol! 'Akala mo naman kung sinong pogi, eh mas pogi naman ako.' tas meroon pa! 'Feeling knight-in-shinning-armor ni Angelica' di mo naman ata ako sinabihan na aeloso ka pala Ken ha. Hahaha. Yung kapatid ko seloso amp.
12:38 pm
To: Kuya AngeloLol! Seloso... Baka ikaw yun. Porket di ka lang gusto nung half sister ni Angelica eh. Hahaha. Tas diba yung gusto nun ay yung close friend/cousin ni Kurt? Hahaha. Kawawa ka naman dude. Hahaha. Buti pa ako, gusto ni Angelica.
12:39 pm
From: Kuya AngeloOgag! Kaya nga tayo nagpa-plano para makapaghiganti sa mga yun diba? Kaya pag-igihan mo para sobrang sakit yung maramdaman nila... Lalo na yun.. Lalo na siya....
12:40 pm
To: Kuya AngeloOo kuya! Sige bye na. Papanoorin ko na sila.
Be ready for our revenge Celestine Ysabelle Cortes...
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...