Chapter 3

55 20 0
                                    

Kurt's POV

Pagdating ko sa bahay, sinearch ko kaagad yung chords ng Lucky at Can't Help Falling In Love. Di naman ako nahirapan aralin yung chords dahil natugtog ko na ito dati.

Malapit na din pala birthday ni Claire. Babatiin ko na lang siya. Haha. Pinag-iipunan ko pa yung birthday ni Angelica. I want to see her happy. Basta gusto ko lang siya makitang masaya. Nagbukas ako ng facebook, saktong bungad sa akin yung picture ni Angelica, maganda siya, maputi, matangos yung ilong niya, ang ganda din ng mata niya, yung lips niya, kissable. Hayss! Bat ko ba kasi trinopa 'to?! Bigla na lang akong tumayo at kumuha ng isang pink scented paper, nagdrawing ako ng isang rose dun.

~•~•~•~

Kinabukasan, bumili ako ng isang pirasong pulang rosas sa flower shop at pumunta na akong school, tumakbo agad ako papunta sa locker area at nilagay ko na doon yung paper at yung rosas sa loob ng locker niya at dumiretso na ako sa room namin. Pagdating ko dun, wala pa si Angelica.

"Pre! Short period lang daw tayo ngayon." sabi ni Christian.

"Okay." matipid kong sagot. Maya-maya dumating na si Angelica, inaamoy niya yung rosas na nilagay ko sa locker niya at hawak niya yung pink na scented paper. Napangiti na lang ako bigla dahil sa itsura niya. Ang cute niya habang inaamoy yung rosas.

"Bestiee! Kanino galing yan?" sabi ni Claire.

"Di ko nga alam eh. Hihi. Pero thanks sa kanya." sabi niya nang nakangiti. Napangiti din ako dahil nakita ko siyang ngumiti. Nakita ko naman nakatingin sa akin si Christian. Nginitian ko na lang din siya nang manahimik. Haha.

Pumasok na si Ma'am Reyes kaya nanahimik kaming lahat.

"Mr. Monteverde and Ms. Cortes, magpractice na kayo para sa Mini Concert." sabi ni Ma'am.

"Sige po Ma'am. Thankyou po." sabay naming sabi at lumabas na kami ng room.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Wala kang makikitang nakatambay sa hallway dahil lahat nasa kanya-kanya nang mga classroom. Dumiretso kami ni Angelica sa may parang park dun sa school. Umupo kami dun sa duyan.

"Unahin nating ipractice yung Can't Help Falling In Love." sabi ni Ange. Kaya tinugtog ko yung chords ng Can't Help Falling In Love sa gitara ko.

"Sino mauuna? Ikaw o ako?" tanong niya.

"Ako na lang sa chorus then bandang dulo, sabay na tayo." sabi ko.

"Akin dun? Yung 'Take my hand' na part?" tanong niya sa akin.

"Oo." matipid kong sagot. Tinugtog ko na ulit yung Can't Help Falling In Love sa gitara ko.

" Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?" pagsisimula niya sa pagkanta.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be" inawit ko ang chorus. Nakatingin ako sakanya habang kinakanta ko yun.

"Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too" sabay naming pagkanta. Di ko alam kung bakit para biglang nagblurred yung paligid at biglang nagslowmo lahat.

"For I can't help falling in love with you" pagkanta ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya.

"For I can't help falling in love with you" pagtatapos niya nang kanta. Tinaasan niya yung dulo. Ang taas pala ng boses niya. Haha. Siguro nasa soprano yung boses niya.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon