Angelica's POV
"I love you..." sabi niya. Nabigla ako dahil dun sa sinabi niya. Pumasok tuloy bigla sa isip ko yung napag-usapan namin ni Claire kanina. "Charot lang! Hahaha. Birthday na birthday mo eh, ang tahimik mo. Dapat ienjoy mo ang araw na ito. Be happy tsaka sayang naman tong effort namin nila Christian kung di ka naman namin makikitang nakangiti diba?" dugtong pa niya. Para akong nabunutan ng tinik nang bigla niyang sabihin yung mga salitang 'Charot lang'.
"Loko ka! Yaman niyo ha? Magkano ambagan?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Ako lang talaga gumastos niyan." sagot niya. Nabigla naman ako dahil dun. Ang mahal ng lahat ng ito eh. Yung flowers, mahal na eh. Yung stuffed toy na panda, 4,999 php yun. Yung bayad pa sa cook at yung rose petals pa.
"Whut? Eh. Saan ka kumuha ng panggastos mo sa lahat ng mga 'to? Malaki ang gastos para dito for sure." tanong ko dahil sa pagkabigla at pagtataka.
"Weekly allowance and savings. Tsaka tumulong din naman nang konti si Kuya eh. Siya yung nagbayad sa cook. Actually, may discount yun kasi kaibigan naman ni kuya yung cook at madami-dami din naman tayo kasi kasama din sa pagbuo ng plano ang SSG Officers ng school natin." sagot niya. Grabeh naman tong tropa ko, ang effort.. Kaya lab na lab ko sila eh. Hihi. Hart hart..
"Nandamay pa talaga kayo ng officers ha? Grabeh naman kayo! Hahahaha." sabi ko. Nakisabay na din siya sa pagtawa.
Yung cake na binili niya, 2 layers yun, iba pa dun yung cake na pinagsaluhan nila Claire at ng SSG Officers. Kaya ang ending, ayhn..di ko naubos yung cake. Ang daming natira kaya naisip ko na bigyan namin yung mga guards na palaging nagbabantay sa school namin para masiguro ang aming kaligtasan. Nag-slice na kami ng cake para dun sa mga guards. Pagkatapos naming magbigay sa kanila, umalis na kami. Nagtaka ako kung sino ang magliligpit nung mga tables dun. Sabi naman niya yung mga kaibigan daw ng kuya niya. Sabay- sabay kaming umuwing apat. Si Christian at Kurt ang may dala ng mga natira pang cake dun.
"Beh. Alam mo ba, yang dress na binigay ko sayo, di ako ang bumili niyan." sabi bigla sa akin ni Claire. Nacurious at nagulat naman ako bigla kung sino.
"Ehh..sino beh?" tanong ko dahil sa pagka-curious ko.
"Si Kurt beh. Nalala mo ba yung time na di ka nila pinapansin? Tas yung time na di kita sinabayan sa pag-uwi? Yung time na sinabi ko sayo na may sobrang mahalaga kaming pupuntahan? Nagpa-plano kasi sila nun para sa birthday surprise nila sa'yo. Tas yung di kita sinabayn sa pag-uwi, sumama ako kila Christian nun para bumili ng damit na ipapasuot namin sa'yo. Ako yung pumili ng damit kasi sa aming tatlo, ako yung magaling dyan kasi lalaki sila. Yang damit na suot mo, yan yung pinili ko. Yan yung biniling damit ni Kurt para sa'yo. Ako lang yung pinaabot niya kasi alam niyang nagtatampo ka sa kanya, kaya sure na sure siya nun na di mo tatanggapin yun pag siya yung nag-abot sa'yo. Kaya ayun, ako yung pinaabot niya nyan." kwento ni Claire. Wth.. So nagtampo ako sa kanila dahil lang dun?! Ano ba naman yan!! Tas si Kurt pa yung bumili ng damit na suot ko ngayon. Kaya pala ngiting-ngiti ang loko kanina. Nakarating na kami sa bahay ko. Dun daw kasi muna sila tatambay.
Nung nasa tapat na kami ng bahay, nagpaalam sa amin sila Claire at Christian na apasok muna sila sa bahay nila Claire. Pinauna na rin nila kami sa bahay ko. Habang naglalakad kami ni Kurt, ngiting-ngiti siya.
"Ano meron? Ngiting-ngiti ka dyan? Hahaha. Mukha kang aso." sabi ko nang pabiro.
"Oks lang. Cute naman yung aso eh. Favorite pet mo pa nga yun eh." sabi niya. Aba! Assumero din pala ang lokong 'to.
"Feeler ka?" pagbibiro kong tanong.
"Hindi naman." sagot niya.
"Ahh.. Kurt, thank you pala ha. Ikaw din pala bumili ng dress na suot ko ngayon. Sinabi sa akin ni Claire lahat kanina eh. Sorry din kasi nagtampo pa ako sa inyo dati ha? Para akong ewan, nagtampo pa ako sa inyo na nagpa-plano lang pala ng isang surprise birthday party para sa akin. Sorry and Thank you ulit, Kurt..." pag-iiba ko ng topic.
"Naunahan pa pala akong magkwento nun. Btw, okay lang. Di mo din naman alam eh. Tsaka nasa plano din namin na dapat magtampo ka sa amin para di ka namin masyadong makasama para mas mabilis naming maplano lahat at para matapos na namin agad. Tsaka nakabawi ka naman na kasi nakita ka naming nakangiti at masaya sa surprise namin..." sabi niya. "Happy Birthday ulit Angelica..." pagbati niya sa akin sabay abot ng isang blue box. Para siyang box ng singsing. Nang binuksan ko ito, nakita ko ang dalawang singsing na may design na '∞' (infinity sign).
"Para saan 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Promise ring?" sagot niya at huminto kami sa paglalakad. Nandito na kami sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin.
"Walang iwanan?" tanong niya sa akin habang sinusuot niya sa middle finger ko yung singsing.
"Walang iwanan." sagot ko at sinuot din sa middle finger niya yung singsing. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya pabalik sa akin.
"Walang iwanan... Pangako yan."
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...