Kurt's POV
"I love you..." sabi ko kay Angelica. Alam kong nagulat siya. Kasi di siya nakasagot agad.
"I love you too..." sabi niya. Napangiti naman ako. "as a friend." dugtong pa niya. Parang biglang nabasag yung puso ko. Pinutol ko na agad yung linya. Ang sakit.. Di pa nga ako nanliligaw basted na agad.. Hayss. Natulog na ako.~•~•~•~
Nagising na lang ako dahil sa tunog ng alarm clock. Hayss! 5:00 AM na pala. Ilang oras lang tulog ko. Ayy. Susunduin ko pa pala mamaya si Angelica. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniform.
Pagbaba ko, nakita kong nagluluto si kuya Kendrick ng pancake.
"Naka wax ka ba?" tanong ni kuya.
"Kuya, lagi akong naka wax noh." sagot ko kay kuya. Napangisi naman siya.
"Nagpapapogi ka lang eh. Haha." pang-aasar ni kuya Kendrick sa akin. Tumawa na lang ako at kumuha ng tupperware at naglagay dun ng limang pancake. Kumuha na din ako ng kakainin ko papunta kay Angelica.
"Bye kuya!" sabi ko. Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang bahay nila Angelica, nag-doorbell ako. Maya-maya binuksan ito ni Angelica, basa pa ang buhok niya at nakauniform na siya.
"Aga ha." sabi niya. Tumawa na lang ako at pumasok na kami sa bahay niya.
"Nag-breakfast ka na ba?" tanong niya sa akin. Kinuha ko naman yung tupperware sa bag ko.
"Nagdala ako ng 5 pancake gusto mo?" sabay abot sakanya. Tumango siya at kumuha ng dalawang plato at dalawang bread knife at 2 tinidor. Inabot niya sa akin yung isang plato, isang bread knife at isang tinidor. Kumuha din siya ng dalawang baso at kinuha niya yung malaking pack ng fresh milk dun sa ref nila.
"Kain na tayo. Haha." sabi niya habang nakangiti, kumain naman kami. Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. Ang awkward hayss. Napatingin ako sa orasan, 6:15 AM palang, tapos na kami kumain.
"Akin na, hugasan ko na yan." sabi niya habang kinukuha yung plato.
"Tulungan na kita." sabi ko. Tumayo ako at kinuha sakanya yung plato. Lumakad ako papunta sa kitchen nila para hugasan yung mga plato. Bigla niyang inabot sa akin yung kulay blue na may design na Doraemon na apron.
"Baka mabasa pa yang uniform mo." sabi niya sa akin. Nginitian ko siya.
Habang naghuhugas ako, nananahimik lang siya sa gilid ko habang nagsi-cellphone. Winisikan ko siya bigla ng tubig.
"Kurt!!" sabi niya sa akin habang yung titig siya sa akin ang sama. Hahaha. Ang cute niya pa rin. "Pag nabasa yung uniform ko ha!" dugtong pa niya.
"Hahaha. Joke lang! Ang tahimik mo kasi eh." sabi ko habang tumatawa. Natapos na akong maghugas ng plato kaya niyaya ko na siyang umalis na kami.
Habang naglalakad kami sa daan, nagsi-cellphone pa rin siya.
"Pag ikaw nadapa dyan ha. Naglalakad tayo tas cellphone ka nang cellphone dyan. Ano bang ginagawa mo ha?" tanong ko sakanya.
"Nagwa-wattpad. Bakit?" sabi niya. tsk. Wattpad? "Ampogi kasi ni Juanito, Jeydon, Deib, Ace eh!" sabi niya. Tsk! Mas gwapo ata ako dun!
Nasa tapat na kami ng school, dumiretso kami sa room. Tinago na niya yung cellphone niya. Pagpasok na pagpasok namin sa room, nakatingin sa amin sila Claire at Christian...tingin na nang-aasar.
"Bakit kayo magkasabay ha?" tanong ni Claire.
"Sinundo niya ako." sagot naman ni Angelica. Napangiti naman si Christian.
"Pre? Sinundo mo? Wow naman! Paano ba dumamoves ha? Teach me how naman!" pang-aasar ni Christian. Loko talaga tong baliw na 'to. Binatukan ko na lang siya nang manahimik na siya kaso mali ako. Nang-asar siya lalo. Tawa lang nang tawa si Angelica sa pinaggagawa namin ni Christian.
Dumating na si Ma'am Cruz, siya yung Filipino teacher namin.
"Magandang Umaga, Class 7-A." bati sa amin ni Ma'am.
"Magandang umaga din po, Ma'am Cruz." saba-sabay naming bati kay Ma'am Cruz.
"Ngayon, gagawa kayo ng isang tula. Tula ng pag-amin sa crush niyo." sabi ni Ma'am Cruz. Nagsihiyawan ang iba, ang iba naman ay nagsabi ng 'landi ha!' .
"Ang gagamitin niyo sa paggawa ay isang oslo paper. Lagyan niyo din ng design. Para mas exciting ang paggawa niyo at mas pag-effortan niyo yan, ibibigay ko yan sa mga crush niyo kaya ilagay niyo ang pangalan nila dyan ha. Nasa sainyo na din kung ilalagay niyo ang pangalan niyo dyan. Simulan niyo na." sabi sa amin ni Ma'am. Kaya kumuha na ako ng oslo paper sa bag ko. May mga ilan ilan na naman akong narinig na 'penge oslo' 'uyy!penge ako' 'hi fren!penge ako!' Ang gagaling nila pag may kailangan tsk.
"For sure, maraming magbibigay sayo" sabi ni Angelica. Tinap ko na lang ang ulo niya at nginitian siya. Nagsimula na kami, tahimik ang palagid. Nagsimula na akong magsulat.
Hindi Man Ako
Hindi man ako ang lalaking pinapangarap mo
Hindi man ako si Jeydon Lopez na badboy ng buhay mo
Hindi man ako si Jasper Yu na ginawa lang JAS PER YU
Hindi man ako si Kudos Pereseo na palaging Pereseo
Hindi man ako si Juanito Alfonso na handa kang ipaglaban hanggang sa dulo
Hindi man ako si Deib Lohr Enrile na hinahabol ng mga puso
Hindi man ako ang mga fictional characters na pinapangarap mo
Pero kaya ko namang ipagsigawan sa buong mundo
Na ikaw ang mahal ko
Kaya ko namang gawin lahat para sa'yo
Kaya ko namang ipakilala ka sa magulang ko
Handa akong ipaglaban ka sa kahit na sino
Handa akong gawin lahat mapasaya ko lang ang mahal koYan ang isinulat ko sa oslo, nilagyan ko ito ng design sa gilid at nilagyan ko ng mga panda and doraemon stickers. Tinupi ko ito nang pa-crosswise at nag-calligraphy ng buong pangalan ni Angelica.
"Okay. Ipasa niyo na yang ginawa niyo. Irerecord ko muna and ako na din magbibigay sa crush niyo." sabi sa amin ni Ma'am, nagpasa na ang lahat.
Dumating na ang susunod na guro sa amin kaya tahimik ang lahat. Nagsimula na siyang maglecture. Hayss nakakaantok.
~•~•~•~•~
Natapos ang araw namin nang boring. Kaming apat na naman ang magkakasama. Pauwi na kami. Pero niyaya ako ni Christian na dun muna sa bahay nila kaya pumayag ako, hinatid na namin si Angelica sa bahay nila, siya lang ulit ang mag-isa dun kasi mamaya pang gabi dadating ang kasambahay nila.
"Ingat ka dyan ha." sabi ko kay Angelica.
"Opo" sabi niya sa akin nang nakangiti.
"Tawagan mo ako pag may problema ha?" sabi ko ulit sakanya. Tumango siya at ngumiti. Binuksan na niya yung gate nila at pumasok na ng bahay nila. Naglakad na kami ni Christian papunta sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...