Chapter 12

23 5 0
                                    

Angelica's POV

Di ako pwedeng magkamali, siya yun. Dali-dali kong binuksan yung envelope. Nakalagay kasi ito sa isang DIY Envelope. Pagkabukas ko ng envelope, may picture naming dalawa. May mga rose petals din na nakalagay dito. Kinuha ko ang papel na nakalagay sa loob ng envelope. Binuksan ko ito at binasa.

'Di ko alam kung paano sasambitin
Itong aking nararamdaman na di ko maamin
Itong aking nararamdaman na gusto kong sabihin
Kaso natatakot ako kasi baka biglang "You can't reply to this conversation" ang aking abutin

Paano ko ba sisimulan?
Itong pag-amin sa aking nararamdaman
Sa kataga bang "Mahal kita"?
O sa katagang "Pasensya na kung dati ay sinaktan kita"?

Pero sa ganito ko na lang sisimulan
"Hi sayo aking sinta
Andito ako ngayon at ika'y kinakamusta
Pasensya na kung dati ay sinaktan kita
Pasensya na kung dati ay tinake for granted kita
Lumipas ang panahon at ako'y naliwanagan na
Nalaman at nakita ko na ang iyong halaga
Pasensya na kung dati ako'y hindi nagpahalaga

Ngunit aking sinta ako'y aamin na
Angelica Isabelle Cortes hanggang ngayon mahal pa rin kita
Hanggang ngayon mahal pa rin pala kita
Mahal kita walang halong biro
Mahal kita walang halong panloloko
Mahal kita, mahal ko...

Nahihiya man akong sabihin ito sa iyo
Ngunit wala na akong magagawa sa nadarama ko
Di ko na kayang pigilan itong tibok ng aking puso
Kaya gumawa ako ng paraan
Para iyo nang malaman
Itong aking tunay na nararamdaman
Sa pamamagitan ng isang tula
Gamit ang aking pagiging makata
Gusto kong sabihin ulit sa'yo sinta,
Angelica Isabelle Cortes,
Mahal pa rin pala kita...'

Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Pagkatapos niya akong iwan sa wre? Pagkatapis niyang sirain yung pangako niya, babalik siya na parang wala niya?! Aba! pnyt pala siya eh. Tsk.

~•~FLASHBACK~•~

"Angelica, gusto kita." nagulat ako sa sinabi niya. Nakatulala lang ako sakanya.

"Okay lang kung di pa pwede. Alam ko naman bata pa tayo eh. Kaya hihintayin kita hanggang sa pwede na." sabi pa niya.

Simula nung araw na yun, lagi na kaming magkasama. Pero biglang isang araw. Nawala siya..nawala siya na parang bula. Nawala siya bigla.. Iniwan niya ako sa ere. Pinuntahan ko siya sa bahay nila nun pero sabi sa akin ng katulong nila na pumunta na daw silang America, dun na daw sila titira. Umalis siya nang walang paalam. Umalis siya na wala akong kaalam-alam.

~•~END OF FLASHBACK~•~

Biglang tumulo ang mga luha ko. Lumabas na ang guro namin. Di ko alam, kahit nagtatampo ako kay Kurt, bigla ko siyang niyakap at dun ako umiyak sa kanya.

"Kurt.." banggit ko ng pangalan niya habang umiiyak ako.

Kurt's POV

Nagulat ako bigla nang bigla akong yakapin ni Angelica.

"Kurt..." banggit niya sa pangalan ko habang...habang umiiyak siya. Bakit siya umiiyak? Ano nangyari?

Sinusubukan ko siyang patahanin kaso di siya tumatahan. Tinayo ko siya at dinala ko siya dun sa may parang park sa bandang likod ng school namin. Umupo kami dun sa isang bench.

"Bakit anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.

"Bumalik siya...Kurt... Bumalik siya.." sabi niya sa akin habang umiiyak siya. Di ko na lang siya tinanong kung sino yun. Niyakap ko na lang ulit siya.

"Don't worry. Andito lang ako. Always remember that." sabi ko sa kanya habang nakayap ako sa kanya. Humiwalay siya sa pagkakayap niya sa akin at tinignan ako sa mikha. Nginitian ko siya, ngitian niya din ako pabalik. Isang ngiti..ngiting may halong sakit. Kiniss ko siya sa forehead niya at hinila ko siya papuntang canteen. Sumunod na lang din siya sa akin. Binilhan ko siya ng tubig. Binigay ko ito sa kanya.

"Inumin mo yan para kumalma ka." sabi ko sa kanya habang inaabot ko sa kanya yung tubig. Kinuha niya ito at nginitian ako.

"Salamat." sabi niya sa akin habang nakangiti. Bumalik na kami sa classroom. Nakita naming naka-abang sa pintuan ng classroim namin sila Claire at Christian. Nang makita ni Claire si Angelica, bigla siya tumakbo at niyakap ito.

"Anyare sayo beh ha?" nag-aalalang tanong ni Claire kay Angelica.

"Wala beh. Natouch lang ako sa mga tulang ginawa nila para sa akin. Haha." sabi ni Angelica kay Claire, ngumiti siya nang peke. Alam kong peke yun. Ganun yung ngiti niya kanina. Alam ko ding hindi siya natouch, alam kong hindi yun ang dahilan. Dahil yung pag-iyak niya kanina...yun yung iyak ng isang taong nasaktan.

Gusto kong malaman kung sino yung 'siya' na tinutukoy niyang bumalik daw. I want to know kung sino siya.

~•~•~•~•~•~

(yung pic na nakalagay sa envelope na binigay ni Kenneth ay nasa multimedia po.)

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon