Angelica's POV
Omyghad!!! Liligawan daw ako ni Kenneth(oyy di ako maharot ha?) Pero dahil nga sa bata pa kami, di ko siya sasagutin agad-agad. Sasagutin ko siya pag sobrang tagal niya nang nanliligaw sa akin. Mga tipong 10 months, 1 year or 2 years. Kung totoong mahal niya ako, makakapaghintay naman siya diba? hihi. God! Ang aga ng birthday gift mo sa akin ha? Thankyou sa maagang regalo hihi. Sasabihin ko ito kay mama. Hihingi ako ng advice syempre noh!
Calling mama♥...
"Hello? Isabelle, bakit?" sabi ni mama.
"Ma! Bumalik si Kenneth. Tas kanina ma, ano...sabi niya sa akin kanina liligawan niya daw ako." sabi ko. Jusko! Ano kayang isasagot ng mamsh ko? Hahaha.
"Si Kenneth? Yung crush mo nung grade 5 ka?" tanong ni mama.
"Opo" mabilis kong sagot.
"Nililigawan ka? Aba! Kung ako sayo nak, ipacheck mo mata ni Kenneth sa EO, baka lumabo na mata niyan kaya naisipang ligawan ka. Hahahaha." sabi ni mama. Nag-paris lang, naging ganyan na. Jusmeee.
"Ewan ko sayo ma! Pero ma, seryoso..anong gagawin ko?" tanong ko.
"Hayaan mo siyang manligaw sayo. Bigyan mo siya ng mga pagsubok. Patagalin mo din yung panliligaw niya sayo para matest mo yung pasensya niya. Para makita mo kung kaya ba niyang maghintay ng ganun katagal para sayo. Pag minamadali ka niya, ibasted mo na agad." sabi ni mama. "O sige na Isabelle. May client meeting pa kami ng papa mo. Tawagan mo na lang ako ulit ha? Ingat ka dyan. I love you anak." dugtong ni mama.
"Ingat din po kayo dyan ni papa, ma. I love you both po." sagot ko. Binaba na ni mama yung phone. Tama si mama, dapat paghintayin ko si Kenneth nang matagal-tagal para masubok ko ang pasensya niya, kung kaya ba niyang maghintay ng ganun katagal..kung kaya ba niya akong hintayin..
~•••SATURDAY•••~
Birthday ko na, omyghad! Kagabi niyaya ako ni Claire na may mini concert chuchu daw sa school. Edi pumayag ako, may binigay din siya sa aking dress, yun daw yung suotin ko sa mini concert. Andun ba yung Silent Sanctuary ha? char.. 8:30 am pa lang, mamayang 11 am daw yung start ng mini concert. Nanuod muna ako ng movie. Pumili ako sa mga tapes na nakatambak dun and nakita ko yung tape ng 'Diary of a Princess 2: Royal Engagement' kaya ayun na lang yung pinanuod ko. Ang ganda ni Princess Mia, myghad!! 10:45 am na nang matapos ko yung movie kaya naligo na ako at nag-ayos. Habang nag-aayos ako sa tapat ng salamin biglang tumawag si Kenneth.
"Hello?" sabi ko.
"Hi Angel, happy birthday. Date tayo you want?" sabi niya.
"Ayoko. Haha. May pupuntahan kasi kami ni Claire ngayon eh. Sige mag-aayos na muna ako. Bye." sagot ko. Ayoko pa talagang makipagdate, masyado ba kaming bata para sa date na yan noh. Tsaka namumuhay kami sa isang 'judgemental world' so it's a big big big NO. Baka mahusgahan pa kami ng mga tao. And ayoko ng ganun so wag muna as of now.
Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos. Light make-ups lang nilagay ko sa mukha ko them light pink lipsticks. Ayoko ng mga dark make-ups noh. Feel ko nagmumukha akong clown haha. Yung make up, hobby ko lang yun. That's my way sa pag-eexpress ng sarili ko... self expression ko lang yun. Sinuot ko na yung binigay na dress ni Claire. Maganda kaya bet ko yung dress. Then sinuot ko na yung yellow flat shoes ko. Magpapabraid na lang ako kay Claire pagdating niya dito sa bahay.
"Iha, nandyan na yung kaibigan mo, si Claire.." sabi ni yaya Melay.
"Ahh sige po, papuntahin mo po siya dito." sabi ko. Sinara na ni yaya Melay yung pintuan ng kwarto ko. At maya-maya pa'y pumasok na si Claire sa kwarto ko at umupo sa higaan ko.
"Ibraid mo ko beh." sabi ko. Tumayo naman siya at lumakad papalapit sa akin. Sinuklayan niya ang buhok ko at nagsimula nang ibraid ako. Mga ilang minuto ang lumipas, natapos niya na ibraid yung buhok ko. Kinuha niya na yung dalawang black na sanrio at iyon ang pinangtali niya sa buhok ko.
Pagkatapos naming mag-ayos, umalis na kami. Nagpaalam na ako kay yaya at lumabas na kami ng bahay. Maglalakad lang kami, medyo malapit-lapit lang naman yung school namin kaya oks lang.
"Beh, paano pag niligawan ka din ni Kurt?" sabi ni Claire. Natawa naman ako bigla.
"Lol! Ba't naman ako liligawan nun eh di naman ako gusto nun. Haha." sabi ko.
"Ehh paano pag gusto ka rin niya? Papayag ka ba?" tanong niya ulit.
"Ahmm. Oo gwapo si Kurt, matalino, Math Wizard... Boyfriend material..." sabi ko. Napatingin bigla sa akin si Claire at ngumiti.
"Pero as of now, AS FRIENDS/BESTFRIEND LANG TINGIN KO SA KANYA..."
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...