Chapter 6

43 10 0
                                    

Kurt's POV

Ginising ni Kuya Kendrick sila Claire at Christian, di ko na pinagising si Angelica kasi alam kong pagod na pagod siya. Una namin hinatid si Claire, sunod naman si Christian. Pinadoorbell ko si kuya dun sa bahay ni Angelica. Binuksan ito ni Yaya Melay. Kaya binuhat ko si Angelica, yung buhat pangkasal ganun.

"Ayy jusko! Anong nangyari sa alaga ko?" tanong ni yaya Melay.

"Nakatulog po siya sa byahe namin pauwi." sagot ko kay yaya Melay.

"Ahh. Kaka ko anong nangyari eh." sagot ni yaya.

"Ako na po maghahatid sa kanya sa kwarto niya." pagpipresenta ko.

"Sige. Ituturo ko na lang sayo yung kwarto niya." sabi ni yaya. Tumango na lang ako. Itinuro niya sa akin ang kwarto ni Angelica. Madali mo lang din naman makikita ito kasi yung kulay ng door niya ay light blue at may design na Panda at Doraemon then may naka-calligraphy na 'Angelica'. Binuksan ko ito at inihiga sa kama si Angelica, ang cute ng kwarto niya puro Panda at Doraemon na stuffed toys. Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay yaya Melay.

"Gusto mo pala bakit di mo ligawan ha?" bungad na tanong sa akin ni kuya Kendrick.

"Tsaka na. At tsaka baka layuan niya ako once na malaman niya na may gusto ako sakanya. Baka masira pa friendship namin noh." sagot ko.

"Tol, once na tumibok yang puso mo para sa isang tao, wala ka nang magagawa kundi sundin yun. Kasi yang nararamdaman mo di mo pwedeng pigilan. Di yan katulad ng lapis na pwede mong mabura. Yang bibig mo, pwedeng pigilan sa pag-amin pero yang puso mo, di mo mapipigilan sa nararamdaman nito." payo ni kuya. Tama naman siya, once na tumibok yung mo, wala ka nang magagawa para pigilan pa ito..wala kang magagawa. It's either umamin ka sakanya o hayaan mo na lang at hayaang masayang yung chance..yung chance na baka gusto ka rin niya.

Angelica's POV

"Yaya? Yaya!" sigaw ko. Hayss. Ano ba ngayon, hala Thursday pala ngayon, day-off ni yaya. Umalis na siguro siya kasi lagpas 6 na. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng gatas. Napansin ko yung sticky note na nakadikit sa pintuan ng refrigerator.

'Ms. Angelica,

Iha, may iniwan akong pagkain dyan nakalagay sa loob ng refrigerator, favorite mo yun. Initin mo na lang iha ha. Tsaka nga pala, yung classmate mo na lalaki, yung may kotse yung naghatid sayo dito. Binuhat ka niya hanggang sa kwarto mo. Di ka na niya daw ginising kasi mukhang pagod na pagod ka daw dahil sa Mini Concert niyo sa school niyo. Kumain ka iha ha. Wag kang papalipas ng gutom. Magluto ka na lang ng almusal mo bukas. Ingat ka dyan. Bago ka matulog siguraduhin mong nakalock lahat ng pinto at nakasara ang gate ha.

~Yaya Melay'

What? Si Kurt yung naghatid sa akin dito? Binuhat pa niya ako hanggang sa kwarto ko...so it means, nakita niya yung kwarto ko?! Hala ka!! Omyghad! Nakakahiya.. Kinuha ko yung cellphone ko para sana itext si Kurt pero nakita ko na may isang unread message kaya binuksan ko ito.

From: Kurt

4:30 PM

Pasensya na kung di na kita ginising ha? Pagod na pagod ka ata dahil dun sa event sa school. Day-off pala ni yaya Melay mo ngayon, kung kailangan mo ng kasama dyan, free naman ako. Basta text mo lang ako ha?

Kaya nireplyan ko siya.

To: Kurt

6:45 PM

Hahahaha. Thankyou kasi hinatid mo ako. Btw, okay lang naman ako dito kahit walang kasama. 2 houses lang naman pagitan ng bahay natin noh. Haha. Btw, thankyou ulit.

From: Kurt

6:46 PM

Sure ka ha? Sige na. Kumain ka na muna. Baka magutom ka pa. Tsaka feel ko, kagigising mo lang haha. Ingat ka dyan ha. Tawagan mo na lang ako pag may problema. Tsaka bukas, pwede bang sabay tayo pumasok?

To: Kurt

6:47 PM

Yeah. Kagigising ko lang haha. Sige kakain muna ako. Gutom na din ako eh. Hahaha. Sige ba, sunduin mo ako dito ha? Haha. Charot.

From: Kurt

6:48 PM

Sige ba. Susunduin kita bukas ha. Sige kain ka na.

Ininit ko na yung ulam na niluto ni yaya Melay, adobo pala yung niluto niya. Ininit ko din yung kanin na niluto kanina ni yaya Melay. At kumain na, pagkatapos ko kumain, hinugasan ko yung pinagkainan ko at naligo na muna. After kong maligo nagbihis na ako ng damit pantulog ko.

~•~•~•~
Tumingin ako sa orasan, 1:34 AM na pala. Hayss! Di ako makatulog. Bumaba ako para kumuha ng gatas. Umakyat na ako dala ang isang baso ng gatas, naisipan kong tawagan si Kurt. Kaya tinawagan ko siya. Agad naman niyang sinagot.

"Bakit? Anong oras na. Bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Di ako makatulog eh." sagot ko.

Napahaba ang kwentuhan namin. 3:00 AM na. Humikab na ako.

"Inaantok ka na. Matulog ka na. Maaga pa tayo gigising mamaya." sabi niya.

"Sige. Goodnight?" sagot ko.

"Haha. Goodnight. Susunduin kita mamaya ha?" sabi niya.

"Sige" sabi ko.

"Ahmm. Angelica.." sabi niya.

"Hmm?" tugon ko.

"I love you..." nagulat ako bigla sa sinabi niya.

"I love you too..." sabi ko. "as a friend." dugtong ko pa. Pinutol na niya yung call. Kaya natulog na ako.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon