Kurt's POV
Ngayon yung practice namin ni Angelica para sa Mini Concert. Dinala ko na rin yung gitara ko para ready. Dumiretso na ako sa room pero pagdating ko dun, wala si Angelica. Nilapitan ko sila Claire
"Pre. Nasaan si Angelica?" tanong ko sa kanila.
"Ahh. Wala pa eh. Nalate ata ng gising yun." sagot sa akin ni Claire. "Ehh. Pre, bakit mo naman hinahanap? Nagkasama lang kayo kahapon, hinahanap-hanap mo na ngayon. Hahaha" pang-aasar ni Christian. Loko talaga 'to kahit kailan.
"Itatanong ko lang sana kung may napili na ba siyang kantang kakantahin namin." sagot ko.
"Ehh pre, bakit ka pumayag na kayo yung magrepresent sa section natin? Crush mo si Angelica noh?" tanong ni Christian. Nakatitig naman sa akin si Claire, hinihintay niya kung ano ang isasagot ko.
"Baliw ka ba pre? Di ko pwedeng maging crush si Angelica! Tropa natin siya noh!" sabi ko. Totoo naman eh. Tropa lang kaming dalawa. Wala nang hihigit pa.
"Oh! Ayan na pala siya eh!" sabi ni Claire habang nakaturo sa may pintuan. Nakita kong pumasok si Angelica. Ewan ko ba pero napatulala na lang ako sakanya bigla. "Baka matunaw pre" bulong sa akin ni Christian.
"Hi guys!!" masayang bati sa amin ni Angelica.
"Uyy pre! Hi daw oh! Haha." pang-aasar ni Christian. Natawa na lang si Claire.
"Huh? Anong meroon? Bakit?" nagtatakang tanong ni Angelica.
"Wala yun. Nababaliw lang talaga si Christian." paliwanag ko. "Anong nababaliw? Haha. Angelica, crush ka ni Kurt!" sabi ni Christian na natatawa.
"Huh? Baliw! Hahaha. Mukha mo pre!" sabi ni Angelica. Buti na lang di siya naniwala.
Pumasok na ang teacher namin at naglesson na siya. Tinignan ko si Angelica, malalim ata ang iniisip niya. Ano kayang iniisip niya..
Angelica's POV
Ako? Crush ni Kurt? Patawa talaga 'to si Christian. As if naman diba? Isang Kurt Justin Monteverde na MVP, crush ng bayan, mala- boy next door ang dating, talented, sikat sa campus, magugustuhan ako? Imposible yun. Tsaka magtropa kami kaya a big big big NO!
"Okay. That's all for today. Goodbye Class" sabi ni Sir Himenez.
"Goodbye and Thankyou Sir Himenez" sabay sabay naming sabi. Break time na namin. Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng room.
"Ayy, bestiee! May gagawin pa pala kami ha. Di kasi namin nagawa yung assignment sa Music eh." sabi ni Claire.
"Alin yung Musical Instruments each country?" tanong ko.
"Oo." sagot ni Claire.
"Ahh sige. Sama kami." sabi ko.
"Opps! Bawal! Kumain na kayo ni Kurt, bawal magpagutom. May practice pa kayong dalawa mamayang uwian." sabat naman ni Christian.
"Pre! Kurt, ikaw na bahala sa bestiee ko ha." sabi ni Claire. "Bye!" sabay nilang sabi ni Christian. Tsk. Mukhang naset-up na naman kami ha.
"Halika, punta na tayong canteen" sabi ni Kurt. Tinitigan ko lang siya nang matagal nun.
"Halika na! Di naman ako nangangagat noh!" sabi niya. Bigla niyang ginulo ang buhok ko at inakbayan ako hanggang makarating kami sa canteen.
Pagdating namin sa canteen, halos lahat ng babae, nakatingin sa amin. 'Hala! Ang swerte naman niya' 'Hala! Sila ba?' 'Infairness! Maganda din si girl.' 'Ano kaya name ni ate girl?' 'Ohmyghad! Yung love of my life ko may kasamang ibang girl! Waaah!' Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa canteen. Umupo kami dun sa pinakadulo. Bumili na siya ng kakainin namin. Pagbalik niya may dala siyang isang tray na may 2 coke at may dalawang plato.
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...