Chapter 14

31 6 1
                                    

Angelica's POV

Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway papuntang tpom namin nang bigla kang nakita si Kenneth.. Kenneth Montemayor. Papunta siya sa direksyon ko kaya tumalikod ako agad para hindi niya ako makita kaso mukhang huli na ata.

"Angelica!" tawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon. Lumakad lang ako nang mabilis kaso tumakbo siya eh.

"Angelica, mag-usap tayo please.." sabi niya sa akin habang hawak hawak niya ang kamay ko. Tinaasan ko lang siya nang kilay at sinubukan kong tanggalin yung pagkakahawak nuya sa kamay ko. Kaso ang lakas niya. Di ko kayang tanggalin yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ano ba kailangan nating pag-usapan?" masungit na tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, naiiyak ako ngayon. Gusto kong umiyak.

"Yung mga nangyari dati." sagot niya sa akin. Ngumisi na lang ako dahil dun sa sagot niya.

"Ano pa bang kailangan pag-usapan tungkol dun? Iniwan mo ako. Umalis ka nang walang paalam. Mangangako ka tas mang-iiwan ka? Aba! Ano ba tayo dito ha? Naglo-lokohan ba tayo ha?! Hindi naman diba? Alam mo ba ba kung gaano ako nasaktan dahil sa ginawa mo?! Alam mo ba kung gaano ako nagmukhang tanga kakahintay sayo sa labas ng bahay niyo?! Alam mo ba kung gaano ako nagmukhang tanga kakahintay sayo sa may park? Dun sa may duyan ha? Alam mo ba?! Hindi diba! Tas ang lakas ng loob mo magpakita sa akin ngayon. Ang lakas ng loob mo para humarap sa akin. Ang lakas ng loob mo humingi sa akin ng time para makipag-usapan. Grabeh ka! Ni hindi mo nga nagawang maglaan ng oras para sa akin nang makapagpaalam ka ng maayos. Ni hindi mo nga ako tinawagan, ni hindi mo nga ako tinext. Tas malalaman ko na lang na pumunta kayo ng America? Tsk. Ang galing mo! Ang galing mo!" sabi ko sa kanya habang umiiyak. Yung kaninang mga luha na pinipigilan kong tumulo, ayun tumulo na. Ang sakit...kasi matagal na yun eh pero hindi pa rin ako makamove on. Hanggang ngayon masakit pa rin.

"Angelica kasi kailangan ko..namin talaga pumuntang America kasi...kasi..." sabi niya.

"Kasi ano?" masungit kong sagot at tinaasan ko siya ng kilay.

"Kasi Angelica may sakit ako sa puso nun. Kailangan ko magpagamot. Kailangan kong magpa-opera. Kaya kailangan kong umalis. Di ako nagpaalam sayo kasi ayokong mag-alala ka. Ayokong mahirapan ka dito." sabi niya. Nagulat naman ako dahil dun. May sakit siya sa puso? Bakit di niya sinabi agad? Bakit di niya pinaalam sa akin? Edu sana nadamayan ko siya. Edi sana naalagaan ko siya. Edi sana...

"Kamusta na? Okay na ba? Magaling ka na ba?" tanong ko sa kanya habang umiiyak ako. Bigla niya akong niyakap.

"Oo. Magaling na ako. Okay na ako. Sorry..." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko din siya at doon ako umiyak sa kanya. Pinapatahan niya ako at tinignan ako sa mukha at nginitian ako.

"Okay lang. Sorry din ha kasi nagalit ako sayo." sabi ko.

Naguilty ako kasi nagalit ako sa kanya nang hindi ko alam ang dahilan.

Kurt's POV

Nasa tapat ako ng locker area nang makita ko si Angelica tumatakbo. Lalapitan ko sana siya kaso bigla siyang tinawag nung isang lalaki. Nag-uusap sila. Kasi di ko marinig yung pinag-uusapan nila kasi medyo malayo din ako sa pwesto nila. Maya-maya nakita kong umiiyak si Angelica. Lalapitan ko sana siya kaso dumating sila Claire at Christian at pinigilan ako.

"Hayaan mo na muna magkaroon ng closure yung dalawa pre." sabi ni Christian.

"Closure? Bakit mag-ex ba sila? Wala pa ngang nagiging boyfriend yan si Angelica tas may pa-closure closure na." sabi ko. Napangisi naman si Claire.

"Kurt, ang closure di lang para sa dating magkasintahan noh! Tsaka, sabihin na lang nating si Kenneth at si Angelica ay mag-MU noon. Kaso umalis si Kenneth at nawala na lang bigla." sabi naman ni Claire.

"Sino naman yung Kenneth ha?" tanong ko. Napangiti si Christian.

"Childhood sweetheart ni Angelica. First crush, first MU, FIRST LOVE niya." sagot sa akin ni Claire.

"Psst. Kurt, tignan mo oh!" sabi ni Christian sabay turo sa direksyon nila Angelica. Paglingon ko nakita ko silang dalawa, makayakap. At maya-maya lang bigla na lang hinalikan nung Kenneth si Angelica sa noo. Aba! Hokage tong unggoy na 'to ha. Lalapitan ko na sana sila kaso epal na naman tong dalawang tong.

"Easyhan mo lang pre! Kalma ka lang." sabi ni Christian at inaawat ako nila Claire. Hayss!

Nag-walkout ako, pumunta ako dun sa cr. Bigla kong sinuntok yung pader. Wala na akong pake kung masakit. Wala na akong pake kung dudugo yung kamay ko sa pagsuntok ko dito sa pader na 'to. Basta ang alam ko lang, ang sakit.. Nasaktan ako sa nakita ko. Nasaktan ajo sa nalaman ko. Naiinis ako.

Nagseselos ako...

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon