Angelica's POV
Bahala sila. Lalayuan nila ako? B-A-H-A-L-A-S-I-L-A. Habang nag-eemote ako biglang nag-ring yung cellphone ko. Tinignan ko naman ito, tumatawag si Claire. Di ko siya sinagot sa halip, pinatayan ko siya ng cellphone. Tsk. Bahala kayo. Kung kailan malapit na ang birthday ko dun kayo lalayo sa akin.
~•~•~•~•~•~
KinabukasanPag pasok ko sa school may nakalagay na maliit na rectangular pink box dun sa table ko. Wala pa dun sila Kurt at Christian, si Claire naman lumabas ata ng room, nandito na kasi yung bag niya sa upuan niya. Kinuha ko yung box at tinignan ito. Pagkabukas ko ng box, may nakita akong isang Moon Necklace. Napangiti naman ako. Ito yung necklace na gustong-gusto kong bilhin kaso di ko alam kung saan ako makakabili. May isang yellow paper naman na nakatupi sa ibabaw ng table ko. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat dito.
'Angelica,
Hi! Sorry kasi di kita sinabayang umuwi kahapon. Alam kong nagtatampo ka kasi pinatayan mo lang ako ng cellphone kagabi. Sorry. Sobrang halaga kasi nung pinuntahan namin nila Christian eh. Sorry ha? Alam kong gustong-gusto mo itong moon necklace na 'to kaya binilhan na kita. Advance birthday gift ko na yan sayo ha. Advance happy birthday sa'yo bestiee❤ Labyahh!
Yours Truly,
Claire❤'Napangiti naman ako. Ang sweet naman ng bestiee ko.
"Kanino galing yan ha?" masungit na tanong ni Kurt. Inirapan ko lang siya at kinuha ko na yung necklace at box at akmang susuotin ko na 'to kaso nga lang kinuha ng unggoy.
"Tulungan na kita." nakangiti niyang sabi. Inirapan ko lang ulit siya at hinayaan ko lang siyang tulungan ako.
"Whoaah!" sigaw ni Christian habang nakatingin sa amin at nakangiti ng nakakaloko. Tinarayan ko lang din niya. Umupo na din si Kurt sa tabi ko. Maya-maya, pumasok na si Claire.
"Bestiee!" sigaw niya at niyakap ako. Ang higpit ng pagkakayap niya sakin. Haha. Niyakap ko na lang din niya.
"Thankyou." sabi ko habang nakangiti at pinapakita sa kanya yung moon necklace na bigay niya. Nginitian lang niya ako at umupo na sa tabi ni Christian. Friday ngayon,at si Sir Himenez ang first subject namin.
AP pa naman tinuturo nun hayss. Umagang-umaga aantukin na naman ako nito waaaah! Maya-maya dumating na si Sir. Himenez, dala ang class record niya at ang AP Book na source ng mga nile-lesson niya sa amin.
"Goodmorning Class!" bati sa amin ni Sir Himenez.
"Goodmorning din po Sir Himenez." sabay-sabay naming bati sa kanya habang nakatayo kami. Sinenyasan niya kami na unupo na kaya umupo na kaming lahat.
"Attendance muna tayo. Raise your right hand as a sign of present." sabi ni Sir at binuklat na niya yung class record niya.
"Okay po Sir." sabay-sabay naming pagsang-ayon.
"Boys:
Alegre
Aranda
Bahaya
Bautista
Buenavidez
Cereno
Cruz
De Guzman
Dela Cruz
Delapeña
Evasco
Gomez
Mendez
Monteverde.
Very good boys! Complete kayo ngayong araw." habang nagsasalita si Sir tinaas nila ang right hand nila. At masayang pinuri ni Sir ang boys dahil walang absent sa kanila."Girls:
Cortes
Damia
Diaz
Emmanuel
Flores
Geronimo
Gonzales
Gonzaga
Guillermo
Lastemosa
Luna
Manuel
Marino
Montesa
Reyes.
Very good! Walang absent sa girls! So it means, complete kayo today!" masayang bati sa amin ni Sir Himenez. Nagsimula na siyang maglecture sa amin, tulad ng dati..inaantok na naman ako. Duh! Wala naman talaga kasi akong interest sa philippine history or world history pero mahilig ako sa mga bagay na vintage or mga bagay na makasaysayan. Ang weird ko kasi wala akong interest sa history pero sa gusto ko yung mga bagay na vintage at makasaysayan.Natapos na ang AP Time namin. Di ko pa rin pinapansin si Kurt, bahala siya dyan! Haha. Dumating na ang susunod naming teacher. Filipino na namin ngayon at dala na ni Ma'am Cruz ang mga tula na ginawa namin, ngayon na niya ata ito ibibigay sa mga crush namin.
"May isa kayong kaklase na hinakot ata ang mga tulang ginawa niyo. charot! Sa lahat ng hinahandle ko na class, siya ang may pinakamaraming nakuhang tula. Yung iba na ibibigay ko sakanya, galing na ito sa ibang section." sabi ni Ma'am Cruz sa amin. Nagbulungan ang mga kaklase ko at hinuhulaan kung sino yun.. Kahit ako curious. Swerte niya ha char. Haba ng hair, dinaig si Rapunzel. How to be you po ate gurl? Hahaha.
~•~•~•~•~
ps: Nasa multimedia po yung pic ng Panda na binili ni Kurt for Angelica.
pps: credits sa Blue Magic Online Store
ppps: My Nikolai po name niya hihi. XXL po size niya.
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...