Chapter 22

28 2 0
                                    

Angelica's POV

Lumipas ang mga araw at dumating na ang pagtatapos ng school year. Ganun pa rin kami. Sweet si Kurt at nanliligaw pa rin si Kenneth. Recognition Day namin ngayon and guess what. No. 2 ako sa ranking namin sa batch namin, 95 average ni Kurt at 94 naman ako. 93 naman ang average nila Claire at Christian. Squad Goals ito para sa amin. Rank No. 1 si Kurt, Rank No. 2 ako at same rank sila Claire at Christian kasi same average sila kaya Rank No. 3 sila pareho. Si mama yung nagsuot sa akin ng medal ko. Ang sarap sa feeling kasi after ng lahat ng efforts na nabuhos at nailaan ko para sa pag-aaral ko ay nasuklian ng isang napakasimple ngunit napakahalagang medalya na halos lahat ay inaasam-asam ito.

"Ysabelle! Picture muna kayo nila Claire bilis." pagtawag sa akin ni mama. Agad naman akong lumapit sa kanila at tumabi kay Claire. Napapalagitnaan ako nila Kurt at Claire, katabi ni Claire si Christian. "1...2...3... smileeee." nakangiting sabi ni mama. Nakailang shots din kami dun.

"Angelica, picture tayo." sabi sa akin ni Kenneth tumango naman ako. Mukhang napansin naman kami ni mama kasi bigla siyang lumapit sa amin.

"Ako na ang kukuha ng picture niyo." pagsa-suggest ni mama. Agad namang iniabot ni Kenneth yung phonw niya kay mama. Pinicturan kami ni mama. 2 shots yun isa sa cellphone ko at isa sa cellphone ni Kenneth. At sa dalawang shots na yun, nakaakbay siya sa akin.

Nagkaroon ng party sa bahay namin. Inimbitahan ni mama sila Claire, Christian at Kurt. Isang simeng salo-salo lang naman yun. Masayang-masaya ako hanggang sa natapos na ang araw na yun. Okay naman ang lahat, nagbakasyon ako sa Paris, sumama ako kay mama papunta dun. Si Claire naman, magta-Tagaytay daw sila. Si Christian naman, magba-Batangas at si Kurt, ayun pupunta daw silang Singapore ng kuya niya, dun daw sila magbabakasyon. Simple lang ang bakasyon namin. Pumunta lang kami sa mga tourist spots dito sa Paris at nag-ikot-ikot sa mga restaurant at fast food chains dito.

~~•Fast Forward•~~

Natapos na din ang bakasyon namin at nagsimula na naman ang pasukan. Ganun na naman ang routine. May orientation, may introduce yourself ulit kahit magkakakilala naman na kami. Sikat na naman yung Name Tag na kapag wala kang suot na name tag, may minus ka na agad. May mga iba akong kaklase dati na hindi ko na kaklase ngayon. Yung iba, nalipat sa ibang section at yung iba naman lumipat na talaga ng school. At dahil nga sa may mga ilang nawala o umalis sa section namin, may mga pumalit naman na bago kaya may mga bagong mukha kaming nakikita. Yung iba galing sa ibang section na nagsipag sa pag-aaral kaya pinalad na maakyat sa section namin. 35 students kami sa 1st section. Ang pag-aasign ng section sa students ay base sa ranking kaya ang 1-35 students sa over all ranking ng school ay mapupunta sa 1st section.

Lumipas ang mga araw at buwan ng pagiging grade 8 namin ay ayos naman ang lahat. Nananatiling matatag ang pagkakaibigan namin nila Kurt at si Kenneth naman ay nananatili ding matatag sa panliligaw sa akin. Si Kurt, nasosobrahan na sa pagiging sweet at protective sa akin. Kung hindi ko lang talaga ito kaibigan, paniguradong napagkamalan ko na tong may gusto sa akin. Pero nga dahil sa bestfriend ko siya, di ko siya pinagkakamalang may gusto sa akin kasi nga diba lahat naman ng kaibigan gustong mapanatili at masiguradong ligtas tayo kaya gustong-gusto nilang pinorotektahan at inaalagaan tayo.

Desperas ng Bagong Taon ngayon, New Year's Eve. Ala-sais pa lang ng hapon halos lahat ng mga tao, naghahanda na para sa mga ihahandang pagkain sa hapagkainan para sa Mew Year's Eve. Halos lahat ay busy at nagkakandaugaga dahil sa mga ginagawa nilang putahe. Umuwi dito si mama at papa. Wala kasi akong kapatid. Kamuntik-muntikan lang talaga kaso pagkapanganak sa kanya ni mama, after 5 day ehh ayun, pumanaw na siya.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon