Kenneth's POV
Di ko lubos akalain na ipapakilala na pala ako agad ni Angelica dun sa tropa niya. Napansin ko din kanina na sobrang sama ng tingin sa akin nung Kurt na yun. Pagka-uwian namin, sinundo ko siya sa room. Nag-overtime ata yung teacher nila kaya late na sila pinalabas. Pagkalabas na pagkalabas niya sa room nila, ngiting-ngiti siya, siguro nakita niya na ako kaya ganyan yan.
"Sinusundo mo ba ako?" nakangiting tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya tas tumawa.
"Hindi eh. Sige alis na ko." pagbibiro kong sagot sa kanya.
"Luh!" pag-angal niya. Natawa ako sa reaksyon niya kasi bigla siyang nagpacute. Pinisil ko ang pisngi niya at ngumisi.
"Joke lang. Sa tingin mo ba, mag-aabang ako dito ng ganun katagal kung di naman kita ihahatid sa bahay niyo?" sabi ko. Ngumiti naman siya bigla. Napansim kong nakatingin sa amin si Kurt kaya tinignan ko rin siya at ngumisi. Iniwasan niya na ako ng tingin at umuwi na sila nung Christian ata yun.
"Halika na. Uwi na tayo" yaya sa akin ni Angelica. Kinuha ko yung bag niya at ako na yung nagbuhat. Magaan lang din naman yung bag niya, siguro iniwan niya yung mga gamit niya sa locker.
Habang naglalakad sa daan, tahimik lang siyang naglalakad.
"Liligawan na kita ha?" sabi ko, bigla naman siyang napatingin sa akin.
"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin.
"Sabi ko, liligawan na kita." pag-ulit ko dun sa sinabi ko. Bigla naman siyang namula at napangiti. Kinikilig ata ito eh. Haha.
Mga ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na din kami sa bahay nila.
"Dito na ako ha. Ingat ka dun. Ingat ka sa pag-uwi sa inyo. Tawagan mo na lang ako pag naka-uwi ka na." sabi niya sa akin na may halong pag-aalala. Tumango-tango na lang ako at nag-thumbs up as a sign of OKAY. Tumalikod na ako para masimulan ko na ang paglalakad pauwi sa amin.
"Kenneth!" pasigaw na tawag niya sa akin. Agad ko naman siyang nilingon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang tumakbo palapit sa akin at bigla akong hinalikan sa pisngi. Bigla naman akong napangiti dahil dun sa ginawa niya.
"Ingat ka ha? Liligawan mo pa ako kaya hindi ka pwedeng mapahamak." sabi niya at agad na tumakbo papasok dun sa bahay nila. Nang nakapasok na siya, tinuloy ko na ang paglalakad ko, sinabihan ko kasi yung driver namin na wag na akong sunduin skapag uwian na namin kaya ayan tuloy. Malayo-layo din yung bahay namin dito sa bahay nila Angelica. Kaya malayo-layo din yung lalakarin ko.
Habang naglalakad ako, di pa ako nakakaalia sa street nila Angelica, mga 3 houses pa lang ata yung nalalampasan ko, nakasalubong ko sila Kurt at Christian. Ganun pa rin, masama pa rin tingin ni Kurt sa akin.
"Uyy, pre! Anong ginagawa mo dito?" mausisang pagtatanong ni Christian sa akin. Nginitian ko naman sila.
"Ahh, hinatid ko lang si Angelica dun sa bahay nila." sagot habang nakangiti at nakatingin dun kay Kurt ba biglang sumama lalo ang tingin sa akin kaya bigla na lang akong napangisi. Tsk. Nagseselos ba siya? Akala mo naman. Haha. Sorry ka dude! Ako ang gusto ni Angelica at hindi ikaw.
"Ahh. Sige pre una na kami ha. Ingat ka na lang." sabi ni Christian, ngumiti na lang ako at naglakad nung nasa gilid na ako ni Kurt, bigla siyang bumulong.
"Ingat ka baka may bumugbog sayo bigla dyan. Tsk." sabi niya. Napangisi na lang ako. Halang selos na selos na siya. Hahaha.
Nandito na ako sa bahay. Mga 1 hour and 30 minutes din ata akong naglakad. Agad kong tinawagan si Angelica. Agad din naman niya sinagot ito.
"Nandito na ako sa bahay." sabi ko.
"Okiee. Ingat ka dyan ha? Sige matutulog muna ako, inaantok ako eh. Haha. Sige babye!" sabi niya.
"Sige ingat ka dyan kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako ha?" sabi ko.
"Opo." sabi niya na pawang labag sa kalooban niya. Haha binaba ko na yung call at nagpalit na ako ng damit. Bumaba na ako para mailagay ko na yung uniform ko sa labahan. Saktong nandun si kuya habang umiinom ng kape. Napatingin naman ako bigla sa calender, malapit na ang September 4. Iyon ang kaarawan ni Angelica. Tuesday ngayon. At saktong, sa sabado ang birthday niya. At alam ko na may pinaplano yung Kurt na yun para sa birthday ni Angelica.
"Psst! Kenneth! Musta na?" sabi ng kuya kong si Angelo.
"Oks lang naman kuya." sagot ko.
"Eh, yung plano natin?" tanong niya. Alam ko naman na kung ano yung tinutukoy niya. Napangisi ako dahil dun.
"Okay lang din yun. Lahat ay umaayon sa plano..." sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Napangisi siya dahil sa sagot ko.
"Lalo na siya..."
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...