Kenneth's POV
Alam kong galit siya. Alam kong nasaktan siya. Nasaktan ko siya. Iniwan ko siya.
~•~•~FLASHBACK~•~•~
"Gusto kita, Angelica." sabi ko sa kanya. Alam kong nagulat siya. Di niya ako sinagot. Hindi siya sumagot. "Okay lang kung di pa pwede. Alam kong bata pa tayo. Hihintayin kita. Hihintayin kita hanggang sa pwede na." dugtong ko. Tinalikuran ko na siya.
"Kenneth..." sabi niya. Nilingon ko siya. "Gusto din kita." sabi niya sa akin habang tumutulo ang luha niya. Napangiti naman ako bigla dahil dun aa sinabi niya. Nilapitan ko siya at bigla ko siyang niyakap. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.
Lumipas ang isang buwan na palagi kaming magkasama. Sa pagkain, sa pagpasok, sa pag-uwi..sa lahat. Ganun ang naging routine namin. MU pa lang kami. Alam namin limitations namin. Alam namin kung ano ang priorities namin. Kaso biglang isang araw, nagbago ang lahat.
Pag-uwi ko sa bahay, lahat sila nasa sala. Anyare sa mga mukha nila? Parang binaksakan ng langit at lupa.
"Kenneth, anak.." sabi ni mama. Tinignan ko siya na may halong pagtataka. "Anak kasi..kailangan nating pumunta ng America." sabi ni Mama. Bakit? Bakit ngayon pa?
"Ma, bakit pa?" tanong ko kay mama. Nakayuko lang si kuya, si ate naman nakatingin lang sa ibang direction at umiiyak. Si papa, pinapatahan si mama kasi umiiyak din siya.
"Anak.. Lumabas na kasi yung results ng mga tinest sayo ng doctor..." naiiyak na sabi ni papa.
"Bakit pa? Okay naman po diba? Wala naman po akong sakit diba? Diba pa? Diba!! Pa! Sabihin niyo! Sabihin niyo!!!!!!" sabi ko habang umiiyak. Umiiyak na silang lahat. Nagwawala na ako, hinagis ko na ang bag ko. Bakit? Bakit?!?! Lumapit na sa akin si kuya upang pakalmahin ako pero wala akong pake. Wala.. Alam ko na ang sagot. May sakit nga ako. Positive.. May sakit nga ako sa puso. Masakit. Masakit kasi ngayon pa nangyari lahat nang ito kung kailan, masaya ako. Kung kailan okay na ang lahat sa paligid ko. Ang sakit...ang sakit kasi kailangan ko siyang iwan.. Ang sakit...
~••Kinabukasan••~
Kinabukasan, nakipagkita ako kay Angelica sa park. Pagdating ko nandun na siya. Nakaupo siya sa duyan. Tinabihan ko siya, umupo ako dun sa katabi niyang duyan."Angelica, tandaan mo ha. Kahit anong mangyari nandito lang ako para sa'yo. Tandaan mo palagi yan. Wag mo yang kakalimutan ha?" sabi ko sa kanya habang nakangiti...pekeng ngiti. Gusto kong umiyak. Kaso ayokong makita niya na umiiyak ako. Gusto kong magpaalam sa kanya nang maayos, gusto kong sabihin sa kanya na may sakit ako. Kaso ayoko, ayokong masaktan siya. Ayokong mahirapan siya, ayokong mag-alala siya. Ayoko...
Umalis na ako. Pagtalikod ko sa kanya, dun na bumagsak ang mga luha ko. Mamayang gabi na yung flight namin.
11:30 pm na. 12:00 am ang flight namin. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako ma-contact ni Angelica. Nagready na kami sa pagsakay ng eroplano. 11:58 pm, pasakay na kami ng eroplano.
"Pangako Angelica, babalik ako. Babalikan kita. At sana sa pagbalik ko, may babalikan pa ako. Babalikan kita pangako yan..." sabi ko bago ako sumakay ng eroplano.
~••End of Flashback••~
Yun ang huling araw na nakausap ko si Angelica. Alam kong galit siya sakin kasi umalis ako nang walang paalam. Alam kong nasaktan ko siya. Gusto ko siyang kausapin nung pagbalik ko sa Pilipinas galing sa America. Kaso nung tinawagan ko siya, wala na. Hindi nagriring, sino nagpalit na siya ng sim card kaya pinuntahan ko siya sa bahay ni kaso pagdating ko dun, wala na din. May iba nang nakatira. Sabi nung bagong nakatira sa akin, lumipat na daw ng bahay yung dating nakatira doon, binenta na daw sa kanila yun. Nung tinanong ko siya kung alam ba niya kung saan lumipat yung dating nakatira dun, di niya daw alam. Nawalan na ako ng pag-asa nun kaso narealize ko na may facebook nga pala. Sinubukan ko siyang hanapin sa facebook. Tama ako. Nakita ko siya dun. Nakapublic lang yung fb niya kahit yung post niya, profile picture at cover photo niya. Tinignan ko yung info niya.
"Angelica Isabelle Cortes
Went to Sandford University"Yan ang nakita ko sa facebook niya. Kaya ayun, nagpumilit ako kila mama na dun na lang ako mag-enroll. Napapayag ko si mama. Dun ako nag-enroll.
Grade 7 na kami. August, nagkaroon ng mini concert, isa si Angelica sa mga naging representative. Lalapitan ko na sana siya kaso, may kasama siyang lalaki. Ang sweet nila. Nasaktan ako...
Kaya ayun, nung pinagawa kami ni Ma'am Cruz ng letter/tula, di na ako nagdalawang isip na siya ang gawan ko. Kinuha ko yung isang picture namin dati. Gumawa ako ng DIY Envelope, nilagay ko doon ang picture naming dalawa. Tinupi ko din ang oslo paper na pinagsulatan ko ng tula pacrosswise at nilagay ito sa loob ng DIY Envelope kasama ang picture namin. Yung rose petals? Simple lang. Nanguha ako ng bulaklak dun sa garden namin sa school. Haha.
After maibigay ng teacher namin sa kanila ang mga tula, aamin at magpapakita na ako sa kanya..
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...