Chapter 8

31 6 0
                                    

Kurt's POV

"Pre, sino ba yung ginawan mo ng tula?" tanong sa akin ni Christian.

"Si Angelica." diretso kong sagot. Napangiti na lang siya bigla.

"Gusto mo pala talaga si Angelica eh. Bakit binabara mo pa ako sa tuwing inaasar kita kay Angelica ha?" sabi niya. Natawa na lang ako sa kanya tsaka ko siya binatukan.

"Pag nalaman niya baka maging awkward kami noh! Porket MU lang kayo ni Claire tsk." sagot ko. Yeah. MU sila. Gusto nila ang isa't isa. Porket nagkakilala sila sa simbahan gaganyan na sila. Pabasbasan ko sila sa pari eh. dejk lang po.

"Ehh mukhang gusto ka din naman ni Angelica eh." sabi niya. Tinignan ko siya nang seryoso.

"Malabo yun pre. Hanggang kaibigan lang talaga siguro yung tingin niya sa akin." sabi ko.

Pagkadating namin sa bahay nila Christian, dumiretso kami sa balcony nila.

"Pre, sa September 4 na birthday ni Angelica, anong balak mo?" tanong niya sa akin. Napaisip naman ako dahil dun.

"Pre, pwede mo ba akong tulungan?" sabi ko. Tumango naman siya.

"Gusto ko kasi siyang isurprise sa school. Ang gusto kong gawin ay lalagyan ko ng rose petals yung court na pashape ng heart tas dun ko siya bibigyan ng human size na stuffed toy na panda at ng roses. Then sa gitna may isang table dun na may 2 layers na sky blue cake na may design na panda." sabi ko. Napaisip naman siya.

"Okay sige kakausapin ko yung principal." sabi ni Christian.

~•~•~•~•~•~
Kinabukasan

Di namin masyadong pinapansin sila Angelica ngayong araw. Panigurado, nagtatampo yung mga yun sa amin. Break time namin ngayon at papunta kami sa Principal's Office. Tita kasi ni Christian yung Principal kaya madali lang siguro ito.

"Goodmorning po" sabay naming bati ni Christian.

"Ano kailangan mo dito Christian ha?" tanong ng Tita niya.

"Tita ano kasi, We want to surprise our friend in her birthday. And gusto po naming ganapin ito sa court ng school. And gusto din po naming makita ito ng ibang students." pagpapaliwanag ni Christian sa tita niya. Seryosong nakatitig lang sa amin ang tita niya ngayon. Hinihintay namin ang sagot niya.

"Hmm. Okay sige payag ako." sabi ng tita niya. Bigla naman kaming napa- 'woah!' dahil doon. Nag-apir din kami dahil matutuloy ang plano. "In one condition.." sabi ulit ng tita niya napatigil naman kami sa pag-iingay noon.

"Ano po yun Ma'am?" magalang kong tanong sa kanya.

"Sabado niyo ito gaganapin dahil ayoko naman madistract niyo ang ibang students sa class nila. The same din sa inyo. Kayo na lang bahala gumawa ng gimik or ng paraan para pumunta ang ibang students dito. Pwede din kayo magpatulong sa SSG natin para mas mapadali ang gagawin niyong surprise." sabi ng teacher niya sa amin. Tumango naman kami ni Christian.

"Okay tita. Thanks po." sabi ni Christian.

"Thank you po Ma'am Ramos" sabi ko at nag-bow as a sign of respect. Lumabas na kami ni Christian ng Principal's Office at dumiretso na sa klase namin. Tuwang-tuwa naman siya. Ewan ko ba sa kaibigan ko na 'to, mukhang mas excited pa kaysa sa akin.

"Pre, anong balak mo? Sabado lang daw pwede." seryosong tanong ni Christian.

"Ang balak ko ngayon pre ay gumawa ng invitation cards then yung plano para dun sa set-up ng surprise, need pa natin ng isa pang kakontsaba... Need natin si Claire. Siya yung maghahatid dun sa gitna ng heart kay Angelica." paliwanag ko kay Christian.

"Pre, alam mo feel ko mas maganda kung parang mini concert yung gawin natin. Tas bayaran mo yung mga banda sa school natin para kumanta. Tas bandang gitna ng event, papasok ka at kakanta ka. Tas hawak mo yung flowers. Tas lalapit ka kay Angelica tas kakantahan mo siya. Tas pag tapos na yung kanta mo, iaabot ko sayo yung panda tas ibibigay mo yun sa kanya." suggest niya. Napatango naman ako.

"Tas yung damit na suot niya dapat galing sakin. Pero alam ko namang di niya tatanggapin yun kasi nagtatampo siya sakin. Kaya need natin si Claire." dagdag ko pa. Tumango naman siya. Pagdating namin sa room nandoon na sila Claire at Angelica, tahimik na nakaupo sa mga upuan nila.

Umupo na ako, di ako pinansin ni Angelica. Hayss nagtatampo talaga siya.

Christian's POV

Umupo na ako. Di ako pinansin ni Claire.

"Sorry.." sabi ko kay Claire. Tinignan lang niya ako at hinihintay na mag-explain ako. "Isusurprise ni Kurt si Angelica sa birthday niya. Kaya humingi siya ng tulong sa akin. Mamaya nga pupunta kaming mall para bumili ng dress na ipapasuot kay Angelica." sabi ko. Napatango naman siya.

"Sasama ako. First of all, alam ko yung size and taste ni Angelica sa damit. Second, pag kayo nagbigay ng damit na yun, di niya tatanggapin kasi 100% sure akong nagtatampo yun sa inyo." sabi niya. Napatango naman ako at nagthumbs up sa kanya.

~•~•~•~•~•~

Pagkauwian, lumapit si Kurt sa akin, sinabi ko na sasama sa amin si Claire. Pumayag naman siya kaya inayos na namin ang gamit namin.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon