Chapter 4

50 15 0
                                    

Angelica's POV

"Goodmorning Class! Bukas na ang Mini Concert. Okay na ba ang representatives ha? Binibigyan naman kayo ni Ma'am Reyes niyo ng time para makapag-practice diba? So I assumed na prepared na kayo." sabi ni Ma'am Hernandez.

"Opo Ma'am! Ready na po kami!" sabay na sabi namin ni Kurt. Nag-apir pa kami. Hahaha.

"Dapat kikiligin kami dyan ha? Haha." biro ni Ma'am. Tumango na lang kami. Isa din to si Ma'am. Hilig din mang-asar ni Ma'am parang sila Claire. Hahaha.

~•~•~•~•~
Kinabukasan

Naghahanda na kami dalawa ni Kurt para sa gagawin mamaya sa stage. Naisipan din naming gumawa ng mga sweet hand gestures para mafeel lalo ng mga manonood samin yung 'chemistry' daw. Pati ba naman subjects kino-connect na sa pag-ibig o kaya sa nararamdaman ng tao. Jusko naman.


"Goodmorning everyone! Within 5 minutes, the concert will going to start." sabi ng host.

"Angelica, Can't help falling in love daw unahin natin. Tayo mag-oopening nimber pati closing number." sabi sa akin ni Kurt. Tumango na lang ako. Naka-floral dress ako ngayon na black. Si Kurt naman naka-white tshirt siya at naka-jacket na color black. Ang cool niya tignan dahil dun.

"Ahmmm. Angelica..." sabi ni Kurt, napatingin ako sakanya.

"Hmmm?" yun na lang ang tinugon ko.

"Ang ganda mo.. I mean, mas lalo kang gumanda dahil sa suot mo." sabi niya habang nakangiti.

"Thankyou." sagot ko habang nakangiti sakanya.

"Representatives from section 7-A. Nagsisimula na kayo." sabi ng organizer.

"Please welcome! From grade 7 section A, Mr. Kurt Justin Monteverde and Ms. Angelica Isabelle Cortes!" sabi ng host. Nagsitilian ang ibang babae at nagpalakpalakan ang lahat.

Nagsimula na ang tugtog. Tinanggal na namin ang gitara para mas madali kaming makagalaw at para na din mas madali naming magawa ang mga sweet gestures.

" Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?" pagkanta ko ng ubod ng tamis habang nakatitig sa mga mata niya.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be" kanta niya habang nakangiti sa akin...isang matamis na ngit.

"Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you" pagkabanggit ko ng unang linya bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Narinig kong nagsitilian ang mga tao.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be" pagkanta niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you" sabay naming pagkanta. Habang kinakanta namin yun, unti-unting naglapit ang mga mukha namin. Pinagdikit niya mga noo namin.

"For I cant help..." pagkanta ko.

"Falling inlove with you" sabay kaming kumanta at pagkatapos ng kanta bigla niya akong niyakap at nagsipalakpakan ang lahat na may halong tilian.

"Thankyou for that super duper nakakakilig na performance." sabi ng host. Sabay kaming nagbow ni Kurt at pumunta na ulit sa backstage para makapaghanda na para sa closing number namin.

Tinawag na ang ibang mga representatives para magperform na sila. Madami ang sumayaw(by group), solo at iba pa. Pero isa dun ang pinakatinutukan ko, yung student na nag-spoken word poetry.

'DOON TAYO

Ano ba yung relasyon?
Nakakain ba yun?
Nakakabusog ba yun?
Kasi kung hindi, hindi ko na lang susubukan yun.

Bakit ka pa magmamahal
Kung masasaktan ka lang din naman?
Bakit ka pa lalaban
Kundi ka naman niya kayang ipaglaban?

Doon tayo sa taong handa tayong ipaglaban hanggang dulo
Doon tayo sa taong hinding-hindi susuko sayo.
Doon tayo sa sigurado
Para sa dulo
Hindi ka maiwanang wasak
Para sa dulo hindi lang ikaw yung iiyak
Para sa dulo di lang yang puso mo ang nawasak

Doon tayo sa handang magsakripisyo para sayo
Doon tayo sa mamahalin ka nang totoo.
Doon tayo sa seryoso
Doon tayo..
Kasi kapag siya ang pinili mo
Panigurado..
Di ka niya papaluhain
Ika'y kanyang mamahalin
Kaya doon tayo sakanya..
Seryoso siya
Di siya nagpapadala sa DARE ng tropa..
Di ka niya sasaktan..
Di ka niya paglalaruan..
Di ka niya iiwang luhaan..
Kaya doon tayo..'

Nagpalakpakan ang mga tao.

"Inshort, dito ka daw sakin." sabi ni Kurt.

"Ano? Baliw ka? Hahahaha!" sabi ko.

Ganun ba pag nagmahal ka? Masasaktan ka lang? Ganun ba yun? Parang nakakatakot naman magmahal.. Sana pag nagmahal ako, si Mr. Right na. Para siya na first and last boyfriend ko.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon