Angelica's POV
1 ½ years later
Hanggang ngayon, di pa rin sumusuko si Kurt sa panliligaw sakin. Nagiging instant alalay ko na nga siya nang dahil sa kakasunod niya sakin at kakabitbit ng bag ko or ng mga shopping bags sa tuwing mamimili kami ni Claire. Nandito kami ni Kurt ngayon sa rooftop ng bahay ko
"Angelica, kahit gaano pa katagal akong manligaw sayo, hinding-hindi kita susukuan" sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. Tinignan ko lang siya at ngumiti.
Kurt, kung alam mo lang talaga. Iyan lang ang nasasabi ko sa isip ko ngayon. Hayss. Gawin ko na kaya, ngayon na ba talaga? Hayss di ko alam. Haysss, sige na nga. Eto na hays.
"Kurt, pakinggan mo to. Ang ganda promise." sabi ko sabay abot sakanya ng earphone ko. Kinuha niya rin naman ito at pinasak sa isa niyang tenga. Ngayon, magkatabi kaming nakaupo sa rooftop namin at magkahati sa iisang earphones.
" Kurt, ahmm. Hayss paano ba. Di ko alam kung paano ko sisimulan myghad! Hayss. Ahmm ano, so eto na nga, sisimulan ko na. Kurt, matagal na rin naman kitang gusto eh kaso, di pa talaga ako handa noong mga panahon na yun eh. Takot pa akong masaktan noon eh. Takot akong sumugal nun. Takot akong isugal yung pagkakaibigan natin. Ayokong masira eh. Baka kasi pag nag-failed yung relationship natin tapos nagdesisyon tayo na maghiwalay na lang tayo, baka di na natin masalba yung friendship. Ewan ko, puro negative pumapasok sa isip ko noon eh. Takot pa talaga ako. Pero ngayon, nakapag-isip-isip na ako. Wala namang mali kung susugal ako diba. Kaya ngayon, Kurt handang-handa na ako. Handa na ako sumugal. Handa na ako, masaktan man ako o hindi, susugal ako. Di na ako matatakot. Di na ako magdadalawang isip pa. Kurt, mahal na kita. Kurt, I love you." iyan ang narinig ni Kurt sa earphone ko. Bigla siyang tumingin at napangiti sa akin. Nginitian ko na lang siya pabalik.
"Seryoso ka? Totoo?" masayang tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Bigla naman niya akong niyakap.
"Tayo na?" tanong pa ulit niya sa akin. Napatawa naman ako kasi mukhang di talaga siya makapaniwala.
"Oo, ayaw mo?" tanong ko. "Sige, babawiin ko na lang." dugtong ko pa.
"Ayy hindi, hindi pwedeng bawiin. Tayo naaaa! Whoahh! Thanks God!" sabi niya ulit at niyakap ako nang mahigpit. Napangiti naman ako sa reaksyon niya.
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
Nandito kami ni Kurt ngayon sa simbahan ni Kurt ngayon.
"God, I am so thankful na nakilala ko itong babaeng makulit na ito. Kahit napakaisip bata niya minsan, mahal na mahal ko po yan. God, thank you kasi binigyan mo po siya nang lakas ng loob para sumugal. Di po ito mangyayari kung wala ka." sabi ni Kurt habang nakatingin sa altar. Napangiti naman ako bigla. First date namin ngayon ni Kurt bilang isang couple. Kung para sa iba, weird kasi dito kami nagdidate, pero para sa amin, ito yung pinakamagandang place sa date. Gusto naming maging center si God sa relationship namin. Ewan pero, ang meanung ng date samin ay yung pakikipag-usap naming dalawa kay God.
"Boo, gusto ko dito tayo ikakasal ha." sabi ni Kurt sa akin
"Sige, tapos gusto ko, may nagbabagsakang mga rose petals galing sa ceiling ng simbahan. Tapos bumabagsak yun habang naglalakad ako papalapit sayo." sabi ko sa kanya.
"Basta ikasal lang ako sayo, okay na okay nako." tugon ni Kurt.
"I love you, Boo"
"I love you too"
"God, napakaswerte ko kasi I fell inlove with my
TROPA..."
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...