Chapter 21

29 4 0
                                    

Christian's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Claire. Wala ulit parents niya, may business trip daw. Actually, wala naman talaga kaming gagawin dito, trip lang talaga namin silang paunahin na dun sa bahay ng birthday girl na bestfriend namin na si Angelica para magkaroon sila ng time para sa isa't isa at nang makadamoves na rin si Kurt sa kanya.

"Ian.." tawag sa akin ni Claire. Ian ang nickname niya sa akin. christIAN dyan daw yun galing. Siya lang tumatawag sa akin ng ganyan kaya napakaspecial para sa akin ang nickname na yan kasi siya ang nagbigay ng ganyang nickname sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Dala kaya tayo ng foods dun sa bahay nila Angelica. Para may foos tayo habang nagmo-movie marathon diba?" sabi niya. Tumango naman ako at tumayo palapit sa kanya para tulungan siyang pumili ng pagkain na dadalhin sa bahay nila Angelica. Nasa harap kasi siya ng refrigerator ngayon.

"Dala tayo ng buko pandan?" tanong niya sa akin, tumango naman ako. Kaya nilabas niya na sa freezer yung isang malaking tupperware na may lamang buko pandan at nilagay ito sa paper bag. Napatingin naman ako sa lalagyanan nila ng junk foods sa tabi ng ref nila.

"Dala tayo ng V-cut at Piattos." sabi ko sa kanya at tumango naman siya, nilagay ko iyon sa isa pang paper bag. Kumuha siya ng 4 na C2 at 3 Chuckie at nilagay ito sa paper bag kasama ang buko pandan.

"Naalala mo pa ba yung panahon na tayong dalawa yung napiling bata para maghatid dun sa altar ng kalis at ostiya para sa paghahandog." tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Dun tayo nagkakilala eh." sagot niya sa akin.

"Naalala ko pa nga nung pinagtabi tayo dun sa last row ng upuan dun sa simbahan. Ang sungit-sungit mo pa nga nun eh. Kinakausap kita pero ini-isnob mo lang ako nun. Bago lang ako nun sa Manila, kakagaling ko lang nun sa Batangas. Tas nung nagpasukan na, nalaman ko na lang na same school pala tayo. Grade 3 tayo nun eh. Tas first section ka, ako naman second section. Nag-aral ako nang mabuti nun para maging classmate kita." pagki-kwento ko sa kanya.

"Tas nung naging classmate na tayo, kinukulit mo ako nang kinukulit nun." sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Atleast effective. Tignan mo nga hanggang ngayon, magkasama pa rin tayo at going strong diba." sabi ko at lumakad palapit sa kanya para yakapin siya, di naman niya ako pinigilan at niyakap din niya ako nang mahigpit.

"Ang clingy mo talaga Ian." sabi niya sabay hampas sa braso ko at tumawa nang bahagya.

"Sus. Kinikilig ka din naman eh." pang-aasar ko sa kanya.

"Lol! Kilig mo mukha mo! Hahaha." sabi niya.

"Ehh ba't ka namumula ha?" tanong ko sa kanya. Natahimik siya bigla at mas lalong namula pa yung pisngi niya.

"Hindi kaya." maikdi niyang sabi habang umiiwas ng tingin sa akin. Napangisi naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Namumula ka kaya.. Ayieeee. Kinikilig siya. Hahaha." sabi ko sa kanya nang pabiro.

"Hindi noh! Halika na nga! Pumunta na tayo sa bahay nila Angelica. Ang tagal-tagal na natin dito eh." pagyayaya niya sa akin para ibahin yung topic namin. Kinuha niya na yung paper bag na may lamang junk foods at lumakad palabas ng bahay nila. "Halika na. Ikaw na magdala ng paper bag ng buko pandan at ng drinks. Medyo mabigat yan eh." dugtong pa niya nung nasa labas na siya nang bahay. Kinuha ko na yung aper bag at naglakad palabas ng bahay nila. Nilock niya yung pinto at tinago ang susi sa bulsa niya.

Kumuha siya ng isang V-cut para kainin ito habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Angelica. Bigla akong huminto sa paglalakad at hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon