Chapter 15

29 6 0
                                    

Angelica's POV

Nandito sa bahay si Kenneth ngayon. Saturday ngayon kaya walang pasok. Okay na kami hihi. Kaya promise sa monday, ipapakilala ko na siya sa tropa. 'Guys, si Kenneth nga pala. Ka-MU ko' aba! Masaya na ako pag nasabi ko yan eh! Wag niyo ko ibash, MU pa lang naman, hindi mag-ON.

"Sa Monday, ipapakilala na kita sa mga friends ko ha?" sabi ko kay Kenneth. Napangiti siya dahil dun.

"Kailangan ko na bang kabahan ha?" tanong niya sa akin. Natawa naman ako bigla sa kanya.

"Baliw! Hahahaha." sabi ko. Ipinagpatuloy na namin ang panunuod ng A Love So Beautiful. Ampogi kasi ni Hu Yi Tian eh.

~••Monday••~

Ngayon na yung day na ipapakilala ko siya yieee. hart hart. Kinakabahan talaga si Kenneth. Hahaha. Akala mo naman sa magulang ko ipapakilala eh. Haha.

Mabilis na lumipas ang oras, MAPEH na namin ngayon kaso absent daw teacher namin kaya ang saya-saya namin kasi mahaba-haba ang break time. Mapeh kasi yung subject namin ngayong araw bago magbreak time eh. Lumabas agad ako ng room, sonabihan ko si Claire na dalhin sila Kurt dun sa tambayan namin sa park. Pumayag naman siya. Paglabas ko saktong nasa labas din ng room nila si Kenneth.

"Psst! Wala kayong teacher?" tanong ko kay Kenneth.

"Wala. Kayo?" tanong niya.

"Wala din." sagot ko naman. "Halika! May pupuntahan tayo." yaya ko sa kanya. Napakunot naman siya.

"Oyy! Ayokong mag-cutting noh! Di ko gawain yun!" sabi niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Hoy! Di ako magka-cutting!" sabi ko habang tumatawa. Napakamot naman siya sa batok niya. Jusmee! Haha.

Pumunta kami dun sa may park. Di pa kami nakakalapit kila Claire nang bigla niya akong bigilan sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit nandyan yung tropa mo ha?" tanong niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at hinila siya sa papunta sa pwesto nila Claire.

Kurt's POV

Nakita ko si Angelica kasama yung Kenneth, hinihila ni Angelica si Kenneth papunta sa kinauupuan namin nila Christian. Ang saya-saya naman ni Angelica. Maya-maya, nakarating na sila.

"Hi guys!" masiglang bati sa amin ni Angelica. "Si Kenneth nga pala..." sabi pa ulit ni Angelica sabay pakita sa amin dun sa Kenneth. "ka-MU ko.." nakangiting sabi ni Angelica.

Parang biglang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig ko.

"Hi I'm Claire." pakilala ni Claire sa sarili niya. "This is Christian." sabay turo ni Claire kay Christian.

"And I'm Kurt Justin Monteverde... Your worst nightmare..." pagpapakilala ko habang nakangisi. Nagulat naman sila sa sinabi ko. Lalo na si Angelica, nakatingin lang siya sakin na may halong pagtataka.

Maya-maya pa'y bumalik na kami sa room. Ang awkward ng nangyari kanina. Dapat lang na matakot si Kenneth sakin. MU pa lang naman sila ni Angelica so it means, may chance pa ako. Tsaka puppy love lang yun noh! Mukhang aso kasi si Kenneth. Haha.

Nagstart na yung klase, awkward pa rin kami hanggang ngayon ni Angelica.

"Tahimik natin ha." sabi ko para basagin ang katahimikan na nakapalibot sa aming dalawa.

"Anong 'your worst nightmare' yung sinasabi mo kanina?" tanong niya sa akin. Napangiti naman ako. Haha. Binubulabog pala siya ng linyang yun.

"Wala yun. Haha. Wag mong isipan. Tsaka, kaibigan kita...kaibigan ka namin kaya sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka niya masasaktan at mapapaiyak. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka iiyak nang dahil sa kanya." sabi ko. Napangiti naman siya. Ang ganda niya talaga...

"Thank you pre." nakangiti niyang sabi sa akin. Ang sakit ng salitang 'pre' ha. Bakit sa dinami-daming tawag yun pa. Pwede namang Kurt na lang. Pakiramdam ko tuloy, na-friendzone ako ng babaeng gusto ko.

"You're Welcome, Angel.." sabi ko. "Angel ng buhay ko..." dugtong ko pa pero pabulong. Napatingin siya sa akin bigla habang nakakunot yung noo niya.

"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin. Habang nakakunot pa rin yung kunot niya dahil sa pagtataka.

"Wala ah. Ano bang naririnig mo na di ko naririnig ha? Hahaha. Ikaw ha may mga bagay kang naririnig na di ko naririnig." pagbibiro ko. Siniko na lang niya ako. Haha. Buti na lang di niya talaga narinig kundi... lagot!

Natapos na ang klase namin uwian na, sumabay si Angelica dun sa Kenneth na yun. Paglabas namin, nakaabang na si Kenneth sa labas ng room namin. Si Claire naman, pupuntahan niya daw yung nagyaya sa kanya na maging Grade 8 Representative ng Supreme Student Government ng school namin. Kaya kami lang ni Christian ang magkasama ngayon.

"Pre, paano na yan? Ano nang plano mo since bumalik na yung Kenneth sa buhay ni Angelica?" tanong ni Christian sa akin.

"Basta pre." sabi ko.

I will make sure that I will be Kenneth's worst nightmare...

TROPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon