Kurt's POV
September 4 na ngayon. Birthday na ni Angelica. Nandito kami ni Christian ngayon sa quadrangle para ayusin ang mga dapat ayusin tulad ng designs and other things. Si Claire naman, sinundo si Angelica dun sa bahay nila. Kinakabahan ako kasi baka hindi magustuhan ni Angelica yung surprise na inihanda ko para sa kanya.
"Pre! 11:00 am na! Padating na yun panigurado." sigaw ni Christian sa akin. Lumakad na ako papunta sa backstage. Unti lang yung nandito ngayon, ako, si Christian, mga SSG Officers ng school namin. Yung stuffed toy na panda, nakalagay dun sa isang upuan dun sa table. Yung table, nakabalot ng isang red na tela. May dalawang plato na nakalagay dun, dalawang bread knife, dalawang fork, dalawang spoon at may dalawang wine glass. Ay yung table naman ay nasa loob ng nakakalat na pa-heart shape na rose petals. Yung kakantahin ko ay yung Pangarap Lang Kita.
11:15 am, dumating na sila Claire at Angelica. Bakas sa mukha ni Angelica ang pagtataka nang makitang walang tao sa quadrangle at may naka set-up na table dun at may nakakalat na rose petals. Hinila siya ni Claire papasok dun sa heart-shaped na rose petals kaso mukhang ayaw ni Angelica kasi pinipigilan pa niya si Claire sa paghila sa kanya. Pero maya-maya mukhang napilit na siya ni Claire kasi pumasok na siya dun sa rose petals. Sinimulan na ni Christian patugtugin yung minus 1 music ng Pangarap Lang Kita. Lumabas na ako sa backstage at naglakad papunta dun sa pinakagitna ng stage. Di ako napansin ni Angelica kasi nakatalikod siya sa akin.
"Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Pero sa'yo, imposible" nang kantahin ko na ang linyang iyan, napaharap siya sa akin bigla at gulat na gulat. Si Claire naman ay pasimpleng tumakbo sa backstage kung saan nandoon ai Christian."Prinsesa ka
Ako'y dukha
Sa tv lang naman kasi may mangyayari" nanatili pa ring nakatulala si Angelica habang nakatingin sa akin."At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta" lumakad ako papalapit sa kanya"Pangarap Lang Kita...
Happy Birthday Angelica" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Napangiti naman siya.
"A--ano 'to?" tanong niya na halatang nagtataka pa rin hanggang ngayon. Napangisi naman ako bigla.
"Ahmm.. Birthday Surprise?" sagot ko. Dumating sila Claire habang bitbit-bitbit ang cake. Nakasindi na din ang kandila nito.
"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you.. Happy Birthday, happy birthday... Happy Birthday to you.." pagkanta nila kasabay ng mga SSG Officers namin sa school.
"Make a wish and blow your candle na beh!!" masayang sabi ni Claire kay Angelica. Pumikit naman si Angelica at maya-maya pa'y hinipan niya na ang kandila.
"Yieee!! Happy Birthday!!" sabay-sabay na bati nila Claire kasama ang SSG Officers. Ngumiti naman si Angelica at nagpasalamat. Kinuha ko naman yung panda at yung bouquet ng roses para ibigay sa kanya. Pagharap niya sa akin ay inabot ko ito sa kanya.
"Happy Birthday." sabi ko habang nakangiti. Tinanggap naman niya ito nang nakangiti. Ang cute niya...
"Thank you Kurt." sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako. Kumain na kami, ganun din sila Claire pero sa iba silang table. Beef Steak yung pinahanda ko sa cook at yung lasagna. Ilan kasi yun sa mga favorites niya. Mamaya na daw niya kakainin yung cake, save the best for the last daw kasi sabi niya. Pinakafavorite niya kasi yung cake lako na pag chocolate flavor yung cake.
"Thank you sa pa-surprise birthday party ha.. I really appreciate it." sabi niya habang nakangiti nang pagkalapad-lapad.
"Wala yun. Maliit na bagay. Tsaka para sayo naman eh." sabi ko nang nakangiti din. Naubos na niya yung beef steak.
Habang kumakain ako napansin kong di pa siya kumakain ulit pagkatapos niyang maubos yung beef steak kanina. Kaya napagpasyahan kong tignan siya at tanungin siya.
"Bakit di ka pa kumakain ulit?" tanong ko sa kanya. Di naman siya sumagot o tumingin man lang. Nakatingin lang siya sa lasagna at nakapuot. "Bakit?" tanong ko ulit sa kanya.
"Feel ko malapit na ako mabusog pero gusto ko yang ubusin eh tsaka may chocolate cake pang naghihintay sa akin eh.." sabi niya nang malungkot. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Kumain ka lang hanggang sa gusto mo. Busugin mo yang sarili mo, wag mong pigilan. Birthday mo ngayon kaya sulitin mo na lahat ng ito." sabi ko sa kanya at nilagay sa plato niya yung lasagna. Ngumiti naman siya at sinimulan na niyang kumain ulit.
Maya-maya, naubos niya na yung lasagna kaya kumuha na siya ng chocolate cake. Hinati niya yung cake sa apat at kinuha niya yung isang slice, bale 1/4 ng cake ang kinuha/kakainin niya. Yeah, matakaw siya.. Pero promise, peksman.. Hindi halata sa kanya na sobrang takaw niyang babae noh.
"Angelica..." tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong nilingon.
"Hmmm?" tanong niya sa akin habang ngumunguya ng cake.
"I love you..."
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...