Claire's POV
Hinila ko papunta sa entrance ng lumang building si Christian. Ayaw na ayaw namin ni Angelica na nakikipag-away sila sa iba pero alam kong mas inis si Angelica ngayon sa dalawang nilalang na ito. Siya kasi yung mas may ayaw na makipag-away sila.
"Hoy! Ano bang nangyari sa inyo ni Kurt ha? Bakit may pasa kayo?" inis na tanong ko kay Ian. Napatingin lang siya sa kawalan at huminga nang malalim. "Hoy Ian! Ano hindi ka sasagot?" tanong ko pa ulit sa kaniya na may medyo mahinahon na boses.
"Uhmm.. Ano kasi.. Si Kenneth.. ano.. Ahmm" nag-aalangan niyang wika. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano meroon kay Kenneth aber?" tanong ko.
"Nakasabay namin siya sa cr kanina tapos ayun, ininis niya si Kurt. Nagsasabi ng kung ano ano." pagpapaliwanag ni Ian sa akin. Pero ininis lang ni Kenneth si Kurt? Ehh ba't sila may pasa at sugat sa mukha? I know Kurt, hindi siya makikipagsuntukan sa isang tao dahil lang sa nainis siya.
"Ehh, bakit may pasa at sugat kayo sa mga mukha niyo ha?" mausisa kong tanong kay Ian.
"Ano kasi.. Binastos ni Kenneth si Angelica." sabi ni Ian na nag-aalinlangan pa rin.
"What?! Sila na diba? So bakit binastos ni Kenneth si Angelica?" gulat na tanong ko. Hindi nagsalita si Ian. Nagkibit-balikat lang siya bilang sign ng 'ewan ko'
Yari sa akin yung hinayupak na yun. Anong akala niya, papayag lang ako na bastos-bastosin niya yung kaibigan ko ha. Tsk. Nagkakamali siyanh hayuf siya! Hindi ko papalampasin yung kawalang hiyaang ginawa niya. Humanda siya.
Angelica's POV
"Ano ba kita?" ewan ko ba, basta bigla na lang yang lumabas sa bibig ko dahil siguro sa pagka-inis ko dahil sa nakipag-away sila. Nanahimik lang siya dahil siguro sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Jusko! Nasaktan ko ata siya. Watdahell! Jusmeee!
"Ahmm.. Sorry Kurt." sabi ko. Ngumiti lang siya at tinap yung ulo ko.
"Okay lang Angelica." sabi niya sa akin habang nakangiti pa rin. Bakit ba masyadong mabait tong lalaking 'to? Hayys.
"Sure ka? Nasaktan kita eh." tanong ko sa kaniya para siguraduhin kung okay lang ba talaga o hindi.
"Oo nga Ysabelle. Ang kulit mo ha. Hahaha" sabi niya ulit pero this time may patawa effect pa. Ang cute niya kapag nakangiti siya.
"Okiee, akin na ulit iyang sugat mo para magamot ko na. Dami kasing alam eh." sabi ko at kinuha ang kamay niya. Habang ginagamot ko yung sugat niya, nakatitig lang siya sa akin the whole time.
"Kapag ako natunaw dito ha, ikaw may kasalanan." pagbibiro ko.
"May future ka sa pagiging nurse o doctor hahahaha" sabi niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ako? Nurse or Doctor? Hahahahaha di mo naman ako sinabihan na joker ka pala Kurt hahahaha" natatawang sabi ko.
"Mas cute ka kapag nakangiti." sabi niya na parang wala sa sarili. Napangisi naman ako bigla dahil dun sa sinabi niya.
"Tagal na boi! Ngayon mo lang narealize? Hahaha" pagbibiro ko sa kaniya. Napangiti ulit siya dahil sa sinabi ko.
"Cute ka pa rin namam kahit masungit, galit or nagtatampo ka pero mas cute ka talaga kapag nakangiti ka. Kaya ngiti ka lang palagi para cute ka hahaha" sabi pa niya sabay tawa ng bahagya.
"Basta sa susunod huwag na kayong makipag-away ni Christian ha. Baka di ko na kayo pansinin kapag nakipag-away pa kayo ulit. Nakoo! Humanda talaga kayo sa akin." pagpapaalala ko kay Kurt.
"Opo madame" sabi niya sabay ngiti.
"Promise yan ha?" tanong ko sa kaniya.
"Opo promise." sagot niya at nagpakawala ulit ng isang matamis na ngiti.
"Okiee! Good!" sabi ko. Sakto namang tapos ko na lagyan ng band-aid yung sugat niya. "Ohh yan na. Tapos na." sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko kanina. Lalakad na sana kami palabas ng pinto nang bigla ko siyang pigilan.
"Ayy wait lang.. parang mas maganda kung papantayin natin yang sugat mo sa mukha." sabi ko. Nagtaka naman siya bigla dahil sa sinabi ko.
"Ano? Di ko gets." sabi niya na naging dahilan kung bakit ako napangisi bigla.
"Sabi ko lagyan pa natin yung kabilang side ng mukha mo para pantay na diba? What do you think?" pagbibiro ko nang hindi pinapahalata sa kaniya.
"Luh! Sabog ka ha? Sakit na nga ng isang sugat sa mukha ko, dadag-dagan mo pa ng isa." sabi niya. Napatawa naman ako bigla ng malakas dahil sa sinabi niya at maya-maya'y bigla na lang akong bumalik sa pagiging seryoso.
"Nakikipagsuntukan ka sa iba tapos biglang sasabihin mo sa akin ngayon na masakit yang sugat na yan ha! Lakas ng loob makipagsuntukan tas di mo naman pala kaya tsk. WEAKKK!" pang-aasar ko sa kaniya. "Weak! Bakla! Weak! Bakla! Weak! Bak--" pang-aasar ko pero bigla niya ako kinulong sa pagitan ng dalawang braso niya at ng pader. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko ngayon kaya ni isang salita, walang lumabas sa bibig ko.
"Sinong bakla ulit?" nakangising tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot as in nakatitig lang ako sa mga mata niya. "Ako ba yung baklang sinasabi mo?" tanong pa ulit niya. Hindi ko ulut siya sinagot. "Ehh kung halikan kita ngayon ha?" sabi pa ulit niya kaya naman bigla kong inapakan yung paa niya. At bigla akong tumakbo papunta sa tambayan namin nila Claire doon sa may parang park sa likod ng school namin.
"Arayyy!!!" sabi niya. Nilingon ko siya at tinawanan.
"Bleh!! Habulin mo ko. Hahahahahaha" sabi ko sa kaniya na may halong pang-aasar.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makaramdam ako ng hilo. Ewan ko ba, basta nahihilo ako.
Kurt's POV
Habol lang ako nang habol kay Angelica hanggang sa naabutan ko siya sa tapat ng SHS Building. Nakatayo siya dun at nakahawak sa dibdib niya. Nilapitan ko siya at nakita ko ang nanghihinang mukha ni Angelica.
"Angelica bakit?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako sinagot.
"Angelica, uyy Angelica." tinatapik-tapik ko nang kaunti yung pisngi niya pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.
••End of Flashback••
Angelica's POV
"Simula nung araw na yun, hindi ka na namin nakita. Pagkatapos ka naming ihatid sa hospital. Umuwi lang kami saglit tapos pagbalik namin, wala ka na. ang sabi lang sa amin nung nurse, nagpa-emergency flight daw yung family mo papuntang Paris para dun ka na lang daw. Di mo naman kasi sinabi sa amin na may sakit ka pala." kwento pa ulit ni Claire. "So ano na? Sasama ka ba?" tanong pa ulit niya.
"Oo na. Sasama na ako."
BINABASA MO ANG
TROPA
Teen FictionNahulog ka na ba sa tropa mo? Yung tipong lahat na lang ng gagawin niya sayo, yung titig, yung hawak sa kamay mo, yung pagyakap niya sayo ay may malisya na para sayo. Yung tipong umaasa ka na baka... baka gusto ka din niya. Na baka pwedeng maging ka...