"Di mo sinabi na reunion pala yun ng mga ex mo!" Padabog akong umakyat sa kama, kinalabit niya ang aking likuran at sinenyasan niya akong humiga sa kama
"Alam mo? Dapat hindi mo pinaglalaruan ang mga babae, di mo alam ang sakit ng nararamdaman namin kapag nalaman namin na niloloko lang kami"
Hinila niya ang buhok ko kaya napahiga ako sa kama
"May sineryoso naman ako sa kanilang lima. Si Avocado. Yung umiiyak!" Pinalo ko ang braso niya at tiningnan ko siya ng masama. Matatawag bang nagseryoso siya kay Avocado?
"Sa kanilang lima, kay Avocado ako seryoso" pag-uulit niya kaya kumunot ang noo ko "Paano mo nga nasabi?"
Tumagilid siya ng higa at hinarap niya ako, kaya ginaya ko rin siya "Gel, mahal ko si Avocado kaya lang minsan ay na bo-bored ako kanya" ayan nanamam siya sa boredom reasons niya. Hayy nakakalerki
"Kaya para maaliw ako, humanap ako ng ibang mga babaeng para pampalipas oras ko, may nakita akong apat na magagandang babae kaya sila ang pinili ko, isa-isa ko silang pina ibig at noong sinagot nila ako, ayun hindi na ako nabo-bored" casual niyang sagot sa akin.
Ang kapal talaga ng mukha nito! Well atleast, na karma na siya kaninang hapon "So, hindi mo talaga minahal ni Avocado noon? Niloko mo siya eh!" Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko
"Ang bobo mo naman" tinapik ko ang dalawang kamay niya "bitawan mo nga ang pisngi ko! At hoy, paano naman ako naging bobo?" Binitawan niya ang dalawa kong pisngi at bumuntonghininga siya "Syempre mahal ko siya, siya pa nga pinili ko. Kaya nga pumipili nalang ako ng ibang babae para mapaglaruan, kesa naman siya ang paglaruan ko, diba?" Tumango ako pero hindi ko pa din siya gets "Pero diba cheating ang tawag jan?"
Kinuha niya ang unan na nasa tabi niya at tinakpan niya ang kanyang mukha "Gel! Syempre hindi!" Saway niya sa akin. Kinuha ko ang unan na nakatakip sa kanyang mukha at tiningnan ko siya ng masama " edi explain mo sa akin lahat para hindi ako malito. Ang gulo kasi eh"
"Ayokong gawing laruan si Avocado na pampalipas oras lang, na papansinin ko lang pag gusto ko. Ayoko ng ganun, Gel. Gusto ko yung pag nagmahal ako, sa kanya lang talaga ang puso ko pero yun ang bagay na hindi niya naintindihan" ipinikit niya muna ang kanyang mga mata bago siya nagsalita ulit
"My love for her before was true pero hindi ata sangayon si tadhana, nalaman niya na nambabae ako and worst mag babarkada pala silang lima." Niyakap ko ang aking unan ng mahigpit
"Pero ayoko ko ng ganun, nakakalito kasi eh. Bakit may mga lalaking ganyan, kagaya mo?" Bumuntonghininga siya "Ayaw kasi namin paglaruan ang mahal namin kaya sa iba nalang namin ginawa"
Minsan may mga bagay na mga kapwa lalaki lang ang nagkakaintindihan.
------------
"Gel? Bilhin na kasi natin yung sex sofa sa mall." Tiningnan ko siya ng masama habang kinukulit niya ako sa kama.
Inis naman akong tumawa kasi kinikiliti niya tagiliran ko "ITIGIL MO YAN!"
Nawala ang ngiti sa kanyang mukha ng aksidente kong masipa ang kanyang mukha.
Nataranta naman ako kaya dali-dali akong lumapit sa kanya "ayos ka lang?" Tatakpan niya sana ang kanyang mukha kaso pinigilan ko siya "Masakit ba---" bigla akong napasinmangot dahil nakita ko siyang nagpipigil ng tawa, buset.
"Kailan ka pa ba titino, Mr. Grospe?!" Hinawakan niya ang kamay ko at binigyan niya ako ng sincere look
"Kapag binili na natin ang sex sofa at kapag may nangyari na sa atin" Sa inis ko sa kanyang sinabi, agad kong inagaw ang kamay ko sa kanya at binigyan ko siya ng malakas na sampal
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Short Story- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...