Pag mulat ko sa aking mga mata, agad kong napagtanto na nasa hospital ako.
Pag lingon ko sa aking kaliwa, medyo napangiti ako kasi nakita ko si mama.
Dumating na pala sila.
"Anak, gising ka na! Kamusta ka?" Agad akong niyakap ni mama ng mahigpit.
"Angela naman, sa ganyang sitwasyon ba talaga ka namin madadatnan ha?!" Sermon ni papa sa akin. Tsk agad-agad?
"Hon, wag mo muna pagalitan ang anak mo. Please" paki-usap ni mama sa kanya.
Pero teka, paano ako napunta dito? Napahawak ako bigla sa ulo ko nang naalala ko ang nangyaring aksidente. Sila Jwil at Jeff, kamusta kaya sila? Agad akong bumangon sa kama at akmang baba na sana ako nang biglang sumakit ang braso ko.
"Mabuti't minor injury lang ang napala mo! Yung dalawang lalaking kasama mo naman ay hanggang ngayon hindi pa nagigising! Sino ba kasi ang nagmamaneho at bakit ang tanga-tanga niya?!" Sermon ulit ni papa sa akin.
"Pa, aksidente ang nangyari kagabi at---" hindi ko na natuloy pa ang iba kong sasabihin kasi nagsalita nanaman si papa.
"Anong kagabi?! Di ka ba aware na apat na araw ka ng natutulog?!" Sabi ni papa habang nakahawak sa puso niya. May sakit pa naman siyang highblood. Nakaka-guilty tuloy.
"Ano?!" Gulat kong tanong sa kanila. Apat na araw na akong natutulog?!
"Sabi ng doctor, masyadong napagod ang katawan mo" si mama na ang nagsalita.
"Ma, nasaan sina Jwil at Jeff? I want to see them" pagmamakaawa ko mama.
"Hija---" mama.
Naputol siya sa pagsasalita dahil bigla akong tumayo habang hawak-hawak ng kanang kamay ko ang dextrose. Nasa kaliwa kasi yung injury ko.
Saktong paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Jeff. Nakasakay sa isang wheel chair kaya agad-agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
"Jeff!" Hinawakan ko ang kamay niya.
"Wag kang umiyak" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Sorry" bulong ko sa kanya.
"Shh, wala kang kasalanan" sabi niya habang gingulo niya ang buhok ko.
"That's the girl!" Sigaw ng isang pamiliar na boses. At pag lingon ko...
Czandiva.
Nagulat ako nang biglang hawakan ng isang matandang lalaki ang braso ko. At hinila niya ako para makatayo ako.
"A-aray" mahigpit kasi ang pagkahawak ng matanda at doon pa sa may injury ko.
"So, you are Angela?" Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
*slap*
Sinampal ako ng malakas ng matanda kaya napahiga ako sa sahig.
"DAD!" sigaw sa kanya ni Jeff.
Agad naman akong tinulungan ng isang nurse para tumayo.
"It's not her fault!" Suway sa kanya ni Jeff.
"Shut up, son! Because of that girl, naaksidente kayo ni Jwil! And siya dapat ang sisihin!" Sigaw ng dad ni Jeff.
"And why is that?! Dad, nawalan kami ng preno--" naputol siya sa pagsasalita.
"Wag mo ngang pagtakpan ang kasalanan ng babaeng yan!" Sigaw ulit ng tatay ni Jeff.
"Yeah right, ang tanga kasi. You know what tito, I saw with my two eyes na siya ang nagmaneho. We followed them that night kaya, and were shocked when we saw her na ibinangga niya ang kotse nila papunta sa poste, kaya agad siyang hinila nina Jwil at Jeff papalayo that bitch" umarte siya na parang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Short Story- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...