Chapter 16

1.2K 30 0
                                    

"Listen Class!" Hayst sumsigaw nanaman si Professor Burn. Nakakatamad. "Maaga akong aalis ngayon---" hindi paman nakatapos si prof agad-agad nang nagsisisgawan ng "YESSS!" ang mga kaklase namin.

"Class dissmiss"

"Gel" nilingon ko si Jwil. "Hmmm? Bakit?" Kinamot niya muna ang kanyang batok bago siya nagsakita "wala si Jeff. Absent" kumunot naman ang noo ko "oh bakit dw?" Tanong ko sa kanya pero napakamot nanaman siya sa batok niya. Tsk kinagat ba ng lamok ang batok niya?

"Tara?" He excitedly asked.

"Anong tara?"

---------------

"Teka Jwil, diba may klase pa tayo mamayang hapon?" Inis kong tanong sa kanya pero hindi niya ako pinapansin, panay lang ang hila niya sa akin papuntang parking lot ng school namin. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap niya ako.

"Ayaw mo nun? Maso-solo kita?" Ngumuso siya at pinag krus niya ang kanyang mga kamay sabay sandal sa kotse niya.

"Hindi ba yun unfair para kay Je--"

"I miss you" walang alinlangan niyang sabi sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Binibiro mo ba ako? Araw-araw tayong nagkikita at nagsasama!" Bumuntonghininga muna siya bago sumagot.

"Mag-kaiba naman yung--" tsk pa bitin! "Yung ano?" Inis kong tanong sa kanya "Yung tayong dalawa lang" corni naman! Inerapan ko siya ngunit medyo natawa naman ako hehe gulo.

"So, tara?" He offered his hand, I was about to grab it na talaga ngunit... "Mind if I come with the two of you?" Sabay kaming napalingon sa harap at nakita namin si Jeff na nakangising tumitingin sa amin.

"NO" mabilis na sagot ni Jwil sa kanya. "Akala ko ba, absent ka ngayon?" Dagdag pa ni Jwil.

"At ansaya mo naman?" Nakangiai pa ding tanong ni Jeff.

"Syempre kasi walang epal" pang-aasar pa ni Jwil sa kanya. Magsasalita pa sana ang isa sa kanila kaso pumagitna na ako.

"STOP IT GUYS! HETO NANAMAN TAYO EH!" Bumalik naman sila sa normal kaya kinuha ko ang kamay ni Jeff at hinila siya papalapit sa amin. "Wala namang problema kung isasama natin si Jeff diba?" Nakangiti kong tanong kay Jwil.

Tsk sana umobra ang kagandahan ko!

"Tsk tara. No choice eh" nag-apir naman kami ni Jeff at dali-dali kaming sumakay sa kotse ni Jwil.

"Wag niyo ako gawing driver! Tss ang unfair!" Inis na sigaw ni Jwil sa amin. "BAKIT NANAMAN?!" Inis ko ding sigaw sa kanya.

"Baka kasi maghaharutan kayo jan dalawa sa likod!" Tsk immature at bakit naman namin gagawin yun?!

"Tsk selfish" bulong ni Jeff sa sarili niya pero sure ako na narinig yun ni Jwil.

"Tumahimik ka EPAL" Jwil.

Here we go again! Bago paman sila ulit magkasagutan, nagsalita na ako.

"Aishhh! Hindi ba kayo nagsawa ha?!"

"Sorry!" Sabay nilang sigaw.

Sincere ang kay Jeff.

Ewan ko nalang kay Jwil.

-----------

Palawan ♥

"Angela, gising na" Jeff.

"Tsk mamaya na, kumakain pa ako eh!" Reklamo ko kay Jeff. Ansarap sarap ng abs eh.

"Ano ba kinakain mo?" Natatawang tanong ni Jeff. Tsk baliw.

Sweet Lie ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon