Angela's Pov
"Whoooo sa wakas! Graduate na tayo sa college!" Sigaw ni Jeff habang sinusuntok niya ang ere.
"So, saan tayo gagala Angela?" Tanong niya sa akin sabay akbay.
"Oo nga Ange?" Nakangusong dagdag ni Kyle sabay akbay din sakin sa kabila.
"Hoy fc! Hoy Jeff bitawan ko nga si Angela!" Inis na suway sa kanila ni Jwil.
"Hoy Assuming Jwil! Wag ka nga kasi umasta na parang GIRLFRIEND mo siya dahil HINDI NAMAN" mariing pang-aasar ni Kyle sa kanya.
"Yes he's right. Put this on ur small mind. SHE'S JUST YOUR GIRL FRIEND. May SPACE kaya, magkaiba yun" mayabang na dagdag ni Jhon Margo.
Mabilis na lumakad papalapit sa aming apat si Jwil at agad niya akong hinila kaya malakas akong nabangga sa matigas niyang katawan.
Bumuntong-hininga ako, at agad kong naamoy ang mabango niyang lacoste perfume.
"Akin siya ngayon" matigas at mariin niyang sabi.
"Hindi pwede" inis na sabi ni Kyle sa kanya.
"That is so unfair" mahina ngunit mariing sabi naman ni Jhon Margo sa kanya.
"Jwil---" magsasalita na sana ako kaso nagulat ako nang bigla akomg hinila ng tatlo papalayo kay Jwil.
"Ano ka ba Jwil, be fair naman. TARA" pang-aaya ni Jeff saming lahat.
Kanya-kanya kaming nagsakayan sa mga sarili naming kotse at tinext nalang ni Jeff sa'min kung saan kami magkikita-kita.
Oh here! Pagkababa namin ng kotse, agad bumungad samin ang isang maluwag na lugar. At ang tanging bagay na makikita namin ay isang Jet Plane. Para makapunta sa Airplane Restaurant.
Why Airplane restaurant? Kailangan pa kasi naming sumakay ng jet plane para makapunta don sa mamahalin na restaurant na nakatayo sa taas ng mga ulap. Yes! U read it right, nakatayo ang restau sa ere.
"Please fasten your seat belts" nakangiting sabi sa'min ng babae.
After 7 minutes naka land na kami sa lugar at WOW pagdating namim don agad mong mapapansin ang kakaibang tables na uupuan ng mga guest dahil ang mga upuan ay nakapormang ereplano. Ang ceiling naman nila ay gawa sa crystal glass.
Lumakad ako papalapit sa pinto at kitang-kita galing dito sa itass ang buong CITY.
"Paano nila tuh ginawa?" Nagtatakang tanong ni Jeff na halata sa mukha niya namangha siya ng todong-todo!
"A Flying Airplane Restaurant! WOW!"
"Good Noon po sa inyo. Please follow me, dahil ihahatid ko kayo sa table niyo" nakangiting sabi ng waiter.
Pagkadating namin sa table, nakahanda na ang foods namin.
Pero hindi pa kami naka order ha?
"Naka reserved na kasi tayo"sagot ni Jeff sa nagtatakang mga mukha namin.
"Let's eat" pormal na sabi ni Jwil.
"Kainan na!" Akmang kukuha na sana ng pagkain si Kyle pero bigla siyang natigilan nang makita niya kaming tatlo na kanya-kanyang nagdasal.
Kaya nag-sign of the cross siya at ginaya niya kami.
"Amen" mahinang sabi ni Jhon Margo.
"Pwede na tayong kumain Kyle hehehe" bulong ni Jeff sa kanya.
Hindi naman naging boring ang usapan namin kasi panay lang ang pagbibiruan nina Jeff at Kyle
Samantalang sina Jwil at Jhon Margo naman ay nakikitawa lang at ganon na rin ako.
"Gel, laro tayo"
Biglang suhestiyon ni Jwil. Nagtinginan naman kaming lahat bago tumango.
"Isang tanong, Isang sagot. Magtatanong kami isa-isa sayo at syempre sasagutin mo ng isang sagot lamang" paliwanag niya sabay tanggal sa shades niya.
"GUSTO KO YAN! SIGE AKO MAUNA!" Biglang sigaw ni Kyle.
"Tsk! Epal ka talaga kahit kelan! Ge!" Reklamo ni Jeff.
"Sinong mas gwapo sa'ming apat?" Natatawang tanong niya.
"Yung may mukha" maikling sagit ko.
"Ha?! Eh sabihin mo na kasi!" Pangungulit niya na parang bata.
"Isang tanong, Isang sagot lamang Kyle" mayabang na sabi ko.
"HAHAHAHA OH! AKO NAMAN! Kailan mo kami sasagutin?" Tanong ni Jeff habang kumikinang ang mga mata niya.
"Di pwede yun"
Di talaga pwede yun! Eh kasi sa tanong niya 'kelan mo KAMI sasagutin' may KAMI eh. Isa lang dapat sasagutin ko. Ano ako? Orasan dahil 4 timer? Ulol.
"Ha? So, hindi na kami pwedeng manligaw?" Takang tanong ni Jhon Margo.
"Pwede naman" sagot ko agad sa kaniya.
"Gel, mahal mo na ba ako?"
Bigla akong natigilan sa tanong ni Jwil. Napahawak ako sa puso ko at sa di inaasahang pagkakataon malakas ang tibok nito.
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Short Story- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...