Chapter 17

1K 22 0
                                    

"Tsk mga ingetera!" Inis na sigaw si Jwil.

"Oo nga, hayaan mo na" sabi ko sa kanya habang pinapakalma ko siya.

"Gel, gabi na. Magbihis ka na" utos sa akin ni Jeff habang nakatingin sa katawan ko.

"Tsk no way! Bagay na yan sa kanya" suway naman ni Jwil.

"Magbihis ka na Gel!" Sabi ni Jeff habang tinutulak ako papasok sa beach house.

"Tsk! I am the only one who can call her Gel dude"

"Edi--MAGBIHIS KANA ANGELA" Sabi niya habang nakatingin ng masama kay Jwil.

"O-okay fine! Heto na!" Pumasok na ako sa loob at nagbihis ako ng black tube at shorts.

At paglabas ko..

"Tsk! Wala ka bang ibang damit? Ang sexy mo masyado" inis na tugon sa akin ni Jeff.

Nakita ko naman na hinampas siya ni Jwil sa balikat.

"Tsk! Hayaan mo nga siya! Bagay sa kanya eh!" Sigaw ni Jwil.

"Hoy Jwil, baka mabastos pa yan ng ibang lalaki! Tandaan mo, pupunta tayo sa Wonder Land!" Sigaw ni Jeff kay Jwil habang nakaturo sa akin.

"Ano ka ba! Bagay nga--" hindi ko na narinig pa ang kasunod na sinabi ni Jwil dahil pumasok na ako sa loob at nagbihis ulit.

At paglabas ko...

"Bakit yan ang suot mo?!" Sabay-sabay nilang tanong sa akin tsk.

Naka black jacket ako at naka jeans.

"Ang gulo niyo! Tara na nga!" Sigaw ko sa kanila.

Agad-agad naman nila akong sinundan. Magkasabay kaming naglalakad ngayon. Hindi na kami magkahawak kamay tatlo.

Ang sama kasi ng iniisip ng ibang tao. Friendly gesture lang naman yun PARA SA AMIN.

Nang makarating kami sa Wonder Land. Namangha ako sa nakikita ko. Sobrang ganda ng lugar! Waaaaaaah!

"Uy Ferris Wheel! Sakay tayo!"

Patakbo ko silang hinila papunta sa may ferris wheel pero nagtataka ako kung bakit nandito pa din kami sa pwesto namin. Nilingon ko silang dalawa at pareho silang tulala habang nakaangat ang kanilang mga ulo.

Haha nakatingin pala sila sa tuktok ng ferris wheel.

"Ang ganda nuh? Sakay na tayo!"

Hinila ko ulit ang mga kamay nila pero parang ayaw pa din nilang humakbang. Grr.

"Uy ano ba! Tara na please!"

Binitawan ko ang mga kamay nila at pumunta ako sa gitna nila at inakbayan ko sila.

"Wag niyong sabihing----natatakot kayo?" Bulong ko sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko.

"Ferris Wheel lang? Naduduwag kayo?" Natatawa kong bulong sa kanila.

Ang laki laki ng ngiti ko ngayon kasi pinagpapawisan sila. Haha galing!

"Are you both scared?!" Sabi ko sa kanila habang tinuturo ko ang tuktok ng ferris wheel.

Sabay naman silang umiling pero pfft! Yung mga mukha talaga nila eh. Ang EPIC! HAHAHA.

"Eh hindi naman pala kayo natatakot eh! Tara na!"

Sigaw ko habang tinutulak ang mga likod nila. Ugh natulak ko nga sila pero sabay-sabay naman silang bumalik sa pwesto nila.

"Ano ba kayo, hindi naman tayo mamatay pag sumakay tayo jan eh!" Sabi ko habang tinutusok ang mga tagiliran nila. Bwahahaha mga duwag pala sila eh.

"Haysst sige na nga. Hindi na tayo sasakay sa ferris wheel" sabi ko habang naka cross arms.

"TALAGA?!" J and J.

"Oo naman. Kaya tara na"

Hinawakan ko ang mga kamay nila at hinila ko sila papunta sa roller coaster.

"G-gel w-wag m-mong sabihing--" Jwil

"Yes. Sasakay tayo jan!" Sabi ko habang tinuturo ko ang mini train na uupuan namin. Di ko alam anong tawag hehe peace.

"Teka, iihi lang ako" Jeff.

Lalakad na sana siya palayo sa amin pero agad kong siyang hinila pabalik sa amin.

"Di ka naman papayag na, masosolo ako si Jwil diba?" Mapanukso kong bulong sa kanya.

"Ano ba! Three seats ang bawat line oh! Perfect for the three of us! Sasakay ba tayo o hindi?!" ako.

Sabay-sabay silang umiling

----------

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Jwil.

Hahaha aliw na aliw akong kinukunan ng litrato si Jwil kasi ang corni ng mukha niya! Mukhang nanganganak!

"Angela huhu" Jeff.

Samantalang si Jeff ay kanina pa tahimik habang nanginginig siyang hinahawakan ang kamay ko.

Hahahaha epic!

Papunta na kami sa part yung iikot kaming lahat.

"WAAAAAAAAAAAAAAAH! TULONG PO!"

Hahahahaha! Nakakawala ng stress ang mukha ni Jwil! Mukhang cactus na nanganganak talaga eh!

"Hayy" Jeff.

Waaaaaaaaaah! Ba't siya nakapikit? Di kaya...

"Waaaa Jwil! Nahimatay si Jeff!" Ako.

"WAAAAAAAAAAAAHHH! BUTI NGA SIYA NAHIMATAY LANG! EH AKO NGA, KANINA PA NANAWALA ANG KALULUWA KO!"

Huhu bakla talaga eh.

Tinapik-tapik ko ang mukha ni Jeff pero hindi talaga siya nagigising.

"WAAAAAAAAAAAAAAAH! NAHIHILO NA AKO! TAMA NA!"

Hahahahahaha LT talaga mukha ni Jwil eh!

"Hoy Jeff! Gising!" Ako.

"Gel yung kaluluwa ko nanawawala!" Jwil. Isa pa tuh eh!

Sweet Lie ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon