Chapter 7

2.5K 53 0
                                    

"Aray!" Sigaw niya habang ginagamot niya ang natamo niyang sugat na nanggaling sa akin

"Forget about the rules and punishment" diretsyo niyang sabi sa akin kaya natigilan ako

"And why? Takot ka na ba sa akin?" Tiningnan niya ako ng sobrang masama

"Hindi naman sa ganon, natauhan lang ako sa kagagohan ko" tumayo ako sabay cross arms "Mabuti!" Binigyan ko siya ng mapang asar na mukha.

"1 year na kitang kilala. Crush kita at stalker mo ako" walang preno niyang sabi sa akin. Halos malalag na ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"Pero hindi kita napansin." Mahina kong sagot sa kanya. Medyo naiilang kasi ako after he confessed about his feeling "

"Hindi kasi ako papansin" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Di daw papansin pero kung maka asta sa harap ko sobra pa papansin. Tsk. "Baka noon yun!" Sabi ko sa kanya, humalakhak naman ako kaya nagalit siya "sorry na" umubo muna siya senyales na magseseryoso na siya

"Sorry ha. Kung naging maniac ako. Pinagtritripan lang kita. Inaamin ko na loko-loko talaga ako. At hard to get ka kasi, hindi ka katulad ng ubang babae na kapag inaakit bibigay agad" umiinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakakaloko. Uminiinit dahil naalala ko ang kagagohan niya.

"Sorry. Dahil di ko napansin na lumagpas na ako sa aking limitasyon. Inaamin ko masyado ako nag-enjoy, at habang tumatagal mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa'yo. Gusto kitang ligawan pero di ko alam kung paano. Gusto kong baguhin ang sarili ko pero baka manibago ka naman. Kayo kasing mga babae pag nagbago ang ugali ng isang lalaki, mag-iisip kayo agad ng masama. You girls overthink. Kaya nga hindi ko agad-agad tinigil ang pantri-trip ko sa'yo"

Nagulat ako sa sinabi niya. Itinikom ko nalang ang aking bibig ng napansin kong magsasalita na naman siya.

"Sorry Gel, kasi nang dahil sa akin pinanliitan ko ng tingin ang sarili mo. Wag kang mag-alala di ka mukhang bayaran. Naging bastos ako, oo pero pinagsisihan ko na. Please patawarin mo ako, long time crush ko."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil natatawa ako sa huling sinabi niya

"You're forgiven Jwil Gros---"

Naputol ako sa pagsasalita dahil biglang bumukas ang pinto. Hmm, sino naman kaya ito?

May iba pa palabg nakakaalam sa passcode niya?

"Wil!"

Bati ng isang sexy, maganda, maputi, at matangkad na babae. Mukhang model.

"Joana?"

Nanlaki ang mga mata ni Jwil ng nakita niya ang babae

"Ooppss! Wrong timing pala ako. May kasama ka pala"

Halata sa boses niya na nadismaya siya sa nadatnan niya dito sa condo ni Jwil. Sino kaya siya?

"Wil, what happened to you? Bakit ang dami mong pasa? Who did this?"

Sabi niya habang hinahawakan ang mga natamong pasa at sugat ni Jwil.

"Joana, it's nothing"

Hinawakan niya ang dalawang balikat ni Joana to assure her that he's fine. Tsk andrama

"Who did this ba kasi?"

Nag-aalalang tanong ng dalaga. Tumayo ako at napagdesisyonan ko na pumunta na muna sa kwarto namin to give them privacy "And who is she?"

Lumingon ako sa direksyon nila at ganun din silang dalawa, tinitingnan din nila ako "My friend"

My friend
My friend
My friend

Oo nga pala, tapos na pala ang punishment. Masaya ako dahil nagising na siya sa katotohanan.

"Oh, friend with benifits kumbaga? Hehe" Sa halip na sagutin siya ni Jwil sa kanyang tanong, iniba niya bigla ang usapan

"Her name is Angela. Ayos na ba?--oh kumain ka na ba?" Umiling si Joana kaya pumunta ako sa ref at ikinuha ko siya ng cake.

"Ako ang nag bake diyan. Sana magustuhan mo, Joana. Sige pasok muna ako sa kwarto"

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto namin ni Jwil, narinig ko pa na tinatawag ako ni Jwil pero di ko siya pinansin.

-----------

"Aalis ka?" Tiningnan ko lang siya at ituloy ko ang pag-iimpake. "Saan ka naman matutulog ngayong gabi?"

Waaaah shocking! Saan nga ba ako magpapalipas ng gabi ngayon?

"Go to your condo. Binabalik ko na yung condo mo" nakangiti niyang sabi.

Di ko naiintindihan ang sarili ko pero bigla ko siyang niyakap ng mahigpit

"Salamat" bumitaw na ako sa katawan niya at dali-dali kong hinila ang maleta ko palabas sa kwarto namin este niya. Sa kanya naman talaga itong kwarto na tuh eh.

Naging pretend wife niya nga lang ako. "Ayos ka na ba?"

Tanong ko sa kanya. Medyo natawa naman ako sa mukha niya. Nasira ko ata ang gwapo niyang mukha. Oopssss Erase! Di naman siya gwapo tsk.

Charming nga lang.
Maganda pa ang katawan.
Ang mga pilik mata niyang mahaba.
Ang kulay brown niyang mata

*blag* aray! Huhu. Nadapa ako sa sahig. Ang clumsy ko talaga. Nakakahiya naman, huh bakit ko pa siya pinupuri sa aking isipan.

Umayos ka Angela, naka drugs ka lang. Yan! Yan na ang iisipin ko simula ngayon kapag nababaliw ang puso at isipan ko.

Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan niya ako papunta sa condo ko. "Ayos na ako" shemay bakit ba hindi ako makatingin sa kanya ng diretsyo?

Dahil ba naging mabait siya bigla? Luh! Parang hindi naman--pero ihhh nakakapanibago kasi. Yan tama! Naninibagohan lang ako. WALA NG IBA.

"Good night Gel at--" this time lumingon ako sa kanya at siya naman ang umiwas ng tingin. Teka naiilang ba siya?

Psh #Awkward. "At?" Jwil naman, magsalita ka naman! Para kang baliw eh. "At sorry ulit, good night" Papasok na sana ako sa condo nang nagsalita nanaman siya "Gel---"

(Author: Ano kaya ang sasabihin ni Jwil? Hmmmm? Kabahan na kayo bwahahaha)

Sweet Lie ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon