Pagmulat ko sa aking mga mata. BLACK. Yan ang nakikita ko.
"Gising kana pala"
Napalingon ako sa lalaking nagsasalita at nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko siya na tanging boxer shorts lang ang suot niya.
"I'm Jeff Lee" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang hot niya talaga! Waaaaa di ko namalayan na kanina lang pala ako nakatitig sa katawan niya kaya agad ko namang iniwas ang aking tingin.
"Paano ako napunta dito? Mabait ka ba? Hindi ka ba ha? Kilala mo ba ako? Baka maniac ka rin!"
Walang preno kong tanong sa kanya. Pinilit kong tumayo kahit na ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking ulo.
Agad naman akong inalalayan ni Jeff paupo sa kama niya. "Take a rest first, di ka oa masyadong magaling"
Pinilit ko nalang ngumiti para di na siya mag-worry sa akin. Inikot ko ang aking paningin at infairness ang bonga ng kwarto niya "Jeff, nasaan ako?" Tanong ko ulit sa kanya. Tiningnan niya muna ako at nag-smile siya sa akin
"Nasa condo ko. Don't worry, nasa 3rd floor lang tayo. Ihahatid kita mamaya sa condo mo. Sa 1st floor lang naman yun diba?"
Tumango nalang ako sa kanya. Pagod pa din kasi ako. Hihiga na sana ako ulit sa kama niya dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako anytime dahil sa hilo kaya lang "Waaaaah diba monday ngayon?! May pasok pa ako!"
-----------
4pm
"Salamat Jeff ha? Sa paghatid sa akin kanina sa school at ngayon naman sa paghatid sa akin pabalik ng condo ko" ginulo niya ang buhok ko at binigyan niya ako ng magandang ngiti.
"No problem, basta ikaw. Sige una ako ha?" Nagpa-alam na ako sa kanya at dali-dali akong bumalik sa condo ko.
Pero bago paman ako makapasok sa condo ko, huminto muna ako sa tapat ng condo ni Jwil.
Kamusta na kaya siya? Absent din siya kanina kaya hindi kami nagkita. Hmm? Di kaya naduduwag na siya sa akin?
Possible yun. *tango-tango*
Pumasok na ako sa condo ko. Uupo na sana ako sa sofa ng may nag-door bell.
Lumakad ako papunta ng pintuan at binuksan ko ito ngunit wala akong nakikitang tao.
Nagpa-lingon lingon ako ngunit wala talaga akong makitang tao. Bigla namang nanalaki ang mga mata ko nang marealize ko na baka MINULMULTO ako?! Waaaaah I hate ghost pa naman. Huhu!
Baka white lady yung nag door bell?! O di naman kaya kapre? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Napalingon naman ako sa baba kasi baka naman isang dawende ang nag-door bell ngunit iba ang nakita ko.
It's a bouquet of white roses. "Hmm kanino naman kaya galing tuh?" Tanong ko sa aking sarili. Hayst bulaklak nanaman, habang tumatagal nagmumukha ba akong patay?!
Tiningnan ko ang tag at may nakasulat na "From: J" Sinong 'J' ang kaya ang nagbigay sa akin neto? Si Jwil kaya? Kasi sabi niya liligawan na niya ako O si...
Jeff!
Dali-dali akong pumasok sa elevator at pinindot ko agad ang 'P' button.
Kailangan kong magpasalamat kay Jeff sa ibinigay niyang bulaklak. Nang makarating ako sa tapat ng condo niya, nadatnan kong bukas ang kanyang pinto kaya kinapalan ko na ang aking mukha at agad akong pumasok
"Nailagay mo ba ang bulaklak sa tamang pwesto?" Narinig kong sabi ni Jeff sa kabling linya. May kausap siya sa telepono.
"Good Job. Salamat pre" nagulat naman siya ng nakita niya akong nakatayo sa harap niya
"Hi Jeff. Sorry kung di na ako nagpaalam pa na pumasok dito kasi--" di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita
"It's okay" ngumiti nalang ako sa kanya.
Yung natataeng ngiti. Shems, Nakakahiya talaga ako. "I just came here to say thank you hehe" sabi ko pa.
Tumayo siya at dali-dali siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya naman ang dalawa kong balikat ang nag-smile siya sa akin. Ayan nanaman siya sa nakakasilaw niyang ngiti
"Hey, it's nothing. Maliit na bagay" nag-smile din ako sa kanya "sige, aalis na ako hehe. Yun lang naman ang sasabihin ko" binitawan na niya ang balikat ko ang nag-wave siya sa akin. A good bye wave.
---------------
"Hi Gel" bati sa akin ni Jwil ng nag-krus ang landas namin sa daan.
"Uy! Ba't absent ka kanina" huminto muna ako sa paglalakad at nag-cross arms ako sa harap niya. Bigla naman siyang napakamot sa ulo niya
"Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Bakit? Miss mo na ako?" Ngumiti siya ng nakakaloko kaya pabiro ko siyang hinampas
"Assuming!" Sigaw ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko "By the way papasok na ako sa condo ko. Pagod na ako eh! Bye Grospe!"
Humakbang na ako papunta sa condo ko ng pinigilan niya ako "Gel, nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya "Ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
"Alam mo na yung---nagsisimula na kasi kitang ligawan" straight forward niyang sabi sa akin.
Napamewang naman ako sa sinabi niya "Ano ba kasi ang nagustuhan ko ha?" Ugh nagsisimula ng umiinit ang ulo ko
"Ako. Nagustuhan mo ba ang suot ko ngayon?" Pinanliitan ko siya ng mata habang tinitingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Eh, ano bang meron sa suot niya ngayon? Naka white t-shirt lang naman siya at naka-pajamas. Pero infairness, ang ganda talaga ng katawan niya!
Erase! What am I thinking again?!
"See you tomorrow?" Napa smirk naman ako dahil sa sinabi niya "Talagang magkikita tayo bukas! Magkaklase tayo diba?"
Nakita ko naman ang mukha niya na mukhang sasabog na anytime.
"Nagsasawa na akong marinig ang mga nakakabinging panliligaw niyong mga lalaki. Wala bang bago?"
Wala siyang pinagkaiba ni Kyle na iniwan ako at ni Jeff na nililigawan din ako. May cancer din si Jeff eh! Stage 1, nagbibigay ng bulaklak pero niligtas niya din ako kagabi. *blush*
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Short Story- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...