Condo
"I'm Keith, sister ako ni Jwil. Don't worry nandito ako para kausapin ka"
Tumango lang ako sa kanya.
"Alam mo ba simula noong nakilala ka ni kuya, bigla siyang nagbago haha. Ewan ko ba kasi, ang kulit nun eh! Tapos biglang naging mabait? Hahaha"
Nakitawa ako kahit hindi ako natatawa.
"At ibang klase siya manligaw" sabi niya at halatang amaze na amaze siya kahit siya ang nagkwe-kwento.
"Hindi ko talaga makalimutan yung gabi na iniligtas ka niya sa Jay Bar, yung may nambastos sayo? Haha KNOCK OUT nga eh! At kinabahan kaming tatlo nina Kuya Jeff at Jwil nang makita ka namin na mawalan ng malay!"
Si Jwil ang nagligtas sa akin?! Pero akala ko ba--- magsasalita na sana ako nang dumaldal nanaman si Keith. Hayst hayaan na nga.
"Kitang-kita sa mukha nina kuya Jeff at Jwil ang pag-aalala. Pero mas halata talaga na mas nag-alala si kuya Jwil. Kaya agad ka niyang binuhat. Di nga namin alam ni kuya Jeff kung paano ka niya naitakbo papunta sa kotse niya nang ganun kabilis!" With actions niya pang sabi.
"Kaya, agad-agad kaming sumunod ni kuya Jeff. Nang makarating kami dito, pinasok ka niya sa condo ni kuya Jeff kasi doon ang pinakamalapit"
Kaya pala si Jeff ang una kong nakita noon.
"Kung ganon, bakit hindi sinabi sa akin ni Jeff na si Jwil ang nagligtas sa akin. Inakala ko pa naman na si Jeff ang tumulong sa akin" tanong ko kay Keith
"Nako! Tsk! Tsk! Tsk! Baka kasi hindi ka nagtanong!"
Ay oo nga nuh?
"Teka nga dito ka din ba nagsta-stay?" Ako.
"Oo pero isang nurse kasi ako kaya palaging busy. Hehe. Ahh meron pa! One time pagod na pagod ako galing duty! Hindi pa man ako nakapasok sa condo niya hinila na niya ako papunta sa isang room! Kumunot nga ang noo ko nang nakita ko na may hawak siya noon na White roses! Inilapag niya sa tapat ng pinto mo at agad-agad din siyang tumakbo pagkatapos niyang mag door bell! Hayss kuya Jwil! Torpe talaga!"
Inis na inis na sabi sa akin ni Keith.
"Siya din pala ang nagbigay nun?"
Tumango ng pangatlong beses si Keith.
"Pero bakit ko narinig noon si Jeff na may kausap siya at ang sa isang bulaklak?" nagtatakang tanong ko.
"Ahhh! Yun!"
Nag-isip muna siya sandali.
"Ahh kasi! Deads na ang nanay ni Jeff. Every month inuutusan niya si nanay Fe, yaya nila. Na ilagay sa puntod ng nanay niya ang mga bulaklak na ipinabibili din niya. Sa Korea kasi inilibing ang mother niya.
Napahawak ako bigla sa aking bibig dahil sa kahihiyan na nagawa ko! Nakakahiya naman kay Jeff pero ba't kaya hindi na siya nagulat noong sinabihan ko siya ng thank you?!
Eh kasi baka inakala niya na dahil sa pag-aalaga niya sayo noong mahimatay ka.
Waaaaaaaaaaaaaah!
Hayyy naalala ko nanaman si Jeff. Nakakalungkot din isipin na hindi na kami magkikita. At sana ayos lang siya.
"Uy kung nagtataka ka kung bakit nakapagtapos na ako ng pag-aaral at sina kuya Jwil at Jeff ay graduating palang, yun ay dahil 3 years old pa lang nag-aaral na ako samantala yung dalawa ay 5 years old na nakapag-aral"
"Ahh" sabi ko habang nakangiti.
Nakakailang kasi ang beauty niya hehe.
"Uy salamat ha? Kasi pinasaya mo ako"
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Historia Corta- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...