Chapter 28

1.1K 29 1
                                    

Hospital

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad bumungad ang mga mukha nina Jeff, John at Kyle.

ANONG GINAGAWA NILA DITO?!

"Nawalan ka ng malay kagabi. At ang taas ng lagnat mo. Ayos ka lang?" Concern na tanong sa akin ni John.

Pero di agad ako nakasagot kasi nagtataka ako kung bakit nanjan sila sa harap ko. Lalong-lalo na si JEFF.

"Ang sabi ng doctor, okay ka naman dw" nakangiting sabi ni Kyle.

"JEFF?!" Gulat na sigaw ko sa kanya.

"Ay gulat lang? I'll explain to you later" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Gagong Jwil yun! Ang tanga-tanga! Sabay kaming nanligaw pero siya ang pinili mo, pero anong ginawa niya?!" Galit na sigaw ni John habang sinusuntok niya ang ere.

Hayst napailing nalang ako. Pero TEKA...

"How did you know?" Nagtatakang tanong ko.

"Halata eh" sabi niya sabay pout.

"Tch! Liligawan pa sana kita kaso masyado ka pang nasaktan. Walang hiya!" Sigaw naman ni John habang pinapatid niya ang paa ni Kyle.

"Ano ba!!" Reklamo sa kanya ni Kyle. "Kaya pala di ako binigyan ng second chance kasi may napupusuan kana pala" malungkot na tugon sa akin ni Kyle.

Hay nako!

"Pero wala na si Jwil. May chance na ako!" Sigaw ni John na para bang nabubuhayan ng pag-asa.

"Hoy anong 'ako'?! TAYO! TAYO!" Sigaw ni Jeff sa mismong pagmumukha ni John.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang pinto at nakita namin na dahan-dahang pumapasok si Jwil.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita ko siya.

Si Kyle naman ay agad niyang pinagkrus ang kamay niya.

Si John naman ay akmang susugurin niya si Jwil ngunit pwersahan siyang hinahawakan ng mahigpit ni Jeff.

"Angela" mahinang sambit ni Jwil.

Di paman siya makalapit ay agad-agad na siyang sinugod ni JOHN at sinapak siya kaya napasandal siya sa pinto!

"Hoy John!" Sinuway si John ni Jeff at ang akala kong matatapos na ang tensyon sa namamagitan nila John at Jwil.. NAGKAKAMALI AKO.

Kasi biglang sinutok sa tiyan si JWIL NI JEFF!

Pagtapos niyang suntukin ay agad niya itong kinuwelyuhan at ipinasa niya si Jwil ni Kyle na parang BOLA.

Sasakalin na sana ni Kyle si Jwil ngunit..

"TAMA NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko kay Kyle kaya agad niya itong tinulak sa sahig.

"ANO BA KAYO!!" Reklamo ni Jwil sa kanilang tatlo pero..

"Hahahahahaha!"

Sabay-sabay nila siyang TINAWANAN.

Medyo natawa naman ako dahil sa itsura ni Jwil ngayon.

"Hindi ba kayo naawa sa akin?!" Galit na tanong ni Jwil sa kanilang tatlo.

"HINDI!" Waaaaaaa sabay-sabay nilang sagot tatlo!

"Mga wala kayong hiya!" Sigaw ni Jwil sabay tayo.

"Ha! Hindi ka nga naawa kay Angela. Pinaasa mo yung tao" si Kyle

"Tumahik ka Kyle kasi parehas lang kayo" inis na sabi ko kay Kyle.

Sweet Lie ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon