Chapter 26

1K 27 1
                                    

Nakita ko siyang patakbong pumupunta sa akin.

"Anak oh! Burger at fries, para sayo daw!"

Kumunot naman ang noo ko

"Kanino galing mama?" Curiuos si ako.

"Hindi ko alam, bigla nalang kasing may nag deliever! Baka dw hindi ka pa kumakain. Eh totoo naman!" Kinikilig na sagot ni mama. Tsk kahit kelan talaga!

"Sino po nagbigay?" Nagtatakang tanong ko.

"Anak naman! Hindi ko na tinanong kung sino!" Sigaw niya sa akin.

"Ano po mukha?!" Sigaw ko din sa kanya.

"Tsk ang ingay niyo!" Reklamo ni papa.

"Ehhh anak bakit ba? Babae ang naghatid okay?! Yung house keeper ata! Inutusan lang dw siya!" Sigaw nanaman sa akin ni mama.

"Sino ang nag-utos mama?!" Inis na talagang sigaw ko!

"Aba'y malay ko! Hindi ko nga tinanong!" Malakas na malakas na sigaw niya sa mismong mukha ko!

"Ew mama yung laway niyo oh! Tsk, hindi po ba talaga sinabi kung sino ang nagbigay? Hehe"

"Anak naman! Sabi ng hindi! WALA NGA SABI AKONG ALAM!"

Tsk kung makasigaw akala ko naka mega phone! Ahhh.

"Lalabas na ako! Kainin mo na yan! Good night anak!" Mama.

"Wag ka ngang sumigaw ma!!!!!!" Ako.

"Sumisigaw ka din naman ah?!!!!!" Mama

"Hon! Matulog na tayo!!!!!!!!!!! Mga bwesit kayo! Para kayong mga unggoy na may regla!"

Si papa. Tsk! Tsk! Tsk!

Paglabas nilang dalawa. Nag-iisa ulit ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang pagkain at merong coke, burger and fries. May napansin din akong note kaya binasa ko agad "Eat Well, hindi ka pwedeng manhina, malulungkot ako"

Unang tao na pumasok sa isip ko ay si Jwil pero hayyyyyy impossible yun kaya kung may iba mang paghihinalaan ako, si John lang yun.

My friend
My super hero

At ang naging sandalan ko.

--------------

Kinabukasan*

Tuesday

Kanina ko pa nararamdaman na nahihilo ako. Papunta pa lang ako sa school ay nararamdaman ko na nasusuka ako.

Napahawak ako sa pinto ng classroom para ma balance ko ulit ang katawan ko, at nung naramdaman ko na hindi na ako nahihilo, lumakad na ako papasok pero di ko inaasahang matutumba ako.

Pero hindi isang matigas na sahig ang nahigaan ko kundi isang matigas na katawan.

Nagkatinginan muna kami ni Jwil ng matagal pero maya-maya ay agad din siyang tumayo nang hindi niya man lang akong inakakayan na tumayo.

Di ko alam pero yung mga mata niya ay iba ang sinasabi sa akin

'He's hidding something crazy'

Naalala ko ang sabi ni Keith sa'kin. Medyo namumbalik ang pag-asa ko. Alam kong hindi totoo ang mga sinasabi niya kaya sinubukan kong tumayo at pinilit kong lumakad ng maayos papunta sa kanya.

'Ang tanga mo Angela'

'Sinusubukan ko lang naman Gel'

'Bahala ka!'

"Please, layuan mo ako. Kinalimutan na kita"

Kasabay ng pag banggit niya sa mga salitang iyon ay ang pagkirot ng puso ko at pagpatak ng mga luha ko.

Sweet Lie ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon