Papunta ako ngayon sa condo ni Jeff, nakakapagtaka lang kung bakit bukas ang pinto niya. Kaya agad nalang akong pumasok.
Ang sadya ko sa kanya ay para ibalik sa kanya ang naiwan niyang panyo sa condo ko.
Bigla naman akong napangiti kasi naalala ko yung mga araw na kung paano nila ako alagaan dalawa ni Jwil.
"Close the door you b*llshit!" Dinig kong sigaw ni Jeff. Sa c.r niya galing yun ah? Pag lingon ko sa direksyon ng c.r niya, may nakita akong lalaki na pumasok sa loob. Hala!
Kaya pa simple akong lumapit papunta sa pinto ng c.r at idinikit ko ang aking tenga sa pinto para malaman ko kung ano ang pinag-uusapan nila ng mystery guy"
"Aissshh tanga! Ba't ka pumasok dito?!" Jeff.
"At bakit mo ni-lock?!" Asar na tanong ni Jeff.
Napatakip naman ako sa aking bibig dahil may narinig akong malakas na kalabog sa loob.
Hindi na ako nagdadalawang isip ba na buksan ang pinto. At pagbukas ko...
"WAAAAAAAAAAAAAAAH!"
Napatili ako ng sobrang malakas dahil nakita ko sina Jwil at Jeff na parehong naka higa sa sahig.
Si Jwil ay nakapatong kay Jeff.
Nagkatinginan muna sila ng matagal bago nila ako nilingon. At pag lingon nila...
"Ahhhhhhhhhhhh anong ginagawa mo dito?!" Sabay nilang sigaw.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah anong ginagawa niyo?!" Sigaw ko naman sa kanila.
Dali-dali silang tumayo habang masama silang nagkatiningan "Ikaw kasi eh" pagsisisi ni Jeff kay Jwil. Bumuntonghininga naman ako. Pinag-krus ko ang braso ko bago ako nagsalita.
"Aminin niyo nga, magpinsan ba talaga kayo?" Sasagot na sana sila pero agad ko silang pinigilan "And tell me, are u both gay?!" Magsasalita nanaman sana sila ngunit sa pangalawang pagkakataon pinutol ko sila "Joke lang ba ang panliligaw niyo sa akin?!"
Sabay-sabay naman silang umiling.
G
O
S
H------------
"Umiihi ako, nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko yang gago na yan!" Inis na tinuro ni Jeff si Jwil na nasa tapat niya.
Nag-cross arms naman ako at sinenyasan ko siya na magpatuloy.
"Tanga kasi eh!" Gigil na gigil niyang sigaw. "I told him to close the door pero nagulat nalang ako nang pumasok siya sa loob at ni-lock niya ang pinto!"
I just smirk when I heard Jeff's explanation. Tss crazy
"Then? Explain kung bakit ko kayo nadatnan dalawa na nakahiga sa sahig!" Pfft ewan ko ba kung matatawa ba ako o mandidiri
"Kinuwelyuhan niya ako kaya tinulak ko siya ng malakas, eh kaso mas hinigpitan niya pa ang kapit sa kwelyo ko, rason kung bakit kami natumba dalawa" nakayukong sagot ni Jwil. Pfft takot nanaman siya.
"So are u saying na, nasama ka lang sa pagkatumba?" Sarcastic kong tanong sa kanya. "Oo." Tsss tumayo na ako at pumunta ako sa pwesto ni Jeff. "Oh panyo mo" tiningnan ko silang dalawa ng masama, pinilit namang ngumiti ni Jeff samantalang si Jwil ay naka iwas ng tingin.
"Aalis na ako"
Bago paman ako maka-alis narinig ko silang nagsisisihan.
"Kung hindi ka lang sana tanga, di sana tayo mapapagalitan" walang expression na sabi ni Jeff.
"Kung hindi mo lang sana ako kinuwelyuhan, hindi niya sana tayo madadatnan na.." naputol si Jwil sa pagsasalita dahil sinagot na siya agad ni Jeff.
"Tsk tanga ka kasi" Jeff.
"At ikaw naman ay mayabang!" Jwil.
Ipinikit ko muna ng mariin ang aking mga mata bago ko sila nilingon.
"Ano ba?! Paulit-ulit nalang ba tayo? Para kayong mga bata! Nakakainis na" narinig ko pa na tinatawag nila ako pero hindi nalang ako kumibo.
--------------
*Ding-dong*
Nagdadalawang isip pa ako kung pagbubuksan ko ba ang nagdo-door bell. Dalawang tao lang naman ang bibisita sa akin sa ganitong oras! Si Jeff o si Jwil.
*ding-dong*(2x)
Inis akong tumayo sa couch. Padabog naman akong naglakad papunta sa pinto.
*Door opens*
"Ano nanaman ba ha!--- Ay good evening" nag peace sign ako sa delievery boy kasi nagkamali lang pala ako ng akala.
"Good Evening po Ms! Pizza delievery po" sabi niya sa akin habang inaabot sa akin ang pizza. Tumaas naman ang kilay ko.
"Wala akong naaalala na nagpa-deliever ako ng pizza na LARGE at wala akong pambayad"
I am about to close the door nang pinigilan niya ako.
"What?" Inis kong tanong sa kanya "Ang tigas naman ng ulo mo, nagkakamali ka ata ng---" hindi ko na naituloy pa ang mga susunod kong sasabihin kasi nagsalita siya. Aba!
"Miss, para sa inyo talaga ito" itinulak ko pabalik sa kanya ang pizza at pinilit kong ngumiti. Yung natataeng smile he-he. "Hindi nga sabi ako ang nag-order yan!" Ugh napasigaw na ako sa inis "At wala nga sabi akong pera para--"
"Miss, bayad na po tuh at para sa inyo talaga ito" lumingon-lingon ako sa paligid at gulat na gulat akong itinuro ang aking dibdib "A-ako?" Tumawa siya at ibinigay nanaman niya sa akin ang pizza
"Opo miss. Ikaw!" Hindi na ako nakipagtalo pa at kinuha ko ang pizza. "Paki pirmahan nalang po nito" sinunod ko naman ang sinabi niya.
Pagpasok ko sa loob, agad-agad kong binuksan ang pizza at nabigla ako sa aking nakita. Sa gitna kasi ng pizza merong "SORRY from:J"
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Short Story- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...