"See? Nagpapahalata siyang guilty!" Sabi ni Joana habang nakakapit siya sa braso ni Jwil.
"Ano bang problema mo Gel?!" Nagulat ako nang nakita kong galit na galit si Jwil.
"Teka dude! Hindi pa natin alam ang buong nangyari. Hindi tayo nakakasiguro na nagsasabi sila ng totoo!" Sigaw ni Jeff kay Jwil habang isa-isa niyang tinuro sina Joana at Czandiva.
"Pinagduduhan mo ba kami Jeff?" kalmadong tanong ni Czandiva sa kanya.
"At bakit naman hindi?!" Inis na sigaw ko kay Czandiva.
Ugh nakakapikon!
"Enough!" Sigaw ni Jwil.
Nagulat ako nang bigla siyang tumungin sa akin at bakas sa kanyang mukha na galit siya.
"Totoo ba na sinampal mo si Czandiva?!" Galit niyang tanong sa akin.
Napaatras naman ako ng konti dahil sa inaasta niya.
"Teka Jwil! Wag mo siyang sigawan!" Inis na suway sa kanya ni Jeff.
"I'm not talking to you!" Mabilis niyang sagot kay Jeff.
*lunok*
"Oo nasampal ko siya dahil--" naputol ako sa pagsasalita.
"See? She's crazy!" Sabat ni Joana. Tiningnan muna siya ni Jwil bago siya tumingin ulit sa akin.
"At totoo bang sinuntok mo siya sa tiyan?!" Malakas na sigaw ni Jwil.
"Oo pero--" ako.
Hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin kasi agad-agad niyang hinila sina Czandiva at Joana papalayo sa amin.
"Hoy Jwil!" Tawag sa kanya ni Jeff pero para siyang walang naririnig. Kaya lumakad na rin ako papalayo.
"Angela! Where are you going?"
Hinila ako ni Jeff papalapit sa kanya.
"Wa-wala akong kasalan" pag-amin ko.
"Shhh. Naniniwala ako sa'yo" sabi niya sabay yakap sa akin. "Wag kang umalis ha? Sabay tayong uuwi at please maniwala ka na naniniwala ako sa'yo" dagdag niya pa. "Ano ba kasi ang nangyari?"
"Noong umalis kayo, nakita ko sina Joana. Sinabi nila sa akin na dapat ko na dw kayong layuan dalawa ni Jwil kasi mang-aagaw daw ako, lumaban ako kaya mas lalo nila akong inaasar. Nagulat nalang ako ng bigla akong sabunutan ng buhok ni Joana kaya lumaban ako. Sinuntok ko ang tiyan niya"
"Natumba siya sa sakit kaya lumapit sa'kin si Czandiva. Sinampal niya ako kaya sinampal ko din siya. Haha para patas"
Nakita ko namang tumatawa si Jeff kaya kumunot ang noo ko.
"Hahahahaha! Sorry ha? Ang astig mo kasi"
Tumango ako.
"Ayoko kong magpa-api sa mga tao. Lalo na at alam ko na nasa tama ako"
Ginulo niya naman ang buhok ko at hinalikan niya ako sa noo.
"Uwi na tayo? Monday na bukas eh" Jeff.
"Paano si Jwil?" Tanong ko.
"Hayaan mo siya!" Hinila niya ako papunta sa beach house para kunin ang mga bags namin.
--------------
Palabas na kami ng beach house ngayon ni Jeff.
"Iiwan niyo ako?" Bigla naman akong naistatwa dahil hindi kasi namin namalayan ni Jeff na nasa harap na pala namin si Jwil.
"Kunin ko muna bag ko" sabi niya sa amin nang hindi nakatingin. Pumasok na siya sa loob at kinuha ang mga gamit niya.
-------------
Si Jwil ang nagmamaneho at kami naman ni Jeff ay nasa likod.
"Wil, I'm sorry" nahihiyang sabi ko sa kanya. Hinawakan naman ni Jeff ang balikat ko at nginitian niya ako kaya kumalma ako ng konti.
Kanina ko pa kasi napapansin na hindi kumikibo si Jwil. Naninibagohan lang kasi ako dahil madaldal siyang tao.
"I can explain" dagdag ko pa pero deretsyo lang ang tingin niya daan.
"Galit ka sa akin?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya pa din ako pinapansin.
"Dude, she's talking to--" naputol sa pagsasalita si Jeff.
"I know" mabilis na sagot sa kanya ni Jwil.
"Eh alam mo naman pala eh! Gago ka, ba't hindi mo siya pinapansin?" Inis na tugon sa kanya ni Jeff.
Bumuntonghininga nalang ako at ipinikit ko ang aking mga mata. Matutulog nalang siguro ako. Baka wala lang siya sa mood.
"Jwil" Jeff.
"Hmmm?" Jwil.
"Ano ang pinag-usapan niyo sa dalawa?" Jeff. Ang tinutukoy niya sina Joana at Czandiva.
Pero hindi siya sinagot ni Jwil.
"Jwil, bakit ka nagkakaganyan?" Halata sa boses ni Jeff ang pag-aalala.
Pero ganun pa rin ang nangyayari. Hindi siya pinapansin ni Jwil.
"Ayos ka lang?" Nararamdaman ko na lumingon si Jeff sa akin.
"Gel? Ayos ka lang?" Jeff.
Sasagot na sana ako nang biglang sumigaw si Jwil.
"Bwesit! Paano nangyaring---- ugh!" Jwil.
"Hoy! Anong nangyayari?" Jeff.
Agad-agad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Jeff na nagmamadaling pumunta sa passenger's seat.
"Angela mag seat belt ka!" Sigaw ni Jeff sa akin.
Ano ba kasi ang nangyayari?
"Umalis ka jan Grospe! Ako ang magmamaneho!" Galit na utos ni Jeff kay Jwil.
"Hindi" mabilis na tugon sa kanya ni Jwil.
Ngayon ko lang napagtanto na...
NAWAWALAN KAMI NG PRENO!
"Jwil! Babangga na tayo sa poste!" Jeff.
BOOOOOOOOOGSH
At yan ang huling mga salita na narinig ko, kasi bigla akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Sweet Lie ( COMPLETED )
Short Story- Apat na lalaki ang magpapakilig Hindi 'Meteor Garden' pero saya ang bigay nito. Iibig ka kay Jwil na kahit MANIAC ngunit kayang magbago para lang sayo. Mapapahubad ka naman sa kagwapogan ni Jeff Lee, ang koreanong lover boy. At ang iyong madilim n...