"Don't mind those freakin bashers!!! We will protect you... Takecare of yourself -Suga""Don't mind those freakin bashers!!! We will protect you... Takecare of yourself -Suga"
"Don't mind those freakin bashers!!! We will protect you... Takecare of yourself -Suga"
Parang sirang plaka, na paulit ulit sa pagtugtog. Halos hindi ako makatulog din, hindi dahil sa kinikilig ako kundi sa natatakot ako na baka lumala na yung pambabash sakin. I know my dad is a lawyer at pwede kong gamitin yun, para kasuhan ang mga bashers
Halos madaling araw nalang akong natulog sa kakaisip ng message sakin ni Suga. Shems!!!!
Habang bumababa ako ay tumitingin naman ako sa paligid. Bumuntong hininga ako at siniguradong walang kahit anong gulo. Ok. No more sign of trouble.
"Hey bess!" Hawak ni claire sa balikat ko at napatalon naman ako sa pagkabigla.
"Mukha kang may pinagtataguan" claire
"Nag-iingat lang nakakaparanoid yung mga bashers ko" Sabi ko sa kanya
Tumango tango lang sya. Naglakad kami papuntang building namin. Napatingin naman ako sa tapat ng building. College of Arts and Music usually mga feeling artista o mga gustong mag-artista ang nasa building na yan. Pero talagang may mga talent sila at matatalino. May iba nga lang na puro talent lang talaga. Sa pinaka tuktok o yung private room ng college. Glass wall kasi yun pero may part na blur kaya sapat lang na makita mo yung mukha ng tao.
"We Love You Bangtan!" Sabay sabay na sabi ng ga fangirls sa harap ng building may mga dalang mga papel at kung anu ano pang nagsasabing
I LOVE YOU BANGTAN!
I LOVE YOU 4D
I LOVE YOU JIMINNIE
I LOVE YOU RAPMON
MARRY ME PLEASE KOOKIE
At kung anu-ano pang kaadikan. Tumingala naman ako at nakita kong kumakaway sila so nandoon din si V At Jung kook. Wait akala ko ba bawal mga Highschool dun. This is so unfair! tss. special treatment.
Tumili lalo ang mga tao sa pagpansin sa kanila. Hinila ko na si Claire paalis dun psrang gusto nga nyang sumali dun sa ga fans ng bangtan.
"kj mo naman bess" *
Binatukan ko na para magising.
"Gusto mo din sumali sa mga yun?" Tanong ko
"tss. hindi mo kasi alam yung nararamdaman naming mga fans" sabay walk out
hindi ko na nga sya pipigilan. Pero tama sya hindi ko nga sila naiintindihan dahil hindi ako sila. Magkaiba kami ng pananaw.
Mag-isa nanaman ako. At malaki nanaman ang posibilidad na masangkot nanaman ako sa gulo.
"Hi!" napakunot ang noo ko.
Sino ba to?
"You don't know me?" Biglang nagtaka sya.
Umiling ako.
Napangiti sya. "You're really different, extraordinary girl, and I like it!" Ngumiti sya at halos nakapikit na sya dahil sa mga mata nya.
Hinawakan nya ang kamay ko, at parang hihilahin nya ko kung saan.
"Wait lang huh! Saan mo ko dadalhin? Sino ka ba huh? " Mataray na sabi ko. Baka akala nya masamang babae ako. tss. gwapo pa naman nito sayang baka maturn off sya sakin. omo!
Ngumisi sya. "I'm suga ok, at pupunta tayo sa rooftop"
Suga?
"Don't mind those freakin bashers!!! We will protect you... Takecare of yourself -Suga"
"Wait ikaw yung nag message sakin sa FB"
"obviously it's me" Sabay tawa nag patuloy lang kami sa pag-akyat.
Wait college sya diba. So bawal sya dito so paano sya..? oh well star nga pala sya. tsk.
Binuksan nya ang pintuan ng rooftop at bumungad sakin ang 6 na makikisig na lalaki na may nakaplaster na ngiti sa kanilang labi. Parang kakainin nila ako anytime.
"A...Ano?" Heto na kung sa isa nga lamg sa kanila hindi na ko makapag salita e yung nagsama-sama pa sila. Buti nalang may lumabas pang isang word.
Lumapit si Jungkook sa amin ni Suga, Poker face ang lolo nyo. Masama ang loob kasi nandito ako? tingin nyo?
Hinawakan nya ang wrist ko at inalis ang pagkakahawak ni Suga. Na ikinabigla din ni Suga. Kinaladkad nya ko papunta sa mga ka-members nya. Nakita ko ying may kulay white na buhok na humalukipkip ta tinignan ako, Mula ulo hanggang paa. WTH. Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan. Ikinabigla nya at biglang tumawa at nakipag-apir kay V.
"Pink!" Sabau tingin nung lalaking isa na sobrang gwapo din sa bag ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Yes my favorite color" Biglang nagningning ang mata nya.
Niyakap nya ko. At syang ikinabigla ko.
"Wait! Wait! No touch please!" Napatingin sya ng diretso sakin at seryoso.
Tumingin sya sa ibang ka-member nya. At may biglang umakbay sakin.
"Jhope is my name, and I know you are my only hope" Ano daw?
"Hahaha! Korny!!!" napatakip ako sa bibig ko. Ano nasabi ko!!!??
Baka magalit sila sakin, tapos dahil maganda ako rereypin nila ako at itatapon sa Pacific ocean.. . Waahhh kailangan ko ng umalis. Tumalikod na ko at nag-umpisang maglakad.
"Where are you going young lady" Sabay hawak sa wrist ko.
magsasalita na sana ako ng biglang
Boooooom!!!!
Nagbagsakan ang mga confetti.
Habang ako gulat na gulat at walang naiintindihan sa mga nangyayari.
Nakita ko nalang silang nakasuot ng party hats na ngayon ay isinusuot na rin sakin.
"Halika doon tayo" turo ni V. Open place tong rooftop. Maaga pa kasi kaya hindi mainit at napakalamig nang hangin dito.
"V ano bang nangyayari?" Napatingin si V sakin at laglag ang panga. Ano ba to?
"Guys!!! kilala nya na ko! Tinawag nya ko sa pangalan ko!" Masayang sabi nito.
Napatingin naman sila sakin at biglang tumakbo si Jin, Jhope, Jimin sakin.
"Tawagin mo rin kami sa pangalan namin" Jimin .
Naku matatanggihan ko ba to.
"Ok, Jimin jin at jhope ok na ba?"
Halos hindi maialis ang ngiti sa kanilang mga labi.
At parang hindi ko na din maalis ang ngiti ko. Lalo ng nakita ko ang maraming pagkain. May birthday ba?
"Ano bang meron? Bakit ba ko nandito?"
Tumawa lang sila at kumain.
Napanganga ako. Iba talaga nagagawa ng mga mayayaman. tss.
BINABASA MO ANG
BTS: Skool Luv Affair (Completed)
FanfictionBangtan Boys Fanfiction BTS: Wings ( on-going )