Again pagkababa ko sa sasakyan ay kaagad akong tumingin sa may gate, for this day alam ko namang may mangyayari, baka may humigit nanaman sakin at dadalhin ako kung saan. Masisisi mo ba ako kung sa lahat nalang ako lagi ang nahihigit kung saan saan. Tingin sa kaliwa at tingin sa kanan , huminga ako ng maluwag dahil walang bakas ng kahit ano ng bangtan boys. Hinawakan ko ang strap ng bag ko at masayang naglakad papasok ng school.. Naglalakad ako ng may isang lalaki ang humarang sa daanan ko at nabunggo ako ng isang matangkad na lalaki kaya lahat ng gamit ko ay malamang nagsihulog sa laki pa naman ng bumangga sakin.
"Ano ba yan!? Tingin tingin din pag may time!" Inis na sabi ko
Wala akong narinig na kahit 'sorry miss' lang sana. Kaso wala talaga. Kaagad kong pinulot ang mga libro ko at tumambad sakin ang mala salamin sa kinang ng mga sapatos nya. Tumayo ako ng may inis sa mukhang, mag-uumpisa palang akong magsalita ng isang word ay napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang nasa harap ko. Napatigil ako at sya namang pag-ngisi nya sakin na sobrang nakapag pakulo ng dugo ko.
Dahil sa tangkad nito ay bahagya naman itong yumuko at lumevel sakin, tinaasan nya ko ng kilay at muling nag flash ang ngisi nya. Alam mo yung parang may kung anong kumukulo sa lalamunan ko na parang dragon na nagbubuga ng apoy. Pagkatapos nun ay nagpamulsa sya at naglalakad na sya, habang ako nakatalikod sa kanya. So matatapos nalang ba to ng ganito candice! Humarap ako sa kanya at tumambad sakin ang likod nya, his brown hair makes him looks like a prince, pero hindi mababago nun ang isip ko, kinuha ko ang pinaka makapal kong liro at buong lakas na inasinta ang ulo nang lalaking iyon.
Inihagis ko ng buong lakas at sapul nga sya sa ulo, halos matigilan ang lahat sa ginawa ko, gulat malamang sino ba naman ang may lakas ng loob na gawin sa isang J-HOPE iyon.
"GANGSTER!!!!!" Yan ang nasabi ko. Yan kasi yung napanuod ko dun sa paborito kong wattpad story na naging movie.
Biglang huminto ang oras, wrong move ata! So kailangan ko ng mag ninja moves. Habang shock ang lahat ay kaagad akong tumakbo at nagmadaling pumunta sa room namin.
"What's up bess? May humahabol ba sayo? Sabay tingin sa may likod ko.
"Wala pa naman, baka mamaya meron na claire" saka na ko umupo sa tabi nito. Hindi narin sya nagsalita o nagtanong pa.
Napabuntong hininga ako, again I'm in trouble again! Nakakainis kasi yung lalaking yun e akala mo naman kung sino, kamukha naman ni Vice ganda! Vice ganda? Napaka gwapong vice ganda.
Dahil kung ano anu ang nasa utak ko ay bigla nalang akong kinurot ni clarice sa pisngi.
"Aray! " Malakas na angal ko.
"Where is your career manual?" Tanong ni clarice
biglang napakunot ang noo ko, kailangan ko yung career manual na yun kasi yun yung magiging way para makagraduate at makapagCollege ako. Bigla kong naalala!"Yung pinangbato ko!" Napa face palm nalang ako ng marealize yun pala ang hinagis kong book kay JHope na hindi ko naman kinuha pagkatapos kong ihagis!
"You need it candice" clarice naikwento ko na ang mala movie kong the moves kanina.
"Sasamahan mo ko diba!?" Tanong ko kay clarice ilang oras nalang at mag eevaluate na ang mga teachers at kailangan ko ng ipasa iyon! Ang pinaka magandang gawin ay bumalik ako sa entrance at hanapin ang book.
Bumuntong hininga si Clarice, "ano pa bang magagawa ko e bestfriend kita"
"Partners in crime" sabay abot sakin ng water gun.
"Ano to?" Tanong ko
"Weapon, mahirap na baka sumugod ang mga fans sila at mapatay tayo ng walang kalaban laban" natawa naman ako sa teorya ni clarice,
"Just keep it! Just in case, saka hindi tubig yan, suka yan yung datu puti talaga para maasim talaga" candice minsan weird din nito.
So ganun na nga binalikan namin ni clarice ang lugar kung saan nangyari ang isang eksena.
"Dito lang dapat yun bess, dito ko nakitang lumapag yung manual ko"
"It's either tinapon or kinuha" pahayag ni clarice
"It's ok na kinuha but wag lang itapon, pity on me!" Mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Looking for a career manual?" Isang boses mula sa likod, at sa base sa pamilyar na boses ay mula ito sa isang ....
"Jhope" bulong ko.
Napakunot ang noo ko, ganun ba talaga kabilis ang karma.
"Yes yan ang hinahanap ko, i really need it" paliwanag ko.
Tumango tango naman ito "i guess so, Don't worry I will give it back to you" biglang nagliwang ang mukha ko at isang munting ngiti ang lumabas.
"Aww too cute to be true" at umaktong parang nasisilaw. At tumatawa
"So pwede ko ng kunin?" Masayang tanong ko.
"No. No. No. Dahil sa ginawa mo sakin kailangan mo munang pagabayaran yun"
--
Very short update, just a glimpse. Anong hula nyo g mangyayari?Kamsa^^ Thank you to ayayang for my new story cover!!!!! Pasa din kayo sa ng story cover :) thanks. Special partcipation si ayayang sa mga susunod na chap.
BINABASA MO ANG
BTS: Skool Luv Affair (Completed)
FanfictieBangtan Boys Fanfiction BTS: Wings ( on-going )