Tinignan ko sila isa-isa. Nakangisi at tuwang tuwa sa mga nangyayari. Ano ba talaga ang ginagawa ko dito? Out of place na ko.
"Thinking, why are you here?" Nakangising sabi ng lalaking lumapit at umupo sa tabi ko.
Kumunot ang noo. "I'm Namjoon, the leader" Mas fluent ang isang to sa english proven by his accent, tumango lang ako sa kanya.
"Dahil hindi ka tulad nila, kilala nila kami bilang member ng sikat ng boy group. Pero ikaw iba ka, hindi mo kami kilala. That's new, really unusual. kaya na-amaze kami sayo, and now pinapakilala namin ang bawat isa sayo bilang kung sino talaga kami, Nag-iisa ka lang kaya we want it to be perfect, gusto ka naming maging kaibigan. Pero hindi madali na maging kaibigan kami, madaming consequences kaya natatakot kaming baka layuan mo kami" Jaw dropped literally. Ewan ko pero naniniwala ako sa sinabi nya kahit ngayon palang kami nagkakilala.
Lahat ng sinabi nya sang-ayon ako. Paano ako makikipag-kaibigan sa mga taong magiging dahilan ng pagkagulo ng buhay ko. Ngayon palang ngang hindi ko pa sila kaibigan kung makapang bash sila saken wagas, though may ibang pinapanigan ako, natatakot pa rin ako.
"But diba dapat magpasalamat kayo sa kanila, dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kayo ganun kasikat ngayon" Alam ko namang mga fans ang tinutukoy niya.
Ngumiti sya. "We always thank them. Always and Forever. We treasures Armys...so much.." nakita ko ang sincerity sa kanyang mga mata.
"..pero tao din kami candice. May mga bagay na gusto kami, na minsan hindi nila maintindihan but at the end of the day sila pa rin pipiliin namin. " naputol ang sasabihin nya ng dumating si V.
"Tara kain tayo?" inilahad ni V ang kanyang kamay.
Naalala ko ang sinabi ni Namjoon. Gusto nila akong maging kaibigan. Bakit hindi diba? tao don sila tulad ko, yun nga lang mayaman at sikat sila. Pero gusto ko pa din.
Tumayo ako, at nginitian si V "Tara na!" nagulat sya sa ginawa ko. "Magkaibigan tayo pero no touch pa rin ahh!" Sabi ko sa kanya na ikinabigla nya. Jaw dropped ang lolo nyo.
"Paki-ulit nga ng sinabi mo?" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa maraming pagkain. Sinulyapan ko si Namjoon at nakangiti sya.
Namjoon, sya yung klase ng tao na nakakabasa ng iniisip ng ibang tao, o masyado lang akong transparent kaya nababasa nya ang iniisip ko.
"Sabi ko magkaibigan tayo at kaibigan ko kayo, but no touch please" Ngumisi sya at inakbayan ako.
shiz. kakasabi ko lang.
"sabi ko no touch diba tsss." Saka ko inalis ang kamay nya sa balikat ko.
Feeling ko ang tagal kong nagstay sa rooftop, sa dami ba naman ng nangyari.
kaagad ding kaming umalis dun dahil may mga klase na rin kasi sila. Pinauna na nila ako sa pagbaba gusto pa nga akong ihatid sa room but I insist na wag na pero makulit talaga, buti nalang talaga tinulungan ako ni Namjoon kaya ayun pinakawalan din ako. Napaka kulit nila sa konting panahon ay parang kilalang kilala ko na sila.
Iba sila behind the camera, parang normal na tao lang, normal na teenagers na gustong magkaroon ng TOTOONG kaibigan.
Napangiti ako ng marealize ang mga yun. Am I lucky to be their friend?
Pagkababa ko ay sinalubong ako ng bestfriend kong si claire. Napameywang at tinataasan ng kilay.
"Mamaya ko na ieexplain ok? late na kasi tayo." Hinila ko na sya papuntang room.
Pagkapasok namin ay kaagad kaming naupo kasabay nito ang pagdating ni V at Jungkook. Nginitian ako ni V sabay wagayway ng kamay. At kita ko g tinginan at bulungan ng mga classmate ko. Si Jungkook naman ay nakatingin lang sakin. At sinamaan ng tingin ang mga nagbubulungan.
"Hi bestfriend" V
V talaga napaka vocal yung tipong lahat ng iniisip nya sinasabi nya.
Tumangin ako sa kanya at ngumisi sa kanya. Pero natatakot pa rin ako.
Dumating na si sir Catacutan. At Nagsimula na ang nakakaantok na discussion.
*poke* *poke*
Kalabit palang niya kinabahan na ko.
Lumingon ako.
"what!?" pabulong na sabi ko.
mainit pa naman ang ulo ni sir catacutan.
pinakita nya ang phone nya. Kumunot ang noo ko.
"Number mo, kukunin ko." V
What!? tsss.
"please" kumuha ako ng papel at sinulat ang number ko.
Pagkabigy ko ng papel kita ko ang nakakunot na noo ni Jungkook.
What's wrong with him? moody tong isang to, but most of the time poker face.
Natapos din ang klase at umalis na ang katakot takot na si Sir Catacutan.
"Katakot talaga yang si sir bagay na bagay sa kanya ang apelyido nya" Inis na sabi ni Claire
Inayos ko na ang mga gamit ko, at gusto ko na talagang makauwi, feel ko ang daming nangyaring ngayong araw.
"Tara na!" Tawag ko kay claire
Napatingin ako sa likod ko at wala na yung dalawa. Napansin ni Claire ang pagtingin ko.
"May practice sila ngayon, alam mo naman sikat ang mga lolo mo, malamang nasa studio yun." Claire
"Studio?" Tanong ko. May studio sa University for Mass Comm student Malaki din yung studio but hindi pwedeng dumayaw dun dahil puro mga equipments ang nandoon.
"Hindi mo alam na nagpatayo ng Studio ang may ari ng school para lang sa kanila. Ganda nga daw nung studio." Claire .Napanganga ako. Shems ganun sila pinapangalagaan ng school? tss.
Naglalakad na kami sa hallway konti lang yung mga estudyante and that is weird!!!!
"anong meron?"
"Nanunuod sila ng practice ng bangtan!!! tara nuod tayo!" Claire
At bago pa ko makapagsalita ay hinatak na nya ako papunta sa studio. tss. concert ba to? glass wall kasi yung wall ng studio sosyal diba. Nakipag siksikan kami ni claire hanggang sa nasa unahan na kami at dammmmnnnnnnn!!!!!
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko!!!!!
"Sexy Jimin!!!!!!"
Six pack abs!!!!!!!!
A/N:
Thankyou sa wifi ng school namin haha!!! hope you like it! :)
BINABASA MO ANG
BTS: Skool Luv Affair (Completed)
FanfictionBangtan Boys Fanfiction BTS: Wings ( on-going )