"Hindi mo nga sila kilala?" Tanong ulit ni Claire
"Tulad sa una, pangalawa at pangatlo kong sagot HINDI!!!" Kinis tong bestfriend ko.
Tumingin sya sa kawalan at humawak hawak sa baba nya habang tumatango-tango pa.
"Sino ba sila?" Tanong ko.
Curiosity strike my head. I guess they are from rich Clan kasi naman diba yung mga sasakyan nila.
"Sila ang bangtan sonyeondan or bangtan boys or BTS hindi ka kasi nanunuod ng T.V, Kilala sila sa BUONG MUNDO bukod sa gwapo, sexy... ohmygawd! naalala ko ang sparkling abs ni Jimin..."
"Continue claire.."
"yun na nga at sobrang talented nila magaling sumayaw at kumanta" Tumango tango ako. Isesearch ko sila mamaya.
"Naku!! Candice We have to go na!" Claire
Kumaripas kami ng takbo para makatating sa building namin at sa 3rd Floor pa room namin.
"..Buti nalang wala pa si ma'am!" hingal na sabi ko.
Pumunta na kami sa upuan namin at syempre magkatabi kami ni claire
"...shems may nabasa akong update about bangtan at bali-balita na ang ginawa mong eksena kanina at ang hindi mo pagkilala sa kanila. Medyo nabash ka lang naman bestfriend." Claire
Ganun ba sila kasikat na ilang minuto pa lang ay kalat na ang mga pic. at news about sa ginawa ko. /sigh/ Ano bang nagawa ko? napahawak ako sa noo ko pero nakuha nila ang atensyon ko. Halos mabaliw ang mga babae sa kanilang nakikita. Para bang isang artista ang nakita nila.
"Sabi na classmate natin si V at Kookie" Masayang sabi much Claire
Oh well artista nga. tss.
Hindi ko nalang sila pinansin. Kahit medyo nakakairita na talaga ang pagtili. Umirap lang ako at inilagay ang ulo ko sa desk Dapat ko na sigurong umiwas iwas na ko sa kanila. Bigla na ring natahimik ang lahat baka nandyan na si sir Catacutan.
Naku katakot takot talaga ang matandang yan.
Umayos na ko ng upo. Halos lumuwa ang mata ko ng nakita ko ang mga titig ng classmate ko sakin. Yung parang msy nagawa nanaman akong hindi maganda.
"ano?" Tanong ko kay claire na kanina pa ngumunguso.
Parang may kung ano syang tinuturo sa likod ko. At ng tumingin ako sa likod ko.
Halos mapunit ang noo ko.
"Hi Lamborghini girl !" Sabi ng may kulay orange na buhok na ngiting ngiti habang yung mga mata nya ay parang nakangiti. Then his weird smile. Square mouth? weird ng isang ito.
"I'm kim taehyung, You can call me V" Sabi ni V habang winawagayway ang mga kamay nya. Napakunot ang noo ko.
Napatingin ako sa katabi nya...
wait sya yung may ari ng Lamborghini Veneno. omo!
"Sya naman si..." Pinigilan nung may ari ng L.V si V
"I..I can introduce my self" Parang nahihiya sya sakin.? diba dapat ako ang mahiya?
"Jeon Jung kook " Mabilis nyang sabi. Nakangisi naman ngayon si V
Jungkook pala. Uhmmmmm.
"I...I'm C..Candice" Shit! ako naman ang nauutal.
Lumakas ang tawa ni V na nakahawak pa sa kanyang tiyan. Habang si Jungkook naman ay nakatingin sakin at nakangisi.
BINABASA MO ANG
BTS: Skool Luv Affair (Completed)
FanficBangtan Boys Fanfiction BTS: Wings ( on-going )