Chapter 15.2: Park Jimin Part2

1.4K 70 8
                                    

He's Inlove..

Bigla kaming huminto sa isang university malapit sa School namin. Maraming mga estudyante ang nagsisilabasan. Nakatingin lang si Jimin sa mga ito, na parang may hinahanap.

Tumingin sya sa kanyang wrist watch. "Pauwi na sya" napatingin naman ako sa kanya at tumingin sa tinitignan nya.

"Sino?" Tanong ko.

Pansin ko ang pagngiti nya kahit nakatingi sya sa maraming estudyante.

"I'm a fan of a fangirl"

Even a idol is a fan too.

"Artist din sya?" Tanong ko.

Umiling sya. "She's just an ordinary girl like you"

Mula sa gate ay may grupo ng mga babae ang lumabas at nagtatawanan. "Yun sya!" Sabay turo sa mga babae. "That cute lady" sabay turo sa isang babaeng may maikling buhok, slim at I can tell that she's really pretty, simple lang sya for a college student, natural blonde hair.

"Sino sya?"

"Monique Lee, she's an Army, I met her before. She's really nice. Very nice lady. And knowing her deeply made me fall" nagulat ako sinabi ni Jimin. So si Monique pala.

"And why are you hiding from her?" Tanong ko.

Umismid naman sya. "Because I'm afraid!"

"Afraid of what?" Tanong ko.

He sighed "Isa akong artist, at ang mahalin sya ay hindi makakabuti sa kanya, ayokong masaktan sya ng dahil sakin at mas lalong ayokong mawala sya ng dahil sakin kaya ako na lang ang lalayo" seryosong sabi niya.

"Coward!" Saka ako lumabas ng sasakyan. Pinigilan ako ni jimin.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa ng paraan" sabay baba ng sasakyan at wala na syang nagawa kundi tignan ako.

Lumapit ako sa grupo ng mga babae 9 sila sa grupo at mga babae silang lahat.

"Hi!" Bati ko sa kanila.

Lumingon silang lahat sakin at parang namangha sa itsura ko.

"Annyeong!" Masayang sabi nila.

Ngumiti ako sa kanila. At nag bow.

"Korean?" Tanong nung isa sa kanila.

Umiling ako, at "Nagfefeeling korean lang" sabay naman kaming ngumiti. Then I noticed Monique, na parang may hinahanap.

"Hinahanap mo na naman ba yang si jimin mo?" Tanong nung isa sa mga kaibigan ni Monique.

"Jimin?" Tanong ko.

"Imaginary love ni monique" sabay ng iba.

"He's real, I met him before. Kumakain pa kami sa labas, noon" biglang tumamlay si monique.

"Hay naku! Forget him monique!" Saka niya inakbayan si Monique.

"Magpakilala muna tayo kay ate koreana" sabibnung isa. At isa isa silang nagpakilala sa kin.

"..and I'm Candice" pagpapakilala ko.

Bigla namang tumunog ang phone ko at isang text mula kay Jimin.

"Bakit mo pala kami inapproach ?" Tanong ni Monique. Napatingin ako sa kanya. Oo nga bakit nga ba?

"I'm jimin's friend" pagkasabi ko nun ay kumunot anh mukha ni Monique. Kasabay nito ang pag walk out niya.

"Hinahanap nya si Jimin, pero galit pa rin siya sa kanya" Jazz

"Hindi pa namin nakita si Jimin, pero alam namin na nasaktan si monique ng dahil sa kanya" Rylie

Pagkasabi niya nun ay unti unti na rin silang tumalikod sakin at umalis.

Bumalik naman ako sa kotse.

"She's mad" jimin

"Kasi hindi mo sinabi sa kanya ang dahilan mo."

Umiling siya. "For what? If someday I'm going to break her heart"








----

A/N: Medyo mahaba po ang kay jimin. -.- I dedicated this chapter to MONICA LIZARONDO. Jimin bias yan!!! :D

-Ey

BTS: Skool Luv Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon