Chapter 1

4.1K 71 0
                                    

Rowana's POV

Lakad takbong tinutungo ko ang inaayos na venue dito sa resort na pagma-may-ari ko. May magaganap kasi ngayong mahalagang event na dapat talagang asikasuhin at huwag basta pabayaan sa kamay ng mga empleyado ko.

Once ng nasiraan ang resort ko dahil sa isang pagkakamali na nagawa ng mga empleyado ko. Kaya ngayon hindi ko na hahayaan pa uling maganap iyon.

Nag-punta ako sa likod ng hotel building ng resort ko kung saan may malawak na lupa na pinalilibutan ng mga halaman. Nilapitan ko ang mga empleyado kong busy sa pag-aayos ng isang platform. Pinagmasdan ko ang mga dekorasyon at napangiti.

Siguradong magugustuhan ng mga bisita namin ang vintage theme ng venue lalo na ang may birthday.

"Ma'am!" lumapit sa akin ang sekretaryo kong nagmamasid din sa mga empleyado kong nagta-trabaho. "What do you think? They're almost done. At parating na rin po ang birthday celebrant." aniya sa akin.

Nginitian ko siya at muling pinagmasdan ang ginagawa ng mga empleyado ko. "Well,mukhang wala namang problema. And everything looks fine as I expected. How's the food? Na-check mo na ba ang kitchen natin? How are they?" marami kong tanong sa kanya

"Ma'am," he did two thumbs up. "They're doing great too. Nakakagutom nga po yung amoy sa kitchen eh." kuwento niya.

Muli ay napangiti ako. "After the finishing touches,make sure the venue is clean. Ayokong mag-kalat na naman ng tsismis ang mga bisita."

"Of course,Ma'am. May kailangan pa kayo?"

"Ahm... Kulang ba ang tables and chairs natin?"

"No,Ma'am. Sinobrahan nga po namin ng ilan eh. Baka po may mga dalang kamag-anak yung mga bisita."

"Ok. Oh! The cake?"

"...has arrived,Ma'am. At maayos naman ang lagay."

"Great!" tinapik-tapik ko ang balikat ng sekretaryo ko. "Good job." ani ko sa kanya at kaagad na nagpaalam.

Pumasok uli ako sa hotel building ng resort ko ngunit bago maka-lapit sa elevator,My two eyes saw the birthday celebrant and its family. Kasama rin nito ang mommy ko na masayang nakikipag-usap dito.

Lumapit ako at tumigil sa harap ng mga ito. "Hello po." bati ko sa matandang lalaki na naka-upo sa wheelchair.

Nginitian ako ni lolo. "Rowan,kumusta,hija? Balita ko,ikaw pa ang nag-ayos ng lugar kung saan ako magsi-celebrate ng birthday ko ah?" tanong niya sa akin.

Nakangiting tinanguan ko siya. "Opo,regalo ko na rin po sa inyo." sagot ko naman.

"Salamat,hija. Sana pinag-bayad mo na lang kami sa mga nagastos mo para sa venue ng birthday ni daddy. Nakakahiya naman eh." sabi ni Mrs. Francisco at nahihiyang ngumiti sa akin.

Nakangiting umiling ako. "Ok lang po ito. Bayad na rin po ito sa pagiging mabuting kaibigan ng daddy niyo sa lolo ko po." paliwanag ko sa kanya.

Tumawa si lolo. "Naku,kung nandito lang sana yung apo ko baka ni-reto na kita dun. Ang gwapo pa naman nun-teka nga," nilingon niya ang mag-asawang Francisco. "Nasaan nga pala ang mga lalaking anak niyo? Magtatampo na ko sa dalawang yun kapag hindi pa nila ako dinalaw kahit man lang dito sa birthday ko. Mabuti pa yung bunso palaging present." inis na sabi ng matanda sa mag-asawa.

Mrs. Francisco looked at her daddy apologetically. "Dad,papunta na po yung dalawang lalaki na yun. Si Sargent nandoon lang yun sa kumpanya niya. Si Xiron,malayo ang pinanggalingan kaya medyo male-late." paliwanag nito.

The old man just groaned in annoyance. Sino ba namang lolo ang hindi magtatampo sa mga apo nito kung wala ang mga ito sa kaarawan ng lolo nito? If I'm them,I'll do what I did for this grandpa and I'll make him more happy. Nakabusangot tuloy ngayon ang lolo ng dalawang lalaki na yun. Birthday na birthday niya ngunit nakasimangot.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon