Rowana's POV
As the wave of the sea reached my feet,my son wrapped his arms around my legs after running. Sinuklay ko ang buhok ni Sawyer. Kinuha ko ang towel na nasa balikat at pinunasan ang pawis niya sa mukha.
“Talikod ka nga.” ani ko sa kanya at pinunasan rin ang batok at likod niya. “Tama na ang takbo,anak,ah.”
Ngumuso siya. “Pero Mommy,I want to look for more shells.” ungot niya.
Mahina akong natawa. Simula nang magpunta kami dito noong mag-ti-three years old ang panganay namin,nahilig na siyang kumuha ng mga shells malapit sa buhanginan. Mayroon na nga siyang isang jar na puno ng shells mula dito sa Isla De Leah.
“Sige na nga. Tara,let's look for more.” aya ko sa anak ko.
Nagpunta kami sa medyo mabato na bahagi ng isla. Hindi ako nagpunta sa mga bato pero inalalayan ko ang anak ko sa paghawak ng mga shells.
“Mommy!” tawag sa akin ng anak ko at dahan-dahang naglakad palapit sa akin mula sa batuhan.
Nang makalapit siya sa akin,tiningala niya ako at tiningnan ako gamit ang bughaw niyang mga mata.
“Mommy,look what I got.” ani ng paos na boses niya at pinakita sa akin ang isang maliit na seashell.
“Wow. Ang cute naman niya.” ani ko at hinawakan ang maliit na shell.
Sawyer sweetly smiled. “Oo nga po eh. Alam mo po,mapupuno ko na uli yung new jar ko.”
“Woah! Ang galing naman ng baby boy ko.” ani ko at lumuhod para halikan ang pisngi niya. “Mommy is so proud.”
“Wait lang po ah,ipu-put ko lang po ito sa jar ko.” paalam niya sa akin.
“Sure,baby.” agad siyang tumakbo papasok ng bahay bakasyunan namin.
Nang mawala sa paningin ko ang anak ko,biglang may pumulupot na mga braso sa beywang ko at mahigpit akong niyakap. Mahina akong natawa.
“Sargent,baka mapipi si Serene.” tukoy ko sa babaeng sanggol na nasa sinapupunan ko.
It's been weeks since the doctor told us on my check up that it's a girl. Kaya naman agad akong umisip ng pangalan. At dahil puro letter 'R’ ang pangalan ng mga kamaganak ko, ‘S’ naman ngayon. And when the name Serene pop up in my head,I told it immediately to Sargent. Hindi naman na umangal ang asawa kk at pinagbigyan ako.
It's only days to go before I gave birth to my second child,our first daughter. Sayang nga dahil mauudlot ang bakasyon namin dito sa Isla De Leah. Kailangan kasi malapit kami sa ospital if ever man na manganganak na ako.
Kaya naman nag-impake na kaming pamilya.
“Sorry.” paumanhin ng asawa ko at hinalikan ako sa pisngi. “By the way,malapit na si Ivan dito sakay ng yacht ko.” imporma niya sa akin.
“Oh.” I frowned. “Tapos mo na kaagad ipaayos ang yacht mo? Ang bilis naman.” taka kong tanong. Noong isang araw lang kasi umalis si Ivan para ipaayos ang yate ni Sargent.
“Ahm… bumili ako ng bago. Baka kasi malaki na ang sira ng una kong yacht. Ilang taon ko na rin yung ginagamit eh.” paliwanag ni Sargent.
Kumunot ang noo ko sa huling niyang sinabi. “Ilang taong ginagamit? Eh,nasa syudad naman ang trabaho mo ah? Bakit nag-ya-yate ka pa?”
“Ahm… ano—”
“Ah,alam ko na. Dahil sa mga naging babae mo noon?”
Nakangiwing tumango siya. He looks scared actually. “Pero iba naman na ngayon. Kayo na yung pinapasakay ko sa yacht ko.”
![](https://img.wattpad.com/cover/149806615-288-k829773.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Again
General FictionRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...