Rowana's POV
Napakunot ako ng noo nang imulat ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko lutang ako at nahihilo pa ng kaunti. Napalingon ako sa bintana at nakitang madilim na sa labas. Napababa naman ako ng tingin at nakita si Sargent sa tabi ko. Tulog na siya at hubad baro. Boxer shorts lang ang suot niya.
Speaking of boxer shorts,why am I wearing one? Napansin ko ding iba na yung suot kong pang-itaas tapos wala akong suot na bra. Napalingon ako sa sofa sa dulong bahagi ng kama ni Sargent at nakita ang mga damit ko doon.
Mukhang binihisan niya ako.
Tumingin ako sa digital clock sa ibabaw ng bed side table. It's almost twelve. Ang haba pala ng tulog ko.
Napangiwi ako nang marinig ang tiyan ko. I'm hungry. Mabilis na tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta ng kusina.
Nang makarating ako,napangiti ako nang makakita ng pagkain sa dining room palang. Agad na binuksan ko ang takip ng pagkain at natakam nang makita at maamoy ang grilled meat na may sauce sa ibabaw nito. Nasa tabi nito ay fried rice na may halong itlog at hotdog.
Kumuha ako ng mga kubyertos,baso at pitsel. Nilantakan ko agad ang pagkain. Habang naghihiwa ng grilled meat,napatingin ako sa kisame nang bumukas ang ilaw sa dining room. Yung sa kusina lang kasi ang bukas.
Biglang kinilabutan ako pero agad na nilingon ko ang switch sa pinto ng dining room. My dear evaporated when I saw Sargent whose hands are still on the switches. Nang pumunta siya ng kusina para uminom,pinagpatuloy ko ang pagkain. Kaya nang makaupo si Sargent sa tabi ko,ubos na ang pagkain ko.
Gulat na tiningnan niya ang plato ko at ako.
"You're already finished?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. I excused myself when I burped. Natawa lang siya sa pag-dighay ko.
Hinugasan ko na ang mga pinagkainan. At nang matapos,napag-desisyunan namin na magpunta sa likod ng bahay niya kung saan may pool at duyan.
Nagpaalam muna siya sa akin para kumuha ng malaking kumot daw. Nagtanong ako kung para saan iyon pero ngisi lang ang sagot niya.
Iiling-iling na pumunta ako ng duyan sa pagitan ng dalawang puno na may mga LED lights na nakapalibot dito. Naupo ako sa duyan at pinagalaw ito. Napangiti ako nang maramdaman ang malamig na hangin.
I was happy for a minute but then,I remember something.
Yung kanina. Yung may nakita akong dalawang tao na duguan at kahit ako ay mukhang duguan. I stopped the hammock and thought about what happened earlier.
I panicked and cried.
Sobrang nalilito kasi ako kanina. Lalo na sa mga nalaman ko. Naghalo-halo ang emosyon ko at inilabas ko iyon sa pamamagitan ng pag-iyak at pag-sigaw. I was so frustrated and desperate to know what happened to those two people that I saw and to know what the hell was Sargent talking about.
It was stressful... as hell.
Kaya siguro medyo masakit ang ulo ko ngayon,medyo lutang at nahihilo. Dahil sa kakaiyak ko.
Napalingon ako sa sliding door papunta dito sa likod ng bahay at nakita si Sargent na may dalang mga kumot,lubid,unan at kung ano-ano pa.
Kunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang lumapit sa akin.
"Get off." aniya nang makalapit.
Ngumuso ako. "Nag-e-enjoy ako eh." reklamo ko.
Ngumiti siya. "You'll enjoy this more."
BINABASA MO ANG
Once Again
Fiksi UmumRowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionist in everything. She became a disappointment once and she experienced hell on the hands of her paren...